TRP: 39 (Move On?)

618 22 1
                                    

LECKZY'S POV

"Nagkausap na ba kayo ni Ivan?" Tanong ni Hazel kay Chelsey.

"Hindi pa! Busy din kasi sya sa training nila." Chelsey said. Wala naman silang training ngayon. Napatingin ako sa field at nakita si Ivan na naglalakad.

Tumayo ako at hinabol ko sya. Gulat syang tumingin sa akin. Bigla Kasi akong sumulpot sa harapan nya.

"Leckzy!" Ivan said.

"Kailangan nyong mag-usap ni Chelsey, Ivan. Ngayon na." I said napatingin sya sa likod ko. Alam ko na tinignan nya si Chelsey sa aking likod.

"Pero kasi----" Pgadadahilan nya but I glared at him. Napakamot sya sa kanyang batok.

"Oo na, kakausapin ko na sya!" Sabi nya at naglakad papunta sa tambayan namin. Sumunod ako sa kanya.

Umupo si Ivan sa tabi ni Chelsey. Pero walang nag-sisimulang magsalita sa kanilang dalawa. I gasped loudly.

"The time is ticking!" I said. Tumingin silang dalawa sa akin. Tinaasan ko sila ng isang kilay. Tumalikod kami sa kanilang dalawa.

"So, sino yung lalaking kasama mo kagabi? Gaano ba sya kahalaga sa buhay mo?" Tanong ni Ivan.

"Wag mong sabihin na pinagseselosan mo yung tao? Pati ba naman yun. Yung una si David at si Kristian na kaibigan ko, tapos ngayon si Greg na anak ng ka-business partner ni Daddy. Lagi na lang tayong ganto. Lagi na lang ganto ang pinagaawayan natin." Chelsey said.

"Oo, nagseselos ako sa mga taong nagiging malapit sa'yo. Lalo na at wala ako. Hindi naman sa selfish ako o masyadong possessive, Chels. Pero takot lang akong maging masaya ka sa iba at makalimutan mo kung paano kita napasa. Chels, natatakot kasi ako na baka isang araw iwan mo ako dahil hindi ka na masaya sa piling ko. Kaya kahit na nagmumukha na akong tanga sa ibang tao, okay lang sa akin. Kasi ang importante sa akin ay napapasaya kita araw araw." Ivan said. Natahimik kami. Teka, bakit nga ba kami nandito? Bakit kami nakikinig sa usapan nitong dalawa.

Pagtingin ko sa tabi ko ay wala si Izzy at Hazel. Takte! Iniwan ako nung dalawa. Dahan dahan akong tumayo at maglalakad na sana ng biglang sumulpot sa aking harapan si Clark.

"Lecks!" Mahinang tawag nito sa akin. Inirapan ko sya bago nilampasan.

"Lecks, gusto mo bang sumama sa amin? Pupunta kasi kaming magpi-pinsan sa bahay ng grandparents namin sa linggo." Sabi nito. Malakas akong bumuntong hininga. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Pwede mo ring isama ang mga kaibigan mo! Kung gust-----" Natigilan sya ng bigla akong humarap sa kanya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya bago ko din dahan dahang inilapit ang aking bibig sa kanyang tenga.

"LEAVE. ME. ALONE." I whispered. Dahan dahan kong inilayo aking mukha sa kanya. I glared at him and turned my back at him. Naglakad na ako paalis.

Pero hindi pa ako nakakailang hakbang ay may biglang kumalabit sa akin sa likod. Tumigil ako at galit na humarap sa akin. Natigilan ako ng ilang pulgada na lang ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. At nagulat ako ng ngumiti sya at mabilis akong hinalikan sa labi. Pagkatapos nun ay nagmamadali syang umalis.

Biglang namula ang aking pisngi at napaawang ang aking labi. WTH! My first kiss. He stole my first kiss!

"Ahhhhhhhh!!!" Malakas na sigaw ko.

"Yieee! Nakita namin yun!" Napatingin agad ako kila Chelsey at Ivan na naka-upo sa tambayan namin.

Hindi pa nga pala ako nakakalayo dito. Ahhh! Naku, ichi-chismis agad ng dalawang ito ang nakita nila. Sinimangutan ko ang dalawa bago dali daling umalis papunta sa classroom.

The Reneged Promises (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon