Kabanata 27: Hephaestus

69 2 0
                                    

[Xylandria's POV]

"B-by the way, he's Dave Advincula, kinakapatid ko." Pinakilala ko siya sa mga kaibigan ko at pilit na ngumiti.

Napangiti ang tatlo at namula, dahilan din ng pag-irap ko... basta kapag may gwapo talaga.

"Mga kaibigan ko nga, si Victoria, Belle at Aisha," pinandilatan ko silang tatlo ng mata na hindi mahahalata ni Dave.

"Pleased to meet you!"

"Hi there, Dave!"

Oh gosh, this is so embarassing. Ba't ako lang ang matino sa aming magkakaibigan?

Mabilis nilang nilahad ang kanilang mga kamay kay Dave at nag-uunahan. They are obviously die-hard fans of handsome men.

"Sit with us. Come on," pagyaya ni Belle dahilan para manigas ako sa kinauupuan ko.

Hindi tumanggi si Dave at nahihiyang nakiupo sa amin. I'm literally not comfortable with Dave, naiilang ako.

"Ako na ang mag-oorder, ano yung sa inyo?" Tumayo ako at agad nilang sinabi sa akin ang kanilang mga order sabay abot sa akin ng kanilang pera.

"Sasamahan na kita."

Hinayaan ko lang siyang sundan ako hanggang sa makalapit kami sa counter. Hindi ko rin kayang kargahin ang limang orders. Hindi na ako aasa na tutulungan ako ng tatlo.

"Your friends are cute."

"Yes, they are. I'm the only beautiful one among us."

"Your confidence is just... wow," biro niya dahilan ng pagtawa ko.

"So kailan ko makikilala ang boyfriend ng kinakapatid ko?"

"Hindi ko pa siya nakakausap tungkol diyan."

Hindi ko alam kung bakit naaatat siyang makilala si Walter. Na-iintriga ba siya dahil nalaman niyang pagmamay-ari ni Walter ang Helix Quantum?

"Ikaw? Wala ka bang girlfriend?"

"Wala pa akong plano."

"Talaga? No girlfriend since birth ka ba?" Hindi ako makapaniwala nung tumango siya nang nakangiti.

"Mukhang magkaparehos tayo ah pero hindi na ngayon. By the way, you said that you were about to invite me for dinner."

"Yeah, pupuntahan na kita sana sa office mo. Buti na lang at nakita kita rito." Napakamot siya sa kanyang batok at marahan akong hinawakan sa likod nung umabante ang pila.

"Ako na ang magbabayad."

"No, may pera silang inabot sa akin. Swerte naman nila pagnilibre mo ang mga senyorita." Mabilis kong pagtanggi.

"Ikaw na lang ang ililibre ko kung ganoon."

"Huwag, madami akong pera noh." Natatawang giit ko kaya napahalakhak siya. Ang cashier ay pangiti-ngiti kaming pinapanood.

"No, let me. I know you're saving for your dream, keep the money."

I didn't argue since he immediately handed his card to the lady. I know Dave has doubt that i'll be able to reach my dream, but he still supports me.

Natigilan ako nung makakita ng taong pamilyar sa akin. Nung makita niya akong nakatingin sa kanya ay mabilis siyang tumalikod at naglakad papalayo.

"Tara na?"

"Y-yeah."

.

I can't help not to think about what I saw. I thought he trusts me, but why do he need to send off his assistant to spy around?

"Grabi, ang gwapo talaga ng kinakapatid mo, Xy." Kinikilig na bulong sa akin ni Aisha habang pinapanood naming apat si Dave na kumakausap sa isang staff para mag-follow up ng order namin.

"Don't tell na two times na mas pogi yung jowa mo kesa kay Dave."

"Well, I wouldn't say that."

"Really? Kung ganoon, ba't hindi na lang si Dave?"

"Not everything is all about the face, Victoria." Pinanliitan nila ako ng mata dahil sa sinabi ko.

"Are you on drugs, Xylandria? Or you're just an impostor?"

"Oh, come on, i'm being serious!"

"Nakakapagtaka ka kaya. I mean, you're the most gorgeous woman i've ever known. Your standards are obviously too high."

"Oh guys, binibiro lang siguro tayo ni Andria. Of course, she would say that her boyfriend is not that handsome at baka matipuhan natin. Baka malaglag ang panty natin pagnakita na natin ang mysterious boyfriend ni Xy."

Nagsitawanan sila habang ako ay ngiting pilit ang pinapakita ko sa kanila. Mabigat sa dibdib, dahil tiyak kong hindi nila matatanggap pagnakita na nila si Walter.

They are hoping to see my boyfriend as someone who fits my standard, but i'm sure that their opinions wouldn't matter. Hindi ko iiwan si Walter, he's a lot more than just his scars.

"Hatid na kita?"

Agad na tumili ang mga kaibigan ko nung nag-offer sa akin si Dave na ihatid ako. Nahihiyang namula naman ako. Alam nilang may boyfriend na ako pero parang inuudyok nila ako kay Dave.

"M-may sasakyan ako at tsaka, may dadaanan din ako. Thanks for the offer though."

Bakas ang disappointment sa mga mata nila dahil sa naging sagot ko. Nung hindi nakatingin sa akin si Dave ay inirapan ko sila.

Mabuti na lang at hindi nagpumilit pa si Dave. Habang nasa biyahe ako ay panay contact ko kay Walter pero hindi siya sumasagot. I bet his assistant told him everything she saw, especially the one that I was with Dave.

I'm disappointed that he lied about trusting me and knowing how insecure he is, I bet he locked himself in his room again.

Bumuntong-hininga ako at mabilis na hininto ang sasakyan sa harapan ng kanilang bahay.

"Xylandria, may problema ba?" Tita Cynthia worriedly asked when she saw it all over my face.

"Si Walter po? I need to talk to him."

Mabilis akong tumakbo sa taas papuntang kwarto niya at hindi iyun naka-lock.

"Walter!" Agad na tawag ko pagkapasok. Nagtataka niyang inangat ang kanyang tingin habang may hawak na papeles.

"Why you're here? Did something came up?" Pinanliitan ko siya ng mga mata nung umaakto itong parang walang alam.

"You sent your assistant to have me checked, tama ba?"

"I don't know what you're talking about."

"Sabi mo may tiwala ka sa akin. Ba't ka nagsinungaling? Stop with the act, Walter, I caught her spying me."

Tinalikuran niya lamang ako at inihakbang ang wheelchair papalapit sa kanyang desk.

"Walter, heto na naman tayo eh. Don't turn your back on me, kausapin mo nga ako nang maayos!"

"Because that's what you need right? An assurance?! So I gave it to you and I thought that you're mine now, I won't be insecure anymore, but the pressure keeps heating up especially that a living Adonis is tailing around my beloved Aphrodite who is stuck with me, a fucking Hephaestus!"

Teardrops on a Sketch PadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon