Chapter 10: Elimination

298 9 0
                                    

Ano ba talaga ang dapat kong gawin? HIndi ba parang ang weird ko naman dahil ako pa ang galit? Ako na nga itong nagtago ng sikreto kay Jenica tapos ako pa itong nagwalk-out. Si James kasi eh.!

Habang naglalakad ako papunta sa banyo, nakasalubong ko si Sanun. Siya yung unang kumanta and he sang Special Girl by Infinite H. His song is actually dedicated to Sunee. Napag-alaman kong nanliligaw si Sanun kay Sunee pero hindi pa siya sinasagot nito. Actually nung narinig ko 'yun, parang may kakaibang tinik akong naramdaman sa puso ko. Hehe.

Nagkatinginan kami ni Sanun nang mabangga ko siya. Nakayuko kasi ako at parang naluluha, naguguluhan, parang wala sa sarili.

"You, okay?", tanong ni Sanun.

"Yeah, I'm fine"

"You look pale. Do you want me to bring you in the hospital?"

"No. Thanks for the concern", sabi ko at agad-agad na pumasok ng banyo.

Honestly, nag-away kami ni Sanun kahapon. Nalaman kasi niya na malalang-malala na pala yung karamdaman ko. Sinabi ni James sa kanya. Kaya nga inis na inis ako kay James kasi dalawang beses na niyang ibinunyag yung sikreto ko. Kinausap naman ako ni Sanun tungkol doon at gusto niya na itigil ko na ang pagsali sa contest na to. Syempre ako naman, ayoko. Nagexplain ako sa kanya hanggang sa nagtalo kami at nagkasagutan. Kaya ngayon, iwasan kami.

Pagpasok ko naman sa banyo, pumunta ako agad sa may sink. Nagsuka ako and in my shock, nagsuka ako ng dugo. Binuksan ko agad yung gripo and washed my hands. After some time, dumating si Jenica.

"Lia". sabi niya and walked towards me. "Ayos ka  lang?"

Lumingon ako sa kanya. She acted like parang walang nangyari kanina. Hindi ko talaga alam kung anong dapat kong sabihin. Then I just said, "Elimination na ba?"

"Ah. Oo. Tinatawag na tayo"

"Sige. Susunod na ako"

Lumabas na ng banyo si Jenica. Then ako rin umalis na rin. Tinry kong maging malakas at stood firm. Pagkarating ko sa backstage, nandun na lahat at ako na lang ang hinihintay. Pumasok na kami at hinarap ang moment of truth.

Kabado and at the same time, nanghihina. Si Miku ng Japan yung katabi ko sa left at si Mai naman ng Vietnam yung sa right. Napansin nilang dalawa na malamig daw yung kamay ko. Sabi ko naman, kabado lang talaga. Then inanounce na ni Tony ang mga eliminated.

"KENIX, SAM, MAI, ALBERTHO - you four are eliminated. Thank you for joining this contest. Congratulations to the TOP 8!"

TOP 8:

PHILIPPINES: Lia, Jenica

THAILAND: Sanun, Sunee

SINGAPORE: Lucas, Teresa

JAPAN: Miku

TAIWAN; Shufen

Hinug ako ni Miku. Then I saw Jenica. It looks like ihahug niya rin ako. Pagkatapos akong ihug ni Miku, inapproach ako ni Jenica and she said,

"Congratulations STRONG GIRL!" sabi niya with a smile. Strong girl- alam  ko na ang ibig sabihin niya dun. Bati na tayo.

Hinug ko siya then I said, "Sorry. Itinago ko sa'yo ang katotohanan"

Jenica then looked at me. Ngumiti siya and sinabi, "Pinapatawad na kita. Basta, patawarin mo na rin si James"

"Paano kung ayaw ko?"

"Eh concern lang naman kasi si James kaya niya nasabi sa akin ang totoo. Nagpapasalamat pa nga ako sa kanya dahil nalaman ko na. Gusto mo bang mabibigla na lang ako one day na patay ka na?"

"Hindi ko alam. Ilang beses na kasing binunyag ni James yung sikreto ko eh"

"Forgive him this time for me"

Matagal bago ako makasagot. But in the end, sinabi ko rin, "Okay. PInapatawad ko na siya"

Heaven Above the Stars (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon