Chapter 31

674 19 1
                                    

I don’t know ilang oras akong tulog, nagising lang ako ng marinig ako ang usapan ng mga kaibigan ko. I heard Kath whisper something kahit naririnig ko naman dahil masyado silang malapit sa akin.

Naalala kong nag-collapse ako matapos kong iwan si Leo at  hindi ko na alam kung ano ang nangyari matapos. Maybe tinawagan niya sina mama at dinala ako sa hospital or it could also be iniwan na niya lang ako nakahandusay doon at iba ang nagdala sa akin sa hospital. I’d like to think na ganun nga ang nangyari.

Nakita kong tinapik ni Bea si Kath sa balikat nang makita niyang minulat ko ang mata ko.

“Rea… thank god you're finally awake!” medyo exaggerated na pagkasabi ni Bea.

Agad akong umupo at inalalayan naman ako ni Gian sa right side ko. Sa left side ko si Bea at Kath. All were surveying me as if may malala akong sakit. Iginaya ko ang mata ko sa loob ng room at nakita ko si dad na malungkot at nakatungong nakaupo sa isang sofa ng kwarto. It stab my heart seeing this again. Hindi ko pa alam ano ang nangyari sa party pero seeing dad this way, alam kong hindi maganda ito.

“Rea, ano may masakit ba sayo?” Napatingina ako kay Gian sa naging tanong niya.

I shook my head. “I’m Ok. Thanks for the concern.” Hindi ako bumaling kay Bea dahil kanina ko pa nararamdaman ang paninitig niya as if she was reading my thoughts.

“Sinong nagdala sa akin dito?” tanong ko kay Gian. Hindi agad siya nakasagot. Narinig kong nagmura ng mahina si Bea kaya hindi ko na napigilan at napatingin ako sa gawi nila. She was mad as I saw her pero agad niyang naitago ng makitang nakatingin ako sa kanya.

“Leo called me,” Bea replied. Bitterness spread in me kaya hindi na ako sumagot pa. I remain stoic and unresponsive. I don’t like hearing his name now. Naalibadbaran ako. Naiinis at namumuhi.

“Sinabi niyang tawagan ko ang mama mo dahil dinala ka niya sa hospital. Hindi siya nagtagal dahil my emergency daw kaya kami na ang pumunta dito while waiting for your parents. Kakarating lang nila kanina.”

Hindi ko alam kong galit ba si Bea sa tono niya o hindi. I glanced at papa pero nanatili siya sa kinauupuan niya. I don’t like seeing him this way. Masakit makita na parang bumalik lang si papa sa dati. Noong panahong nahihirapan pa kami.

Hindi ko mapigilan ang unti unting namumuong luha sa mata ko. Kung hindi lang ako hinawakan ni Gian sa balikat ay baka hindi kona napigilan ang luha ko. I heave a long sigh nang maramdaman ko ang kamay ni Gian.

“Rea, you were kicked out!” Hindi ako sumagot sa sinabi ni Bea. Instead mas lalo lang akong namuhi at nasaktan. Napatungo ako. Nilapit ko ang tuhod ko sa akin at saka ito niyakap. Pinatong ko dito ang ulo ko.

Gian sighed, annoyed. “Damn you Bea. Kung wala kang magandang masabi, tumahimik ka na lang!”

“Relax ok! Hindi ako galit, I just want to know bakit siya na kick out. I mean I’m just concern. Common!” mahinang depensa ni Bea sa sarili. “I want to help her if may magagawa ako,” pagpapatuloy niya.

Nagtatalo silang tatlo ng mahina. Para siguro hindi marinig ni papa pero kahit siguro magsigaw sigawan pa sila ay mananatiling walang kibo si papa.

Hindi na rin ako kumibo. Kahit naman ako ay hindi ko alam kung bakit. Is it because hindi ako sumipot sa mga exams ko? Or may nagawa ba akong labag na rules ng school. I know marami akong ‘whys' kung bakit ako napatalsik sa academy but deep inside I know one thing is for sure. May kinalaman dito si Karina. Ayaw ko lang aminin yon dahil ayokong aminin sa sarili ko na nagtagumpay nga siya. Nakuha nga niya ang lahat sa akin. Pati ang ang pangalan ko diba. Tangina lang.

Nang hindi na ako masyadong kumikibo sa mga sinasabi ng mga kaibigan ko, iniba na lang nila ang usapan. They tried to avoid asking me bakit ako na kick out or kahit na ang tungkol kay Leo. I appreciated that. Hindi ko nga lang makuhang ngumiti dahil panay ang baling ko kay dad. Hindi siya kumikibo at kahit ang balingan ako ng tingin ay hindi niya magawa. It hurting me seeing him this way again.

The Choice He Made (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon