Chapter 33

673 19 0
                                    


I felt Pablo beside me. Hindi ata alam ano ang gagawin. Matapos kong umiyak dahil sa naging usapan namin ni Adrian ay naramdaman kong naduduwal ako. Agaran akong tumayo at tinakbo ang nakikita kong puno malapit sa akin. Don ko nilabas lahat ng gustong kumawala sa sikmura ko. I hate this phase of pregnancy. Sabi ni mama ay normal lang itong pagsusuka pero mawawala din daw pag naglaon. Hindi na ako makapaghintay na mawala ito.

"Hindi ba maayos ang pakiramdam mo?" kinakabahang tanong ni Pablo sa tabi ko. Ilang minuto pa bago siya nakalapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit inabot pa siya ng ilang minuto pero baka dahil hindi rin niya alam ang gagawin.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pagduduwal. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa likod ko at hinipo ito para maibsan ang nararamdaman ko.

"Ok lang ako. This is normal," sabi ko ng pilit.

He was not convinced. Ramdam ko ang takot niya para sa akin. "Hindi. Dadalhin kita sa hospital."

Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa likod ko. "I'm ok... I told you this is normal," inis kong singhal dito. Nakita ko ang pag awang ng labi niya dahil sa ginawa ko. I felt guilty but then again, I'm not comfortable with him touching me. Alam kong concern siya pero hindi ko lang talaga kayang hinahawakan niya ako.

Kahit gulat siya sa naging trato ko sa kanya ay hindi pa rin ito lumayo sa akin.

"Hindi, dalhin na lang kita sa hospital," determinado niyang pahayag.

I glared at him. Hindi ko alam kung bakit kahit alam niya namang hindi ako komportable sa kanya ay panay pa rin ang lapit niya sa akin.

"Hindi na kailangan sabi eh," sigaw ko na sa kanya. Medyo lumaki ang mata niya dahil sa pagsigaw ko. Kahit guilty naman ako sa ginagawa ko ay hindi ko parin maatiis na hindi siyang sigawan. I just cried because of what's happening in my life and it frustrates me. Kaya sa kanya ko siguro nabubuntong ang sama ng loob ko.

Hindi siya kumibo pero halatang determinado parin siya sa gustong gawin.

I sighed frustrated. "Dang it, Pablo. Stop overreacting.. Pwede ba!.. I'm pregnant and this is normal." Bulalas ko na. Wala akong planong sabihin sa kanya pero if that's what would it takes for him to stay away from me, then might as well tell him. Para matapos na ang kahibangan niyang pag lapit madalas.

Nang masabi ko ang mga linyang yan ay agad nanlaki ang mata nito as if what I had just say was impossible. Hindi siya nakapag salita at halatang hindi alam ang sasabihin. And just like that, he started avoiding me. Mabait naman siya pero alam kong may iba pa siyang pakay sa paglapit niya sa akin and I don't like it.

Time flies so fast. Masasabi kong medyo nasasanay na ako sa buhay naming ito. Yon nga lang kung medyo naghihirap kami sa Manila noong naroon pa kami, mas naghirap pa kami ngayon. Maraming nagbago. My lifestyle changed. My body changed. Lumalaki na ang tiyan ko at halatang buntis ako. I'm four months pregnant and ni isa hindi ako nakapag checkup. Halos lahat ng nakukuha ni papa sa pangingisda ay nauuwi lang sa pang araw araw naming kinakain.

"Mama, ok lang naman sa akin. Palagi naman akong hinihilot ni Aling Merna at sabing ok lang naman itong ipinagbubuntis ko," pag assure ko kay mama. She was looking for money para daw maipa check ako sa kabilang bayan. Wala lang siyang mautangan dahil pati mga kabit bahay namin dito ay naghihirap din tulad namin.

Nagtutupi ako ng mga damit namin. Mama walks back and forth creating noise. Problemado siya kung saan siya makakautang ng pera. Papa was out again. Pati siya ay nagbabakasakali na may mauutangan sa mga kasamahan niyang mangingisda para lang may pang checkup ako. Our life become more miserable than before.

Lumapit si mama sa akin. May namumuong luha sa mata niya. Malungkot niya akong niyakap.

"I'm sorry anak. I know this would not happen if sinunod ko lang ang lola mo."

The Choice He Made (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon