Chapter 39

869 23 3
                                    


After sabihin ni Mama ang tungkol sa mga ginagawa nila ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Gusto ko na lang sumabog sa galit. Pilit niya akong pinapakalma pero hind ko magawa. Tama nga si Adrian nang sabihing sa kanya muna si Azrelle. 

Hindi ko pinakinggan si Mama at umalis ng hospital matapos makita ang lagay ni Lola. She’s stable pero hindi pa siya gumigising. Lalo lang akong nagalit nang marinig kong apat na araw na siyang walang malay. 

Pumara ako ng taxi at tinahak ang company nina Leo. Nag search pa ako dahil hindi pa ako nakakapunta doon. Agad ko naman itong narating dahil hindi lang siya kalayuan kung saan naka confine si Lola. 

Agad akong pumasok sa company nila. Halatang galit dahil sa bilis nang paglalakad. I even bump at someone pero hindi ako humingi ng sorry. Dumeretso lang ako sa front desk. 

“Is Mr. Leo Silvano here?” irita kong tanong sa babae. She eyed me curiously na para bang may nakakapagtaka sa akin. 

“Do you have an appointment, Ma’am?” kahit irita ako ay magalang niya parin akong tinatanong. 

“Yes!” sagot ko kahit wala. Hindi ko nga alam kung nandito ba siya. 

“Your name, Ma’am?” 

I laughed sarcastically. Damn this!  “Anong floor ba siya? Sa top floor?” irita kong tanong instead of answering her. 

She was hesitant now. “He’s not in his office as of now. He’s in a meeting at one of our conferring rooms.”

“What floor?” 

Hindi siya sumagot. 

“I swear you’ll be fired the moment you keep your mouth shut!... What floor?” 

Namutla siya. Hindi ko alam kung bakit. Baka dahil sa galit ako. I don’t care though. 

“Fifth floor, Ma’am.” 

I smirked. Iniwan ko siyang hindi alam ang gagawin. Agad akong pumasok sa elevator at pinuntahan ang fifth floor. May front desk din sa fifth floor pero busy yong babae kakasilip sa cellphone kaya nilampasan ko lang. Kita kong mga glass window lang ang mga conferences kaya agad kong nakita ang isang room na may mga tao. 

Hindi na ako nag aksaya ng oras at saka ito binuksan ito. It created a loud noise. 

But then, I gasped when all heads turned to me. Natahimik ang lahat. Pati yong nagsasalita sa unahan ay napahinto din at gulat na tumingin sa akin. Agad akong nakaramdam ng kaba at hiya sa ginawa. 

“Reany?” 

Napatingin ako sa tumawag sa akin ay ganon na lang ang gulat ko nang makita si Eleanor. I gulped when I saw Harden beside her. Sa paglipat ng mata ko ay nakita ko din si Wyatt at Theo, all were smirking now. Binalingan ko lahat ng tao sa table at nagulat ulit ng makita si Pablo sa kanila. What the actual hell? 

And then, ang huli kong tinignan ay ang nasa dulo ng table. And there, Leo sitting handsomely as he intently stared at me. 

I stepped backward. Gustong mag walked out dahil sa kahihiyan. Ang lakas ng loob kong sumogod kanina. Now that I saw the bullies ay tiklop din pala. 

“Meeting adjourned,” biglang sabi ni Leo. He never left his eyes on me. 

Wyatt whistled. Humalakhak si Theo. Umiling lang si Harden sabay hawak sa kamay ni Eleanor. Unang umalis ang mga hindi ko kilala. Nauna ding lumabas si Theo na may katawagan na. Nang si Pablo ang papalabas ay hinarangan ko siya. 

“What are you doing here?” galit kong tanong. Nang makita ko siya ay unang pumasok sa utak ko ay traydor siya. 

But then, hindi sya nakasagot ng hilahin siya ni Wyatt palabas. Huling lumabas sina Harden at Eleanor. They even close the door for freaking hell. 

The Choice He Made (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon