Chapter 35

753 31 0
                                    


Ngumingiti ako habang hawak ko ang tiyan ko dahil sa pagsipa ni baby. Nakaupo ako sa kama while mama was packing my thing. Naghahanda kami ngayon dahil ngayon kami lukuwas sa ibang bayan. Pero napawi ang ngiti ko ng makitang nag overpack na naman si mama. She always does. 

“Mama, bakit naman masyadong marami yan? Hindi naman tayo titira don.”

Hindi ako sinagot nito at nagpatuloy lang sa pag-iimpake. Huling buwan ko ngayon at isa sa mga araw na ito ay pwede akong manganak. Walang hospital dito sa bayan kaya kailangan naming lumuwas pa. 

Natuun ang mata ko sa pintuan ng biglang may kumatok dito. Hindi naman ito nakasara kaya pagkatapos kumatok ni Aling Merna ay pumasok na ito. Ginawaran ako nito ng ngiti pagkakita sa akin. I smiled back. 

“Sunny, pwede ba kitang makausap sandali?” 

Napabaling si Mama kay Aling Merna. Gulat pa siya pagkakita dito. Hindi siguro napansin o nadinig man lang ang pagkatok nito. 

“Oh, ano po iyon?” 

Iniwan niya ang ginagawa sa mga maleta at saka lumapit sa bisita. Nang makita ni Aling Merna na nakatingin ako sa kanila ay niyaya niya si mama na sa labas sila mag-usap. Nagdahilan pang may titignan lang daw ito sa labas. I just sighed. I can sense that what they’re going to talk about was something I shouldn’t know, I guess. 

Ako na lang ang nagpatuloy sa ginagawa ni mama. Dahil nahihirapan akong umupo sa floor ay nilapag ko ang mga gamit sa kama at doon ipinagpatuloy ang iniwan ni mama. Hindi rin naman nagtagal ay dumating din ito at inagaw sa akin ang ginagawa. Palagi na lang ako nitong pinapagalitan kapag may binibitbit ako kahit hindi naman ito mabigat. 

Even now, I don't even know where they got the money, but Papa got one. Nakahiram siya ng two hundred thousand. I asked him where he borrowed that much money pero palagi niyang iniiba ang usapan para malibang ako. Later on, I gave up asking him. 

“Rea!” 

Napalingon ako sa likod nang marinig ang malakas na tawag ni Viya. Kasama niya si Mila na lumalapit sa amin. Nasa dalampasigan kami at ang mga bagahi namin ay isinasampa na ni Papa at Pablo sa sasakyan naming bangka. Si Mama ay kausap na naman si Aling Merna at medyo malayo sila sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. 

“Luluwas na talaga kayo?” medyo malungkot na tanong ni Viya. 

I rolled my eyes. “Bakit tunog malungkot ka? Para namang hindi na kami babalik sa tuno mo… at isa pa, sa kabilang baryo lang kami.” 

Umirap siya. Medyo lumapit sa akin. “Sinong hindi malulungkot kong kasama niyong luluwas si Pablo?” Ngayon tunog irita na ito. Nakasimangot pa. 

Narinig ito ni Mila kaya tinawanan niya kami. Napabuntong hininga ako. 

“Babalik din naman mamaya. Siya magbabalik ng bangkang hiniram ni Papa.” 

"Pero kahit na. Makakasama mo parin siya."

Kung ano ano na naman ang pagmamaldita niya sa akin. Pinapalabas ko lang sa kabilang tainga. Akala ko hindi na siya matatapos pero nang lumapit si Pablo sa amin para kunin ang isang bag na bitbit  ko ay tumahimik siya. She arched her brow at him na hindi man lang pinansin. 

“I can manage.” I said when Pablo was about to get the small bag. 

He smirked. “I didn’t ask," simpleng sagot niya. 

Something struck me then. All this time, he can actually speak English. Paminsan minsan ay English niya akong sinasagot. Hindi ko pinapansin noong mga nakaraang buwan pero ngayong may paghihinala akong marahil ay hindi siya ordinaryong taga rito ay lahat napapansin kona. 

The Choice He Made (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon