[Xylandria's POV]
Hindi makapaniwalang tumawa siya. Iniiling-iling niya ang kanyang ulo na parang nagbibiro ako.
"That's not a funny joke," tumingin siya sa akin at pilit na ngumisi. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at malumanay siyang tiningnan.
"It's not a joke. I'm not joking."
"Kumain ka na lang," malamig na sabi niya at iniwas ang tingin sa akin at sinimulan na rin ang pagkain.
Tiningnan ko ang Opera Deluxe na na nasa harapan ko. May 13 layers siya at parang dipping cake. Halos tumirik ang mata ko sa sarap nung matikman ko ang cake. The coldness of the ice cream is comforting that you'll die just to take another spoon.
Walter is right, it tastes like pure coffee but not too strong. The sweetness of the chocolate blends well with the coffee.
Ang sarap pero hindi ko maubos-ubos lalo pa na parang invisible ako dahil sa pag-iwas ng mga mata ni Walter.
Matuwid akong nakaupo at pinaglalaruan ang mga daliri ko. Seryoso siyang kumakain at kahit alam niyang pinapanood ko siya ay hindi talaga siya umaangat ng tingin.
"Walter, maniwala ka. Mahal–"
"Kailan pa?" Putol niya sa akin at ginawaran ako ng matalim na mga titig.
"I-i have been in love with you since the day I took your sketch pad."
I looked at him in the eyes. No matter how piercing his eyes are, I didn't looked away. I want him to see how serious I am.
"You're just saying that because you love being around me." Mabilis akong umiling.
"No! I love being around you because I love you."
"Bata ka pa. Naguguluhan ka lang, Xylandria."
"Seriously, Walter? Do you know how much courage I need to say these things to you at sasabihin mo lang na naguguluhan ako?!" Tumaas ang boses ko at kasabay nun ang pagpatak ng aking mga luha. Umiwas siya ng tingin at umigting ang kanyang panga.
"Walter... I love you," I said in a calmer voice.
"And I pity you for loving me." May mga disgusto sa kanyang mga mata at parang kutsilyo iyun na paulit-ulit akong sinasaksak.
Napaawang ang labi ko nung biglang pumasok si Joshua. Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko nung sinimulan na niyang kunin si Walter palabas ng Sky Autumn.
"J-joshua, nag-uusap pa kami ng Tito mo." Gumagaralgal ang boses at may halong pakikiusap na sabi ko kay Joshua pero hindi siya lumingon at si Walter na ang sumabat para sa kanya sa isang nakakapasong boses.
"Ignore her."
"Walter, please!" Tumakbo ako at hinarangan ang pinto ng kotse niya. Walter frustratedly wiped his face and gritted his teeth.
"Get out of the way."
"Just because I confessed doesn't mean i'm forcing you to love me back. Huwag mo naman sana akong iwasan." Sarkastikong napahalakhak siya bilang tugon sa sinabi ko.
"Iwasan? Of course i'll distance myself from you! I just never thought that you could be this stupid!"
Natigilan ako sa sigaw niya. Hindi ko maramdaman ang sarili kong paghinga. Parang nabibingi ako habang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang kanyang sinabi.
"I just never thought that you could be this stupid!"
I was so lost deeply in my thoughts and it was too late when I realized that the car is already moving. Pulang-pula ang mga mata at humihikbing pinanood ko ang kotse na papalayo.
.
10 minutes... 30 minutes... an hour passed but he still didn't came. Umiling ako kay Fiona nung akmang tatanungin niya ako kung mag-oorder pa ulit ako matapos kong maubos ang pangtatlong palmier ko.
Hindi ako umalis at naghintay pa, baka sakaling dumating. Sinubukan ko siyang tawagan nang ilang beses pero hindi siya sumasagot.
"Maam, excuse me po pero I don't think na makakapunta si Sir." Laglag ang balikat na lumabas na ako ng Sky Autumn.
Why are you doing this to me, Walter?
.
Tiningnan ako ni Fiona gamit ang mga nag-aalalang mata nung nakailang araw na akong pumupunta rito at ilang araw na rin siyang hindi sumisipot but there's still a part of me that hopes.
"Mom, Dad?" Gulat akong napatayo nung pumasok ang mga magulang ko at agad nila akong nilapitan nung ako'y nakita nila.
"We're here to meet him." Mom said that made me lower down my head.
"Is he coming, Xylandria?" Naiinip na tanong ni Dad nung hindi ako sumagot.
Napaangat ako ng tingin nung tinawag ni Mom ang isang waiter na lalaki na agad ding lumapit.
"Yes, Maam?"
"You think pupunta rito si Mr. Holloway? Yung lalaking may peklat at PWD?" Sumulyap sa akin si Mom bago tumingin muli sa waiter.
"I don't think so. Ilang araw na po siyang hindi pumupunta rito."
"Really? Thank you for the information."
Nilapag ni Mom ang purse niya at umupo kaharap ko. Seryoso ang kanyang mga mata habang si Dad ay umiigting ang panga.
"Ilang araw na siyang hindi pumupunta rito pero patuloy ka pa rin sa paghihintay sa kanya."
"I-i love the pastries here, just like what–"
"Huwag mo kaming gawing tanga ng Mommy mo." Napatahimik ako dahil sa mapagbantang tinig ng aking ama. Napayuko ako at hindi alam ang sasabihin.
"Inamin mo na ba sa kanya?" Tumango ako.
"Then we're good. I think it's better that he'll stay away from you. I don't want you to come here again." Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang aking labi.
"D-dad naman. What if pumunta si Walter dito?"
"So what? I think you've already made a fool out of yourself and I don't want to make it even worse. You are done waiting, Xylandria."
"It's not for you to decide!"
"Andria, I think your Father is right. End this insanity. Walter can never fit in your world. Baka nakakalimutan mo na ang worth mo dahil sa PWD na iyun? Hindi kita pinalaki para maghabol sa lalaki."
I am crying as I received those hurtful and discouragement from my parents. After they helped me to face my own feelings, they're not supportive enough.
"Madami pang lalaki diyan. You deserve someone better. Someone who is not afraid to take risks for you."
BINABASA MO ANG
Teardrops on a Sketch Pad
Romansa[COMPLETED] Xylandria Rodriguez, the most gorgeous woman alive who consider things worthy if it possesses beauty. Her ideology took a huge turn after picking up a forgotten sketch pad owned by a world-class athlete, Walter Holloway, who is now stuck...