Chapter 4: Into the New World (Part 1)

467 12 0
                                    

Pupunta na akong Korea! YES! Makakapunta na akong korea!

Hindi ko expect na matutulungan ako ni James. Kaya ang thankful ko sa kanya. Pinayagan na ako ng mama ko. Kinonvince siya ni Dr. Gutierrez, ung papa ni James. Binigyan niya ako ng medication para dun sa trip. Kaso may kondisyon si mama. Kailangan kasama ko si James na pupuntang Korea.

Wala na ring problema sa school ko. Tatamaan ng sembreak, mga two weeks yun. At least, bawas sa gagawin ko. Hindi rin naman ako sure kung magtatagal ako dun eh. Walang kasiguraduhan na aabot akong semi-finals. Pero kahit ganun, natupad naman ang fifth wish ko. :))

"Star Hunt Season 3? Excuse letter?", nagtatakang tanong ng monitor ng klase namin. "Kumakanta ka?"

Last day ko to sa school bago pumuntang Korea. Bukas na flight ko with Jenica. Kumalat sa buong campus yung pagkapanalo namin ni Jenica ng top 2. Pati ung mga teachers namin nalaman nila. Dinumog nga kami eh. Buti na lang nakatakas ako. Ayoko sa masikip. Nakakahimatay.

"Nagtatago?",

Nakaupo ako under the tree nang biglang may gumambala sa katahimikan ng mother nature. :) Si Seth pala yun. Hindi siya palakibo. Anti-social. Nerd. Kung hindi nagbabasa, laging natutulog.

"Seth? Bakit ka nandito?",

"Hinahanap kasi kita",

"Ha? Bakit naman?",

Yumuko muna saglit si Seth. After few seconds, lumingon siya sa akin. Nakasmile. Nilabas niya yung pen and paper na hawak niya. Hindi ko alam pero natatakot ako. Baliw ba siya?

"Pa-autograph!!!!" sabay lapit sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin. Wala pa man, pagod na ako. Hay.. Kpop pala si Seth. o.O

Heaven Above the Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon