Chapter 20

707 19 1
                                    

Maraming nagtaka nang matapos namin kumain ay walang Leo na dumating. They expected na darating siya since nakaupo ako sa table nina Harden pero he did not. Hindi naman kasi planong doon ako kakain. Si Sofia tong nagpahamak sa akin.

Nang pumasok ako sa afternoon class ko ay hindi ako maka-focus. Napapaisip ako nang sinabi ni Theo na tinawagan siya ni Leo to look after me. Posible kayang alam niya ang pagsama ko kay Sofia sa labas? He always gets pissed kapag may itinatanong ako sa kanya tungkol sa ibang lalaki, how much more if alam niyang nakipag kita ako sa iba. Sabihin na nating hindi ko naman gusto pero what if there was really someone who saw me and that person exaggeratedly say na I was dating behind his back?

Pero mas lalong hindi ako mapakali ng uwian ay wala siya sa parking lot. I tried calling him pero hindi niya sinasagot. Naghintay ako ng one hour sa parking lot pero wala talaga. Hinanap ko siya sa department nila pero hindi ko siya nakita. Wala rin akong nakita sa mga kasama niya.

It was five thirty ng maisipan kong umuwi. Hindi pa sana ako uuwi at nag babaka sakaling makita ko siya pero tumawag na si mama.

"Asan ka? It's almost six, Clayire!" mariing sabi ni mama. I never went home late, ngayon lang. It's making me feel guilty.

"Ma! May ginawa lang kaming project. Pauwi na po ako," pagdadahilan ko. Wala na akong choice kaya umuwi ako. Dati naman one call ko lang nasasagot na niya. But now, panay ang ring nito pero walang sumasagot. Alam kong kapag hindi kami nakapag usap ay hindi na ako mapapakali pa.

Nang matapos akong mag dinner ay agad akong pumasok sa kwarto. May tension din kasi sa pagitan nina mama at papa kaya kailangan nilang ma settled yon. For the last attempt, I called him. Hindi ko expect na sasagutin niya just like earlier kaya nagulat ako ng one ring lang ngayon ay nasagot niya na.

"Leo!"

Rinig kong tumawa ito. "Miss me that much?" he said, teasing. I bit my lower lip.

"I've been calling you like a hundred times now? Bakit ayaw mong sagutin kanina?" nagtatampong tanong ko.

"I was caught up with my family problem, baby. Naiwan ko ang phone ko sa kotse... is everything ok?" sunod sunod niyang sabi. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Seriously, I always think of the worst. He asked bakit ako napatawag kaya sabi ko worried ako dahil hindi niya ako nasundo kanina. He told me na wala siya sa Academy. He was absent. Habang tumatagal ang usapan, pasimple kong tinanong ang tungkol kay Philip kung nagkita ba sila and damn... he got suspicious.

"Hindi kami nagkita...bakit?" tanong niya habang may diin sa tono ng boses. Tumawa ako para mapagtakpan ang guilt na biglang naramdaman. Para akong nangaliwa sa ginawa ko. Hindi ko sana ito mararamdaman kung hindi lang mga tuso ang mga nakasalamuha ko kanina. Una, si Philip na maka ngisi kanina parang may masamang balak. Pangalawa, yong mga tingin nina wyatt at Theo as if they know something. Nakakabaliw sila kaya kung ano ano na lang ang naiisip ko.

"Sige na Leo, Ibababa ko na ito ha! May gagawin pa kasi ako... see you on sunday." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at in-end ang call.

Sunday came at ito na naman ako. Kabado dahil sa nagawang kasalanan na dapat hindi ko na pinoproblema dahil wala naman akong ginawang masama. Pero kahit kabado, there's still this excitement for our date.

Nasa hapag kami at masayang kinukwento ni papa na wala silang work sa araw na ito. Kahit gusto kong makinig ay hindi ko magawa dahil sa sariling iniisip. I was thinking of this date and I plan things ahead. Ewan ko, gusto kong mag effort para mawala na ng tuluyan itong guilt sa akin.

Kakahigop ko lang sa kape ko ng biglang may sinabi si mama na naging dahilan ng pagkasamid ko. "Clayire. May date kayo ng boyfriend mo?" mom asked, teasing me. Hindi lang ako ang nasamid, pati si papa ay napabuga din ng iniinom nitong kape.

The Choice He Made (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon