Chapter 41

1K 40 25
                                    


“Ma’am, you sure you don’t want to…” 

Hindi ko pinatapos ang sasabihin ng makeup artist na kinuha ni Mama. 

“No, please… just focus on my daughter.” 

She was hesitant to leave at nanatiling nakatayo pa rin sa gilid ko. Nangunot ang noo ko sa hindi niya pag alis as if may mangyayaring masama sa kanya kapag umalis ito. I waved my hand to tell her that it's ok to leave. May tumatawag din kasi sa cellphone ko. She sighed before she finally left my room. 

“Hello? Ok na ba ang lahat?” bungad ko sa tumatawag. It’s one of the event organizers na kinuha ko para magplano sa birthday ni Azrelle. The venue ay sa main hotel ni Lolo Austin kaya nandon sila ngayon para siguraduhin ang lahat. 

“Yes Ma’am. Everything is clear. May mga bisita na rin pong nasisiratingan,” magalang na sagot niya. 

I groaned. “Alright. We’ll be right there. Please entertain them habang wala pa kami.” 

I ended the call at nagmadaling nag-ayos. I'm feeling a little bit regretful kung bakit ko pinalabas ang makeup artist. Mukha namang matatagalan pa akong mag makeup. 

Tumayo ako at saka sinuot ang white off shoulder na dress for the party. It perfectly hugs my curves. Sa harap ay hanggang legs yon pero sa likod ay mahaba ito. I then wear my set of pearl jewels. The theme for this birthday party is fairy. Kaya dapat lahat ng dadalo ay naka white. White suit for men and white dress for women. 

I sighed. Now that I’m looking at my hair, hindi ko maiwasang maghinayang. My long hair would be perfect for this party kung hindi ko lang pinagupitan. 

Azrelle will be wearing a white dress with her wings on her back. May kuruna din siyang gawa sa flower. 

Nang matapos akong magbihis ay bumalik ako sa vanity table ko para ipagpatuloy ang pagma-makeup. Hindi naman dapat sobra pero dahil late na ako ay parang ang bagal bagal lahat ng ginagawa ko. 

I was applying eyeliner when my phone rang again. Kukunin ko na sana pero I stop midway. New number ito and I don’t answer a call from unregistered number. Hinayaan ko na lang mag ring at itinuloy ko ang paglalagay ng eyeliner. Kaso hindi pa ako tapos ng magring ulit ito. 

I groaned. Late na ako, may nag iisturbo pa! Nang hindi ko sagutin for the second time ay naka receive ako ng text galing don. 

[Answer my call.] 

Nakaramdam ako irita. Sino ba to?  Hindi ko napigilan at kumukunot na ang noo ko dahil sa stress. When my phone rang again, I answered it. 

“Who the hell are you? Where did you get my number?” irita kong sagot. 

I heard him tsked at the other line. “I have my ways, ” tunog disappointed niyang sabi. 

I gasped. Napahawak ako sa bibig ko nang marinig ang boses ni Leo. It’s been a week since he cornered me at the party just because sinasaktan ko daw ang anak niya. Since then, I didn’t leave our manor and would only leave kapag may gagawing importante. Hindi ko alam kong bakit niya ipinipilit sa akin na anak ko daw yon. Masyado ata siyang naging kapante na nasa kanya ang anak namin. Although hindi nga maipagkakaila na parang anak niya ito kasi kahit short lang ang encounter namin nung bata ay nakikita ko si Leo sa kanya. Kaya siguro paniwalang paniwala siya. 

“Do you know what day is today?” tanong niya ng hindi ako sumagot. 

I arched a brow. What kind of question is that? Yan lang ang itinawag niya? 

“It’s Friday. March 11…. Bakit?” 

I heard him sighed. “And?” tanong niya ulit. 

I massaged my temple. “Anong and? It’s Friday. March 11!”

The Choice He Made (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon