Kabanata 23: A Special Dinner

80 3 0
                                    

[Xylandria's POV]

"Nagkausap ba kayo ni Miss Montivano?" Tanong ko sa kanya habang nginunguya ang croissant na tinake-out namin mula sa Sky Autumn at napagdesisyunan na sa park kami tumambay.

"I haven't seen her after dinner. Mom said that she'll be staying in her condo for a few weeks." Napayuko ako sa ulat ni Walter. I feel guilty for Miss Montivano. I know she's disappointed for what happened.

"You said not to mind what other people would say and here you are... being an hypocrite." Sinamaan ko siya ng tingin.

"I'm just... worried. Hindi basta kung sino lang si Miss Montivano, Tita mo yun."

"What about your family? Tanggap ba nila ako?" Hindi ako makapagsalita sa tanong niya.

"As expected," mapait siyang tumawa.

"I want to meet your family. Is it possible to set a lunch or something?" Nagulat ako nung siya yung nagyaya.

"I-i can arrange that. Why so sudden? I mean, knowing you... you're hesitant all the time." Binasa niya ang pang-ibabang labi niya at hinawakan ang kamay ko.

"It's because I respect you. Whether your family approves or not, we're not leaving each other. Gusto ko lang makita nila na nirerespeto kita at hindi kita tini-take for granted." Napangiti ako sa paliwanag niya.

"Besides we don't have much time," narinig kong bulong niya.

"Time? What do you mean?"

"I-it's getting late. Maaga ka pa bukas para sa trabaho." Napataas ang kilay ko nung may babaeng naglalakad papunta sa gawi namin. Nakasuot siya ng suit jacket at nakatali ang buhok niya sa isang neat bun. Seryoso ang mukha niya at nasa likod ang magkabilang kamay.

"Who's she?"

"My personal assistant."

"What about Joshua? Hindi ba siya ang susundo sayo?"

"You think i'll allow Joshua to see you as much as I do?" Pinanliitan ko siya ng mata nung marinig ang nagseselos niyang boses.

"So chose to hire a personal assistant?... and a girl?" I scanned his personal assistant from head to toe.

"What's with the tone? Between the two of us, you don't have anything to be jealous. Walang aaligid sa akin habang madami diyan na naghihintay na tyiempuhan ka." Here we go again. He's getting insecure na naman. I sighed.

"Don't worry, I won't let them go near me." Tumayo ako at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. Agad siyang napangiti sa ginawa ko.

"Sayo lang ako," bulong ko.

"Good girl."

.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa kaba habang hinihintay sina Timothy at Arthur. Kailangan ko silang kausapin, alam kong nagtatampo pa rin sila.

"Bababa na ang mga yun. Ano ba ang nangyari, Xylandria? Totoo bang nagkagusto ka sa isang PWD?"

"Opo, Tita." Tipid akong ngumiti at nabahiran ng pag-alala ang kaniyang mga mukha. The same reaction I keep seeing whenever I will tell someone that I am in love with someone who is physically disable.

Reaction I got from my parents, from Miss Montivano, from Mr. Gutierrez and all of them.

"Pero ayos na po. Nagkamabutihan na kami."

"I'm glad to hear that. I can see you're happy with your decision."

"Yeah, hindi ko po pinagsisisihan ang desisyon ko."

"Nagsisimula pa lang kasi kayo. Don't expect that your love story will have an happy ending." Napatingin kami ni Tita Samantha sa hagdan kung saan pababa na ang magkambal na madilim ang mukha na nakatingin sa akin.

"Stop it, you guys! Huwag niyo ngang i-discourage ang pinsan niyo!"

"Ma, we're not discouraging her. Sinasabi lang namin na isang kahibangan 'to! Why can't she love someone better?" Mapakla akong ngumiti sa pagtaas ng boses ni Arthur.

"I don't need someone better, Arthur. Walter is enough."

"Ano ba ang nakita mo sa Walter na yun?"

"I saw something in him that none of you could see."

They got quiet and couldn't think of something to utter. I stood up and took my bag.

"May dinner bukas sa buhay at nais kong pumunta kayo roon para makilala sa Walter. Sige, mauna na ako." May mga luha nakulong sa mga mata ko nung nginitian ko si Tita at nagsitulo na nung makalabas ako ng bahay nila.

I also contacted Tina and Sabrina and they already confirmed their presence for tomorrow night. I'll do anything to make the dinner change their minds.

.

I told Mom and Dad about my plans pero gulat na gulat pa rin sila nung may mga dumating sa bahay na catering at event organizer. Dumating din ang ibang mga katulong ng mga Holloway at Montivano para sa pag-aayos.

"I-i thought dinner lang. Bakit? Pupunta rin ba sina Cynthia at Immanuel dito?"

"No, Mom. Tayo-tayo lang nina Tita Michelle."

"Ba't need pa ng event organizer? At tsaka, may mga katulong naman tayo ah?"

"This is who Walter Holloway is. Despite being what he is, he's doing his best to make everything perfect."

Walter also hired musicians and the little dining on the poolside became lavishing because of the event organizers. May artificial fire sa edges ng pool at hindi kalayuan sa dining ay nagpalagay din si Walter ng mini DJ stadium para kako kay Arthur at Timothy. Dalawang malaking box ang dumating na may lamang iba't ibang klase ng wine para makapili raw kaming lahat sa gusto naming inumin for dinner.

Pinalitan din ang dining table, hindi gaano kahaba at mukhang binili pa ito overseas. I also let them change the tiles from green forest to quartz. Nung medyo dumilim na ay nilagyan muna ng mga katulong ni Walter ng golden lights paikot sa outdoor dining at sa hardin bago umalis.

Nagbihis ako ng sheer overlay dress at pinaalon ko lang ang flaxen kong buhok. Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga pinsan ko at sina Tito at Tita. Napanganga sila nung makapasok ng hardin which is the access way to the poolside dining.

"Woah, that's a lot of beer!" Masayang anunsyo ni Tito Martin nung makita ang ilang case ng iba't ibang klase ng beers.

"Parang iba ang dinner natin ngayon ah," ngisi ni Tito Art nung nakita ang mga musicians sa gilid na mahinang nag-uusap.

"Yeah, I have someone special to introduce." Natigilan kami nung makarinig ng papasok na sasakyan.

"Oh, he's here."

Teardrops on a Sketch PadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon