Kabanata 35: The Heart's Capabilities

69 3 0
                                    

[Xylandria's POV]

Naiirita kong tiningnan si Sabrina habang kinukuhanan ko siya ng litrato. Suot-suot niya ang floppy na dala ko at nagpo-posing sa ilalim ng puno. Ako ang may-ari ng camera, ng floppy, at ako rin ang tagakuha ng litrato. Ang galing...

"Ang pangit naman. Ate, try mo akong kuhanan sa ganitong angle." Binaba ko ang aking DSLR at sinamaan siya ng tingin.

"Pang-pitong anggulo mo na yan, Sabrina. Baka ipalunok ko sayo 'tong camera."

"Ate naman, ang harsh mo!"

"I can't even count how many photos I took and deleted because you're so picky!"

"Kasi ang pangit kaya. Hindi naman ako tulad mo na kahit saang anggulo ay maganda."

"Because i'm naturally beautiful–"

"Ate! Ate!" Umikot kami para tingnan kung sino yung tumatawag. Napakunot ang noo ko nung makita si Tina na natataranta, hinihingal at namumutla.

"Ate Xy! Si Kuya Walter!"

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad akong napatakbo. Si Walter... ano kaya ang nangyari kay Walter?

Tumatakbong sumunod kami ni Sabrina kay Tina. Hindi matigil sa pagpintig ng dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi ko pa man alam kung ano talaga ang nangyari ay namumutla na ako at nanlalamig ang aking mga kamay.

Ilang metro mula sa kwarto ni Walter ay dinig na dinig ko ang kanyang sigaw... sigaw na namimilipit sa sakit.

Kahit ayaw ng puso ko ay pinilit ng mga paa kong humakbang. Yung mga Tita at Tito ko, pati si Mom at Dad ay nasa labas lamang. Puno ng pag-aalala ang kanilang mga mukha at tila naguguluhan din.

"W-walter," sambit ko sa kanyang pangalan nung makapasok ako. Nanunuyo ang lalamunan ko at napaawang ang aking mga labi. Bigla akong nanghina habang nakatingin sa kanya na hawak-hawak ang kanyang ulo at nagwawala dahil sa sobrang sakit.

Gusto kong tumulong. Gusto kong tanungin kung anong pwedeng gawin ko para maibsan ang sakit. Nais kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin siya nang sobrang higpit pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.

May dalawang nurse na pilit siyang pinapakalma pero panay sigaw niya at parang ako ang nasasaktan sa kanyang kalagayan.

"Get the hell out of here, Xylandria. Fucking get out!" Sigaw niya at napatulo ang aking luha dahil sa haluyhoy niya. Kitang-kita ang ugat sa kanyang leeg habang sumisigaw siya nung hawakan ng dalawang nurse ang magkabila niyang paa dahilan para mas madagdagan ang sakit na kanyang nararamdaman.

"Make her fucking leave– shit!" Napahagulgol ako nung napahawak siya sa kanyang ulo nung bigla ulit itong kumirot.

"Xylandria, lumabas ka muna habang pinapakalma namin si Tito." Narinig kong sabi sa akin ni Joshua habang nakahawak siya sa aking braso. Nakatulala lang ako at parang wala sa sarili habang pinapanood si Walter.

"Please, Xylandria... Tito doesn't want you to see him like that."

Niyakap ko ang magkabilang tuhod ko at napahagulgol habang dinig ko ang halinghing ni Walter.

God please... please make him suffer no more. Nasasaktan din ako. Walter is a good person, so please... he had enough. He had been through a lot...

"Anong sakit niya?" Napaangat ako ng tingin nung may nagsalita at agad na bumungad sa akin ang asul at seryosong mga mata ni Dave.

"He has cancer... brain cancer." I don't think we still have reason to hide it. They all witnessed what happened earlier...

"Cancer... he has cancer, he's disabled, and he looks hideous. Why did you even want to end up with someone like him? Hindi ko maintindihan. Wala ka namang mapapala sa kanya kundi sakit lang, Xylandria."

"I don't gamble, Dave. I'm not like other people who take risks because of the prize they might take. I don't like games, my heart was set to love him for who he is."

"But you are hurting! He's a hindrance, Xylandria. Ba't ka pa nagtitiis sa isang gaya niya?!"

"Kasi mahal ko siya! Hindi ko siya kayang iwan. I bet none of you would understand, ganoon naman palagi, e. It's always just me and Walter... against the world. Walter has cancer, he's disabled and he has a scar that everyone despise, but none of you have the rights to make him feel unloved. Na-aksidente lang siya at may sakit... sapat na dahilan ba iyun para ipagkait sa kanya ang pagmamahal na nararapat para sa kanya?" Natahimik siya dahil sa sinabi ko. Tumayo ako at pinunasan ang mga nag-uunahang luha sa magkabilang pisngi ko.

"J-just accept the fact, Dave, that my heart is not capable of loving someone else other than Walter."

.

"Nasaan na siya?" Tanong ko sa mga nurse nung makitang wala siya sa kanyang kwarto.

"Nagpapahangin po roon malapit sa dagat."

Dire-diretso akong naglakad sa may dalampasigan at nakita ko nga siya kasama si Joshua. Tahimik lang sila habang nakatitig sa mahinahong alon ng dagat.

Nung malapit na ako ay napalingon sa akin si Joshua. Hindi ko maiwasang mag-alala nung makita ang pamumula ng kanyang mga mata. His eyes are swollen from too much tears pouring from it. He smiled at me and left without any word.

"Narinig ko kanina ang pag-uusap ninyo ni Dave. I want to thank you for defending me but... you shouldn't let your heart be incapable of loving someone else," he said without taking off his eyes from the sea.

It's dark and breezy. Stars are not visible and the moon is covered by thick clouds. Everything seems to be gloomy except the sea... it's so calming and quiet that just makes me fall in love with it.

"Walang sino man ang makapagdikta sa puso, Walter. Kaya ang puso ko yung kusang nagpasya na ikaw lamang ang aking mamahalin. I can't imagine myself loving someone who is not you."

Napayuko siya sa aking sinabi. Hindi ko namalayang napatulo na lang ang ulo ko nung bigla siyang humagulgol. Isang pag-iyak na una kong makita mula kay Walter at alam kong hindi na niya kayang kimkimin kung ano man ang kanyang pinagdadaanan.

"Mahal na mahal kita, Xylandria, kaya ayaw kong makita mo akong mahirapan sa mga susunod na araw at buwan. Lumalala na ang kondisyon ko kaya ayaw kong umabot sa point na mag-o-occur na yung sinasabi ng doctor na memory loss. Ikaw, higit kanino man, ang ayaw kong malimutan. I want to die without regrets, Xylandria... so i've decided to do euthanasia."

Teardrops on a Sketch PadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon