Chapter 4: Into the New World (Part 2)

408 12 0
                                    

Korea... I'm going to Korea with Jenica and James. This is going to be fun!

"Lia!", tawag ni Jenica sa akin.

Nasa NAIA kami. Yung flight namin ni Jenica ay supported ng Star Hunt Season 3. Yung kay James naman, sarili niyang pera yun. Mayaman naman siya at matagal na raw niyang gustong pumuntang Korea. Koreana mama niya eh. Bibisitahin na rin niya ung mama niya while guarding me. Dahil hindi alam ni Jenica ang tunay na kalagayan ko, pinakiusapan ko si James na hindi niya sasabihin ang lahat ng nalalaman niya. Na nandito siya kasama ko para puntahan ang mama niya.

"Jenica, kinakabahan ako",

"Eh? Natural lang yan. Smile ka na. Anjan na ung tour guide natin", sabay smile at lingon dun sa tour guide namin. Halatang koreano siya. Mata palang eh and ung kutis, alam na alam mo na. Si James naman, kasama namin sa eroplano.

"Talaga bang may dugo kang Koreano?", tanong ni Jenica kay James.

Hindi kilala ni Jenica si James. Ito ang first time nilang magmeet. Ang akward nga eh. Ako tong matagal ng kilala si James pero kami ang hindi madalas mag-usap. Sina Jenica at James naman ang daming napaguusapan. Ang dami nilang common. Makatulog na nga lang.

zzzZZZzzzzz.......

"Uy! Gising na Lia",

"Ha?", sabi ko sabay unat. Lumingon-lingon ako at napansing wala na si James sa upuan niya. "Si James?"

"Nauna na. Itext or call mo na lang daw siya kung ano ung address ng titirhan natin. Dederetso na siya sa bahay ng mama niya", sagot naman ni Jenica. Tumayo na ako at bumaba na kami ng eroplano.

Pagkababa namin, nakita ko yung ibang mga top 2 finalists ng iba't ibang bansa. 18 kami lahat. May galing sa Malaysia, Japan, Thailad, Taiwan, Singapore, Hongkong, and Vietnam. Tapos from the Philippines, ako at si Jenica! :)

"Hello", greet ko with smiling face sa ibang mga contestants. Naghi rin naman sila sa akin at kay Jenica. Medyo mahirap makicommunicate kasi yung iba hindi marunong mag-english. Tapos may isang lalake super fluent niyang mag-english. Gwapo, matangkad, at mukhang astigin. Kaya lang mukhang masungit at mahirap pakisamahan. Kaopposite ni James, hindi marunong ngumiti.

"Hello I'm Lia from Philippines", sabi ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin kaso parang kakainin niya ako. Ang lamig ng tingin niya. "How about you? Where you from?"

"Thailand", sagot niya sabay alis ng tingin sa akin. Dumukot siya ng bubblegum sa pocket niya. "Want one?'

"No thank you",

"Sanun"

"What?"

"It's my name"

"Ah. Nice meeting you Sanun", sabi ko sa kanya tapos nagoffer ako ng handshake. Ewan ko ba kung galing siyang ibang planeta kasi tinignan niya lang ung kamay ko eh.

"It's another way of greeting someone", I smiled.

Hindi pa rin pinansin ni Sanun ung kamay ko. Hindi ko na talaga alam yung gagawin ko nun eh. Buti na lang tinawag ako ni Jenica.

"Lia! Tara na"

"Sige susunod na ako"

Lumingon ako kay Sanun. Then I said, "Let's go Sanun"

STAR HUNT SEASON 3's journey is going to start soon.....

Heaven Above the Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon