Kabanata 34: Destiny

69 2 0
                                    

[Xylandria's POV]

I watched Joshua and Walter's assistant as they got out of the car. Joshua took the wheelchair inside the compartment. My heart is rapidly beating when his assistant slowly opened the door for him.

"Nakapag-lunch na ba kayo?" Masiglang tanong ko sa kanila at agad na lumapit nung makaupo na si Walter sa kanyang wheelchair.

"Hindi pa. Ikaw? Tito wants to have lunch with you."

"Hindi ako masyadong busog, e. Nasa loob pa yung family ko, ba't hindi na tayo roon dumiretso?" Napatingin ako kay Walter nung hindi siya sumagot. Napalunok ako nung ang kanyang mga mata ay nakatuon kay Dave na namimilog ang mga mata at nakalaglag ang panga.

"D-dave, si Walter nga pala, boyfriend ko." Tipid akong ngumiti nung ipakilala ko si Walter.

"B-boyfriend mo? Seryoso ka ba, Xylandria?"

Itinaas ko ang kilay ko at seryoso siyang tiningnan. He will absolutely notice that i'm not fucking kidding at this point. "You got to be kidding me," rinig kong bulong niya bago kami tinalikuran.

"Mauna na kayo ni Tito, Xy. We'll just fix our things."

.

"Hey, ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Walter dahil simula nung dumating siya ay hindi pa siya nagsasalita.

"Yung kinakapatid mo... sobrang tangkad at gwapo pala sa personal."
Parang nahirapan ako sa paglunok dahil sa kanyang sinabi.

"Mas matangkad ka rin naman, ah, at mas gwapo."

Seryoso niya akong tiningnan dahil sa aking sinabi. "Honestly, yes... noon yun. If I wasn't disabled, masasabi kong may ibubuga ako kumpara kay Dave."

"Ibubuga? Hindi mo naman kailangang makipagkompetensya."

"He likes you… am I right? Ano ang ginagawa niyong dalawa kanina bago kami dumating?" Binasa ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa paraan ng pagtanong niya. He's like sensing something suspicious is going on. Heck, hindi ako ganoong klaseng babae.

"W-we were just talking and he confessed. Sinabi niya sa akin na sana hinintay ko raw siya."

"So… gusto ka nga talaga niya?" Hindi ako makaimik at bahagyang napayuko nung binaba niya ang kanyang kutsara.

"O-oo nga. Eh, ano naman ngayon? Swerte mo nga madaming nagkakagusto sa akin tas yung gusto ko ay ikaw lang."

Napataas ang kilay ko nung umiwas siya ng tingin. Namumula ang magkabilang tenga niya at bahagyang napanguso.

"Kinikilig ka na niyan?" Biro ko sa kanya at sinamaan niya ako ng tingin.

"Quit it, Xylandria."

"There's no need to be insecure kasi. Mahal na mahal kaya kita."

"Right… ramdam ko naman iyun, e." Tipid siyang ngumiti sa akin at napatingin naman ako sa kanyang mga mata… kulay berde niyang mga mata na pilit akong hinihigop papasok. He's eyes are just so perfectly gentle and the way he smile makes my heart melt. I badly want to kiss him right now.

"So you'll be sleeping with Joshua?"

"Yeah. My assistant, Athena, will share a room with you."

Athena… what a nice name. Bagay na bagay sa maamo niyang mukha at maikli niyang buhok na kinulayan ng kulay pula. I never tried talking to her, so I guess sharing a room with her might be awkward… pero okay na yun, baka iyun pa ang magiging rason para makilala ko siya nang mabuti.

.

"May problema ba si Timothy?" Tanong ko kay Arthur na kakatapos lang maligo. Nakatayo kami sa ilalim ng puno habang pinagmamasdan sina Walter at Timothy na seryosong nag-uusap sa hindi kalayuan.

Walter… looks handsome in his loose short sleeve button-up and sunnies. He's staring at the ocean intently while listening to Timothy who look so… problematic, with his forehead creasing and furrowing eyebrows.

"Wala naman siyang sinasabi pero may nararamdaman lang akong kakaiba sa kanya sa mga nakalipas na araw. I tried talking to him but he won't tell me. Maybe it's about a girl?"

"A girl?!" Nagulat si Arthur sa biglaang pagsinghal ko.

"How many times do I need to repeat myself? Girls are not toys, Arthur."

"Hey, ate. Could you please calm down? We've already left that habit. You can see no girls, you haven't even seen us flirting for a long time now. Tsaka, mukhang seryoso si Tim, kay Kuya Walter pa nga siya nanghihingi ng advice." Pilit niya akong kinukumbinsi nung pinanliitan ko siya ng mga mata.

"What about Sab? May umaaligid ba sa kanyang lalaki?" Lumingon kami kay Sabrina na parang siya yung may-ari ng buong karagatan. Naka-sunnies siya with matching two-piece habang nakahiga sa kanyang float.

"Yung mga lalaki nga mismo ang umiiwas sa kanya. Masyadong marupok ang isang yan, e… at sobrang maarte." Nakangiwing sabi ni Arthur at parang naiinis sa pagiging maarte ni Sabrina.

"What about you? May babae na bang… handa mong seryosohin?"

"Ewan," kibit-balikat na sagot niya at umiwas ng tingin.

Bumaling ang tingin ko pabalik sa kanila ni Walter nung tumayo na si Timothy mula sa pagkakaupo niya sa natumbang kahoy.

"Ano yun?" Tanong ko kay Walter nung makalapit na kami sa kanya ni Arthur.

"He's asking for advices."

"Is it about a girl?"

"Oo… natotorpe raw siya dahil masyadong independent yung babae."

"Shit!" Napatingin kami kay Arthur nung bigla na lang siyang magmura at nanlalaki ang kanyang mga mata. "Hindi kaya ay tinutukoy niya ay si Raven? Shit, my twin is such an ass." Agad na itong kumaripas ng takbo pabalik sa hotel para sundan ang kanyang kakambal.

"Who's Raven?" Tanong sa akin ni Walter.

"Kaya pala mukhang problemado si Tim. Girl-bestfriend pala ni Arthur ang kanyang nagustuhan." I can't help but chuckling, fate will always find its way to play with us.

"Xylandria…"

"Hmm?"

"Pwede mo ba akong ihatid sa kwarto namin ni Joshua?"

"Sus, akala ko kung ano na. Oo naman."

Sinimulan kong itulak ang kanyang wheelchair nang maingat papunta sa daan na gawa sa semento at pinagigitnaan ng maberdeng damo.

"Ano ang pinag-usapan ninyo?"

"Tinanong niya sa akin kung paano magpaibig ng isang babaeng mapagsarili… katulad mo."

"I'm not independent, Walter… not yet."

"You are, to me. You are cunning, bold, smart, and independent." Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanyang sinabi.

"Ano naman ang advice na binigay mo?"

"Wala akong mabigay na advice tutal ikaw naman yung humabol sa akin, hindi ako." Tumawa siya na ikinasimangot ko.

"Kaya pala agad na umalis yun."

"I was just joking. Ang sinabi ko talaga ay ligawan niya. Papayag man o hindi ay dapat na ligawan niya pa rin, pero kung may nagugustuhan na yung nililigawan niya na iba ay dapat matuto siyang sumuko. Hindi pinipilit ang pagmamahal. Do the first move and let destiny do the rest."

Teardrops on a Sketch PadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon