Chapter 2 : Both of Us

580 14 0
                                    

"The top 2 winners are..."

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Grabe hawak kamay kami ni Jenica. Ang lamig nga ng kamay niya eh. Kabado rin siya. Actually, hindi ko na alam ang gagawin after nito. Kapag kasi hindi ako nakapasok sa top 2, back to school ako. Nagabsent pa naman din ako para lang sa audition na ito. Ang dami kong aasikasuhin after nito. Humahabol pa naman ako sa rank. Matalino ako, maganda, may talent at palakaibigan (echos). Ang kulang na lang sa akin ay mas mahaba pang buhay. :|

"Jenica Santos"

Woah! Pasok si Jenica. Thank God. Isa na lang... sana ako...ako...a..ko.. ba un?

"Lia Hana Torres"

What? Name ko un? Tama ba ako ng pagkarinig?

"Congratulations to Jenica and Lia. Both of you will represent Philippines for the Star Hunt Season 3 in South Korea"

Hindi ako makapaniwala at first. Pero nung hinug na ako ni Jenica, oo totoo nga ang lahat ng nangyayaring to. Nakakaoverwhelm. Kasama kong pupunta ang best friend ko sa Korea. Sabay naming tutuparin ang pangarap naming dalawa. Sana hindi pa dito nagtatapos ang mga chapters ng buhay ko....

Heaven Above the Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon