Kabanata 1: Sketchpad

178 11 2
                                    

[Xylandria's POV]

I pinched myself when I know I'm already late for work but I couldn't raise my butt and leave the coffee shop. Parang sa mga nakalipas na araw ay nagiging ganito ako. I prioritized work more than any nonsense thing and I don't understand why I'm being like this.

"Fiona," mahina ko siyang pinaypay nung makitang wala siyang ginagawa. Agad naman siyang lumapit sa akin.

"Po, Ma'am?"

"Is he a regular here?" Tukoy ko sa lalaking PWD.

"Yes po, Ma'am. Kadalasan ay hapon po siyang nagkakape rito pero sa mga nakalipas na araw ay mga around eight na siya. Kahit sa hapon ay pumupunta rin siya rito para kumain ng pastries." Napatango-tango ako.

"Kakilala mo ba, Ma'am?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Fiona.

"H-hindi, curious lang ako," tumango siya at bumalik na sa counter.

Nakita ko kasi na mukhang nagiging komportable na sa kanya ang mga trabahador ng Sky Autumn.

Pagkatapos ng trabaho ko ay parang may apoy ang pwet ko sa bilis kong maglakad. I'm amazed that I got to finish all my works and leave the office early. Wala naman akong iba pang aasikasuhin, ba't ako nagmamadali?

Bago ko pinaandar ang sasakyan ko ay humugot muna ako ng malalim na hininga. I think I'm going crazy.

.

"... I said white chocolate mocha, not caramel latte. Nililista mo naman at inulit mo pa nga ang order. How can you get it wrong?!" Agad na bumungad sa akin ang lalaking PWD na pinapagalitan ang isang waiter.

"S-sorry, Sir. Nagkapalitan ho kayo ng order. Kukunin ko na lang po ang white chocolate mocha mo." Nanginginig na kinuha ng waiter ang mug at ibinalik iyun sa counter.

Bigla akong nagulat nung nasa ibang mesa na siya nakapwesto. Kaya pala... his space is already occupied.

Humupa na ang tensyon sa loob ng Sky Autumn at napako naman agad ang tingin ng mga tao sa akin nung nagsimula akong maglakad at ang tanging tumutunog sa loob ay ang nakaka-intimidate kong fashion heels.

Umupo ako sa usual spot ko at napatingin sa lalaking PWD na ngayon ay titig na titig sa akin. We're only three tables apart at parehos kaming magkaharap. I was about to smile at him pero yumuko na siya at nagsimulang magsulat– mag-drawing pala.

I looked away when I felt something tingling in my fingertips. Am I nervous? No, naiilang lang siguro ako. This is the first time he stared at me... but so what?

Bumuntong-hininga na lamang ako at tinawag na si Fiona para mag-order ng desserts.

.

Napatili agad si Aisha nung makasalubong niya ako kasama si Belle at Victoria na kaibigan ko rin. Silang tatlo ang barkada ko simula high school kaso ay minsan na lang kami magkita dahil sa trabaho namin.

"Long time no see, Xy." Agad akong tumungo para yakapin silang dalawa.

"Beauty Queen pa rin ang ganda mo, sis." Ngumiti ako sa kanila.

"May lakad kayo?" Tanong ko. Nakita ko sila kasing naglalakad hindi kalayuan sa University kung saan ako nagta-trabaho.

"Susunduin ka sana namin. Punta tayong mall, let's go shopping at doon na lang din tayo mag-dinner. What do you say?" Excited na nakahawak si Aisha sa kamay ko. Nahihiya akong ngumiti at umiling.

"I-i need to go home early. Madami rin akong aasikasuhin sa office. I already scheduled everything. Maybe some other time na lang." Napasimangot silang tatlo sa sagot ko.

"Andria naman eh! Minsan na nga lang tayo magkita-kita," ngumuso si Belle at niyakap ako sa braso para lang umo-o ako.

"I really can't guys, pero babawi ako sa susunod. I promise, hindi lang talaga ako pwede ngayong araw." Binitawan nila ako nung makita nilang hindi na mababago ang desisyon ko.

Agad naman silang umalis. Hindi ko alam pero natuwa ako nung nakumbinse ko silang hindi ako makakasabay. I lied nung sinabi kong madami akong gagawin.

I pursed my lips nung nagsinungaling ako para lang hindi masira yung schedule ko na pupunta ng Sky Autumn.

My instincts instantly searched for him and I saw him on the same usual spot on the very corner of the shop, but this time hindi na siya nakatalikod. He's facing my direction.

Nasa kanya lang ang mga tingin ko habang naglalakad na ako papunta sa upuan ko. Agad akong napayuko nung umangat siya ng tingin sa gawi ko. Gosh, ba't ako nahihiya? This is not me. I'm the human form of Aphrodite, the Greek Goddess of Beauty. Kung nahuli niya akong nakatingin, so what? Everyone is distracted by his face, dapat ay masanay na siya!

"Umaga't hapon na kayo lumalagi rito, Ma'am, ah." Napangiti ako sa sinabi ni Fiona sa akin.

"I really like Sky Autumn. Magandang place ito para mag-unwind afterwork."

"Nice. It's a well-received compliment, Ma'am. So, shall I take your orders?"

"Tarte citron at diet coke lang."

"Three minutes lang, Ma'am." Tumango ako at agad akong tumingin sa PWD. Mukhang iritado ito habang busy sa pagpindot nang kung ano sa phone niyang nasa mesa.

Kinuha niya at tinawagan ang kung sino. Who's he calling? Magpapasundo na agad siya?
Napayuko ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Why the do I even care? Napaangat ako ng tingin nung tumunog ang windchime.

"Hurry up. We don't have all day!" Sigaw niya sa kanyang sundo na agad ding nataranta.

"S-sorry, Tito," nanginginig ang labing paghingi niya ng paumanhin.

"Just... hurry up, we don't have much time." Hinilot niya ang kanyang sintido at mukhang pinapakalma ang sarili. Panay tingin din ito sa kanyang relos na parang may importanteng lakad.

"Here are your orders, Ma'am."

"Thanks," wala sa sariling sagot ko habang pinapanood yung PWD na pinapasok sa sasakyan ng pamangkin niya siguro.

Nung makaalis na sila ay bumalik ang tingin ko sa mesa kung saan siya kanina umupo. Napatayo ako nung may bagay siyang mukhang naiwan.

I confusedly walked towards the chair and saw an A4 size sketchpad.

"Naiwan po ni Sir?" Tanong ni Fiona.

"Y-yeah. Would it mind the coffee shop kung ako ang personal na magsasauli ng pad?"

"You can give it to Sir, Ma'am. Our coffee shop trusts you the way you lend your trust to us. Sige, Ma'am, lilinisin ko lang 'to." Nginitian ko siya bago niya sinimulang linisin ang mesa. The sketch pad has a brown leather cover and at the right bottom corner has a signature with initials.

WHW





Teardrops on a Sketch PadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon