Pagkagising ko, nabigla na lang ako. Si Jenica. ang pangit niya. Humahagulgol ng iyak. Kung anong ganda niya kanina, kasingpangit niya ngayon. Nakakaloka. Bakit pa kasi siya nagkabit ng maskara? Kumalat tuloy.
"Lia!!!! Gising ka na! Thank God", sigaw ni Jenica. Hindi ko alam kung umiiyak ba siya o tumatawa. Para siyang nababaliw. Hays...
"Jenica....", malumanay na sagot ko. "Ang pangit mo"
Nagshift sa dismayadong mukha si Jenica. Kunwari galit siya. "Oo alam ko naman. Hindi mo na kailangang sabihin sa akin yon. Nahimatay ka lang, naging honest ka na. Tss.."
Hinug ako ni Jenica. Napansin ko na nandiyan sina James and Sanun.
"James? Sanun?"
"I'll just go out so that you three can talk" sabi ni Sanun sabay alis. Lumapit naman si James then said, "Ano ng nararamdaman mo?"
"Ayos lang. Ano bang nangyari?"
"Itong batang to oh. Nahimatay ka kaya habang nagtatawanan kayo ni Sanun. Sabi ng doktor, sobra daw pagod and stress. Ganyan ka na ba ka lame?"
"Siguro nga. Kumusta pala yung elimination?"
"Pasok ako! Magkakasama pa rin tayong dalawa!!!!!"
Sumigaw-sigaw kaming dalawa ni Jenica. Ang saya. Nakaramdam ako ng ginhawa. Yes.
"Jenica, pedeng makausap ko muna si Lia for a while?"
"Sure" sabi ni Jenica and lumabas ng room.
Hinarap ako ni James. He looked worried. May hawak siyang papel and gamot. He said, "Heto inumin mo daw to"
Ininom ko naman ung binigay na gamot ni James. Pagkatapos, pinakita niya sa akin yung papel na hawak niya.
Sleep. Rest. Don't be stressed out. Tell Jenica about your sickness. Quit Star Hunt Season 3.
"What do you mean by this?"
"As soon to be doctor, I recommend na itigil mo na 'to"
"Ano? Akala ko ba tutulungan mo ako? Tapos ngayon, sinasabi mo sa akin 'to. I'll fight until the end. Hindi ko ititigil to James. Please, wag mong ipaalala sa akin na may ganito akong karamdaman"
"Ikamamatay mo 'to Lia"
"Then I'll die! At least before I died, I have no regrets. Natupad ko yung mga pangrap ko. Nagawa ko ang gusto ko. This is living life to the fullest James! Hindi ako natatakot mamatay"
"Kung ikaw hindi natatakot, kami natatakot Lia. Mas maraming malulungkot kapag namatay ka. Alam mo yan."
"Even if I'll die, tatakbo pa rin ang buhay ng mga taong naiwan ko. They will move on. They can and they will. Oo malulungkot sila pero lilipas din yun. Hindi mo ba naiintindihan ang buhay James? Hindi lang ako ang taong makakapagpasaya sa inyo. Kaya ako nandito is to remind all of you na itreasure niyo ang bawat oras ng buhay niyo because you were given more time than mine", I exclaimed and my tears fell down. I cried and remembered the face of my mom, Jenica and others that surrounds me. Hindi ko na alam ang dapat gawin.
Binigyan ako ng hug ni James and said, "Kung yan talaga gusto mo, sana pagisipan mo ng mabuti"
BINABASA MO ANG
Heaven Above the Stars (Completed)
Teen Fiction5 wishes to be fulfilled before dying. Magagawa ko ba lahat ng to?