Back home, napagalitan ako sa mama ko. Hindi kasi ako nagpaalam na pupuntang Manila for the audition. Alam ko kasing hindi niya ako papayagan kaya tumakas na lang ako. Ang malala pa, may pasok ngayon. Apektado nito grades ko. Pero paano nyan? Mas malaki ang sisirain nyan kapag pumunta na akong Korea. Mas maraming araw ng absent kaya yon!
"I'm happy na natutupad ang mga pangarap mo Lia but as a mother, alam mo namang worried ako sa kalagayan mo", sabi ng mama ko.
"I understand mom pero kasama ko naman si Jenica eh. I'll be fine. Payagan mo na akong pumuntang Korea",
"Iba ang kalagayan mo kay Jenica. May leukemia ka! Siya wala. Normal siyang tao, ikaw..."
"Oo ako... abnormal ako. Bago ako mamatay, gusto kong maging masaya! Bakit hindi nyo maintindihan iyon?",
Sabay alis ako. Umiiyak. Pagod. Frustrated. Hindi ko na talaga alam ang gagawin. With this disease, I can't function well. Bahala na. Puntahan ko muna ung doktor ko. I feel weak.
"Lia. Feeling tired?"
"Opo. Pwede pong bumili ng mga gamot ko? Naiwan ko po kasi sa bahay eh",
"Oh? Bakit? Hindi ka ba makauwi?"
"Hindi naman po sa ganoon..."
Bago pa man ako matapos sa sasabihin ko, dumating si James. Siya ung anak ng doktor ko. Ewan ko ba. Lagi siyang nandiyan kapag bumibisita ako sa doktor ko. Parang lagi niya akong naaamoy. Parang aso.
"Hi Lia", sabay smile.
Nagsmile naman ako kaso pilit. Hindi ko siya feel. Ayoko yung masyadong pagkamasayahin niya. It pisses me off.
"Buti nandito ka?"
"Bakit ayaw mo? Alis na ako kung gusto mo",
Inabot naman sa akin ni Dr. Gutierrez yung gamot. Tapos, tumayo ako at ininom yung gamot ko.
"Hindi naman. Masaya nga ako kasi nandito ka. May makakausap ako", sabi ni James.
"Uwi na ako",
Umalis na ako. Nakakainis kasi dumating si James. Sayang. Hindi ko na talaga alam kung saan pupunta. Ano nyang gagawin ko?
"Uuwi ka na ba talaga?", tanong ng isang boses. Nagulat ako. Akala ko kung sino. Sinundan pala ako ni James. Aso talaga to. Nakabuntot.
"Oo. Hindi ba halata?"
"Hindi kasi ito yung daan papunta sa bahay niyo", sabay smile. Hayan nakasmile na naman siya. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung problema ko. Gusto kong pumuntang Korea.
"Bakit mo ako sinusundan?", patuloy lang ako sa paglakad.
"Eh ano bang problema mo?",
"Bakit gusto mong malaman?",
"Mas magaan daw yung mararamdaman mo kapag sinabi mo yung problema mo sa hindi mo kakilala",
"Paano ba 'yan? Kilala kita eh", sabay stop sa paglalakad. Humarap ako sa kanya. Nakasimangot. Tapos siya nakangiti.
"Ows? Magkakilala pala tayo? Eh, bakit kapag nagkikita tayo parang stranger tingin mo sa akin?",
Nagpause ako saglit. Nag-isip. Tapos sabi ko, "Hindi ako pinayagang pumunta sa Korea ni mama para dun sa sinalihan kong contest"
"Punta ka. Sasamahan kita sa Korea. Tutulungan kitang sabihin sa mama mo"
"Hindi pa rin siya papayag",
"Kahit papayagan ka ng doktor mo?"
BINABASA MO ANG
Heaven Above the Stars (Completed)
Novela Juvenil5 wishes to be fulfilled before dying. Magagawa ko ba lahat ng to?