Kabanata 6: Nagmamadali Para Umiwas

92 7 0
                                    

[Xylandria's POV]

Matangos pa rin ang ilong niya at nakikita ko na ang peklat ang naging dahilan para medyo kumipot ang kanyang kabilang mata... but still, hindi mo pa rin maiwasang humanga sa grün niyang mga mata na parang seaweeds. Napangiti ako nung makitang hindi nadungisan ang cute niyang mga nunal sa leeg.

Naaalala niya pa kaya ako? I mean, it's been eight years. Well, ako nga ay hindi ko siya nakalimutan.

"Stop smiling. Kung nandito ka para pagtawanan ang mukha ko, find another entertainer." Napakunot ang noo ko. Yun ba ang tingin niya sa akin?

"Hindi kita pinagtatawanan. Nagagandahan ako sa drawing mo." Tumahimik siya at ibinalik ang tingin sa kanyang sketch pad.

"My name is Xylandria Rodriguez by the way, Mr. Holloway."

"Not interested." Agad niyang sagot at hindi man lang umaangat ng tingin.

"Does it ring a bell?" Tanong ko at unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo. Nagsalubong ang kanyang mga kilay. He stared at me for a long time before answering, "why? did we met before?"

My body stone-froze when he coldly asked. Seriously? This remarkable face of mine will took a century to forget. How can he?!

"Eight years ago... nag-audition ako sa cheerleading team ng San Juan High. Nagkita tayo while i'm on my way to the comfort room. You helped me there, Mr. Holloway, dahil sayo ay natuto akong harapin ang stage-fright ko." I stared into his fragile eyes and based on the movement of his face, he look stunned.

Nagulat ako nung mataranta siya. Agad niyang kinuha ang kanyang phone sa mesa at inilagay sa kanyang tenga.

"Hurry up."

Tumayo ako at naguluhan nung sinimulan na niyang pagalawin ang wheel chair at parang nagmamadaling umalis.

"Wait–" Biglang pumasok yung lalaking palaging sumusundo sa kanya at tumatawag sa kanya ng 'Tito'.

Nung makalabas sila ng Sky Autumn ay agad ko silang sinundan. Tumakbo ako bago pa siya maipasok nang tuluyan sa loob ng sasakyan.

"Wait!" Hinihingal na sigaw ko at tumigil sa pagtatakbo nung makuha ko na ang kanilang atensyon.

"Don't mind her– Ah!" Bigla akong kinabahan nung humalinghing siya sa sakit nung hindi niya maalsa ang kanang paa niya para ipasok sa loob ng sasakyan.

"T-tito," natatarantang hinawakan nung pamangkin niya ang tuhod niya pero mas lalo pa siyang napadaing.

"Idiot!" Mura niya sa kanyang pamangkin na ngayon ay parang naiiyak dahil hindi alam kung ano ang gagawin.

"A-ako na rito, ipasok mo na lang ang wheelchair sa compartment." Nagulat yung lalaki at parang nagdadalawang-isip pa pero nung tinanguhan ko siya ay agad niyang kinuha ang wheelchair at tinupi. Si Walter naman ay namimilipit pa rin sa sakit.

"Huwag mo kasing pilitin." Naiinis na sabi ko nung agresibo niyang hinihila ang sariling hita. Kinalas ko ang kanyang kamay doon at ako ang dahan-dahang umalsa ng kanyang paa.

"Relax," bulong ko at unti-unti siyang kumalma na hinihingal.

"I don't need your help. I'm fine." Napangiti ako. He's gotta be kidding me. Only a fool can tell he's fine. Natuwa ako nung successful kong naipasok ang kanyang paa pero kailangan pa ring ipwesto nang maayos para komportable siyang makaupo.

"You're not." Ipe-pwesto ko na sana siya nang maayos pero tinabig niya ang kamay ko.

"Leave, i'm used to this. I don't need you," he coldly ordered me but I just shake my head in refusal.

"Ako na kasi," nayamot ako nung napasinghap naman siya sa sakit dahil sa biglaang paghila niya sa sariling paa. Why does he need to be harsh on himself?

"Nagmamadali kang iwasan ako, ayan tuloy... ayos na ba?" Hindi siya sumagot at umiwas lang ng tingin. I guess that's a yes.

Isinarado ko na ang pinto at lumapit sa akin ang kanyang pamangkin.

"S-salamat, Miss. My name is Joshua White."

"X-xylandria Rodriguez. So is he your uncle?" Tukoy ko kay Walter.

"Yeah, he's my Mother's brother. Do you know Tito by any chance?" Tumango ako.

"He's someone I idolize... big time." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"You mean, fan ka ni Tito bago pa siya maaksidente?" Nakangiting tanong niya at natatawa naman akong tumango.

Napaatras ako nung biglang pumailalim ang bintana ng sasakyan sa gilid ko.

"This is not the right time to flirt. Hurry your ass up!"

Nakayukong nagpaalam sa akin si Joshua bago umikot at pumasok na ng driver seat. Tumingin ako kay Walter mula sa labas ng sasakyan at seryosong nakatingin lang siya sa harapan ng sasakyan. Suplado talaga ang PWD na 'to.

.

Nasa labas ako ng Sky Autumn at buti na lang at hindi pa ako nakikita ni Walter. Pinaypay ko si Fiona nung naglilinis siya ng bintana mula sa loob. Agad naman siyang lumabas para harapin ako.

"P-po, Ma'am?"

"Dalawang order ng Tango Tea Lemonade, sa table ni Mr. Holloway mo i-serve." Nagulat siya roon pero kinindatan ko na lang siya at pumasok na sa loob.

Kahit tumunog na ang windchime ay hindi pa rin napupukaw ang kanyang atensyon mula sa ginagawa. Isn't he really a perfectionist?

Tumikhim ako sabay upo sa kanyang harapan. Binitawan niya ang kanyang mechanical pen at sumandal. Tinitigan niya ako ng seryoso at tinaasan ko lamang siya ng kilay. Hindi pa siya nakakapagsalita nung biglang dumating si Fiona dala yung inorder ko.

"What's this?" Naiiritang tanong niya kay Fiona habang nakaturo sa Tango Tea.

"I ordered it," sagot ko. Kinakabahang umalis agad si Fiona nung mukhang napipikon na si Walter.

"Seriously? There are countless vacant tables there. I need a lot of space for my work."

"Don't worry, iinumin ko naman agad. You can help me if you want." Maingat kong tinulak ang inumin papunta sa kanya.

"You're troubling me enough. What do you want? I'll give it to you, so you can immediately leave." I ignored what he said and I just drank my lemonade in silence.

Matagal lang siyang nakatitig sa akin na parang hinihintay ang magiging sagot ko pero hindi ako nagsalita hanggang sa nainip na siya.

"Don't play with my patience, kid."

"I am not."

"Yes, you are playing with my patience," nginisihan ko siya at nilapag ang walang laman na baso ko sa mesa.

"Yes, but I am not a kid. I'm a 24 year-old, gorgeous lady. Kid is not the right word to describe me. You can see the obvious, Mr. Holloway."

Teardrops on a Sketch PadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon