Chapter 50

1K 30 1
                                    


All my life, I never have sibling to talk to. Palaging si Mama and Papa ang tanging kausap ko kapag nasa bahay kami. Sa labas naman ay ang mga kaibigan ko. I never felt that being an only child is boring. But when Leo said being an only child sucks made me think. Ano kaya ang feeling ng magkaroon ng kapatid? Not that I need to pero ngayon lang ako na curious anong feeling. Now to think of it, wala rin akong pinsan. Mama is an only child while Papa were orphan kaya hindi siya nagkaroon ng kapatid. Kaya wala rin akong  matatawag na pinsan. 

“Mommy, are you done?” Napalingon ako kay Azrael. Pumasok siya sa kwarto. Hindi pa ako nakabihis at naka bathrobe lang ako. 

“Not yet, baby. Where’s your dad?”

“He’s downstair, Mommy. He’s cooking.” 

Tumawa ako. Ang tagal na nong last kong nakakain ng luto niya. Nong inayayaan niya akong mag study session sa condo niya na kami lang naman pala. I thought hindi na siya nagluluto. Kasi naman, ang successful na niya. Habang ako ay wala pang plano mag trabaho. 

Iniwan ko muna si Rael at pumasok sa walk in closet. Napangiwi  nga lang ako nang makitang nakakalat pa ang mga damit ko. Umirap ako. Kasalanan naman ni Leo 'to. Kung hindi lang niya ako inayang matulog ng maaga ay tapos na ito for sure. 

Hindi ako nagtagal sa loob pero nang lumabas ako ay dalawa na ang nag-aantay sa akin. Parehong nakaupo sa kama si Rael at Leo. Pagbukas ko ng pinto ay agad silang napabaling sa akin. Leo immediately raised his brow. Rael giggled. 

“Ano na naman?” reklamo ko. Nagtaas din ako ng kilay. 

“Nakahanda na ang pagkain. You seriously took your time, huh?” nanunuyang sabi ni Leo. 

Umirap ako. Hindi naman ako nagtagal ah. “Mauna na kayo. Magma-makeup pa ako.” 

Tumayo si Leo at saka hinawakan si Rael. Dumeretso ako sa vanity table na kaka assemble lang din kanina. Pero bago pa ako makalapit ay naharangan na ako ni Leo. 

“You don’t need makeup. Let's just go downstairs,” he said softly. Tumaas na naman ang kilay ko. Kung gutom pala ay bakit na lang hindi bumaba. Hindi pa ako pinapa-makeup eh ang pangit ko. 

“Mag make-up muna ako. Ang pangit ko.”

Umiling si Rael. “No, Mommy. You're beautiful.” 

"Really?" Tumawa ako. Hindi na nag make-up. Leo pursed his lip when I didn't argue with Rael. Pagbaba namin ay nakahanda na nga ang lahat. Biniro biro ko pa si Leo na hanggang ngayon pala ay marunong siyang magluto. He would only scowled kapag naririndi na. Paano naman kasi, may time pa pala siya. Ako nga simula ng mag State kami ay hindi na ako nakakapag luto. Tumigil na din si Mama kaka experiment dahil na-realize siguro na cooking is not for her. 

“Should we fetch Azrelle? or ang Mama mo na?” tanong ni Leo. He is buttoning his white polo shirt.  Nasa vanity table ako. Nagma-makeup. Kakatapos lang namin mag almusal and were now preparing papunta sa Grande Manor. 

“Hindi na. I’m sure nasa mansion na yon. Mama is kind of obsess with her,” sabi ko habang nakatingin sa kanya through the mirror. He maybe sensed my stare kaya tumingin din siya sa akin. He licked his lips then. I arched a brow at saka nagpatuloy sa ginagawa. 

While I’m busy with my make-up, umalis si Leo papasok sa walk in closet. Agad din namang bumalik with a tie on his hand. 

He cleared his throat. “Put this on me,” he commanded with a playful tone. Naka taas ang sulok ng labi niya.

I let out an audible laugh. “Hindi nga ako marunong,” rekalamo ko pero kinuha parin. Tumayo ako at agad naman niyang pinalupot ang kamay niya sa bewang ko. Ginaya ko yong itinuro niya sa akin. He was just smirking while I’m working on his tie. 

The Choice He Made (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon