Kabanata 11: The Stock Holders

85 6 0
                                    

[Xylandria's POV]

"Mom, i'm tired. It's weekend, kailangan ko rin ng pahinga." Panay reklamo ko kay Mom na ayaw kong sumama.

Hay, Mr. Gutierrez purposely invited my parents directly para mapilitan akong sumama. First of all, kinakabahan ako. Four months pa lang akong nagta-trabaho sa Araneta University and I have never met the stock holders nor the school owner, not even once. Second, alam kong hahanapan na naman ako ng mga parents ko ng bagong manliligaw, to think na mayayaman ang pupunta sa party.

"Come on, sweetie. Hinihintay na tayo roon ni Mr. Gutierrez and this party is a good thing para makilala mo ang mga big boss mo."

.

Hindi maalis ang simangot sa mukha ko habang nasa biyahe kami papunta sa mansion ng school owner. Si Miss Montivano ang Director ng Araneta University. I have seen her in some school photos but I haven't met her personally.

"Nandito na tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Mom at Dad nung pumasok ang kotse namin sa isang mala-paraisong hardin. Plants were trimmed into different shapes and the grasses are all young that it lightens the entire parking space. It so wide that walking would make you sweaty, but I won't mind walking kung ganito kaganda ang hardin na lalakaran ko.

"Yes, shall we?"

Nagsibaba na kami sa sasakyan at napatalon ako nung may biglang lumapit sa akin na isang golden retriever. Panay kahol at talon nito sa harapan ko na mukhang gustong makipaglaro.

"Xensus, come here!" Isang boses ng lalaki ang pumukaw sa atensyon ng aso at agad itong sumunod. Tumakbong lumapit ang aso sa isang lalaking nasa late fifty's, matangkad, at mukhang marangya.

"Good morning. Kayo ba ang mga Rodriguez?" Tanong nito sa amin habang ginugulo ang buhok ni Xensus.

"Good morning, yes we are. Nice to meet you, Immanuel."

We did the pleasantries and when I got close to him, his eyes caught my attention. Those seaweed eyes made me remember Walter.

"Pumasok na kayo. Make yourselves at home," tumalima kami at agad akong napamangha nung makita ang salas. Bawat furniture ay sumisimbolo ng karangyaan at sopistikasyon. Mula sa makintab na chandelier at sa isang high-class na fireplace.

The floor and ceiling are shining in gold that makes you see your reflection. I bit my lower-lip when the quantities of people are not what I expected. Kaunti lang ang mga tao and they are just dressed casually, nevertheless they all look elegant to me.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Mr. Gutierrez pero hindi ko siya makita. May mga lalaking kaedad ko rin at mga batang babae na nagsitakbuhan sa may hallway... I feel like this is a family reunion, not a party.

"Rosalie and Macon Rodriguez. I'm thankful that you got Gutierrez's invitation." Ang babaeng matanda na at nakasuot ng puting gloves ay lumapit sa amin. May bitbit itong glass na may lamang orange juice... well, it's too early to drink wine.

"Is this your daughter? Ang secretary ni Gutierrez?"

"Hi, Ma'am. I am Xylandria Rodriguez."

"Pleased to meet you. The name is Cynthia by the way. Come on, let me show you around habang wala pa si Gutierrez."

They introduced me to the other people inside the house and they all approachable, hindi sila masungit which is unexpected. Si Mr. Gutierrez at si Miss Montivano ay hindi makita ng mga mata ko. Kung ganun, mga stock holders lang yung mga na-meet ko kanina?

"That's surprising. Bakit naman?" Tanong ni Ma'am Cynthia sa akin nung malamang wala pa akong boyfriend. I was about to answer but my Mom interrupted me.

"My daughter is a gorgeous woman, it's not actually surprising. Her standard is just too high." I fakely smiled at Ma'am Cynthia and those spasms in her face tells me that she's not convinced by what my Mom said.

"Why don't you meet my grandchildren?" Hindi ako makakontra dahil nahihiya ako. Kita ko naman ang pagngisi ni Mom habang si Dad ay abala sa pakikipag-usap kay Tito Immanuel. Tinawag ni Ma'am Cynthia ang kanyang mga apo at tatlong lalaking nakasuot ng mga itim na suit jackets ang lumapit sa amin.

Nanlaki ang mga mata ko nung pamilyar sa akin ang isa. Tumingin siya akin at mukhang nagulat din siya nung makita niya ako.

"This is Antonio, Caspian, and Joshua. Magpinsan silang tatlo and they are all gentlemen. Hope you find interest to one of them. Mga apo, I want you to meet Xylandria Rodriguez. She's the school's secretary. Beautiful, isn't she?" Ngumiti ako sa kanila at nakipagkamay sa kanilang tatlo. If Joshua is here, that means...

Nung nakipagkamay na ako kay Joshua ay agad kaming ngumiti at gulat pa rin na makita ang isa't isa.

"I'm surprised to see you here," panimula niya.

"Me too. I guess it's a small world. By the way, nandito rin ba si Tito–"

"Goodness! Magkakilala pala kayo?" Excited na sumulpot si Ma'am Cynthia. Ang dalawang kapatid ni Joshua ay nagulat nung mapag-alamang kilala namin ang isa't isa.

"Yeah, w-we're coffee buddies." Si Joshua na yung sumagot.

"Mabuti naman at magkakilala kayo. Joshua, why don't you entertain Xylandria habang wala pa ang ibang bisita natin?"

Nasiyahan ako nung maiwan kami ni Joshua na mag-isa. Parang nakahinga ako nang maluwag mula sa ilang.

"Nandito rin ba si Walter?" Tanong ko.

"Yeah, nasa grand hall siya. Gusto mo siyang makita? Hindi iyun pupunta rito, not until lunch time. Ayaw niyang makipag-socialize... alam mo na." Tumango ako, naiintindihan ko naman kung bakit mailap siya sa mga tao.

"Can you point where the grand hall is?"

"Sasamahan na kita."

"No, ituro mo lang sa akin ang daan."

"Diretso ka lang at lumiko ka sa kaliwa pagnasa corner ka na. May makikita kang malaking pinto, sa loob ay grand hall na iyun." Tumango at nagpasalamat.

Dali-dali akong naglakad papunta sa direksyong tinuro sa akin ni Joshua. Kumakabog ang dibdib ko na para bang excited akong makita siya.

Nung nasa corner ako ay natigilan ako nung makita ang mga litratong nakakabit sa pader. Napahanga ako nung makita na isa sa mga litrato ay si Walter. Nakangiti siya habang nakapangalumbaba. May iilang hibla ng buhok niya na nakatakip sa kanyang mukha. It seems breezy when the photo was taken.

Naibaling ko ang atensyon ko sa malaking pinto na nasa kaliwa ko. Ito na siguro yung pinto na sinasabi ni Joshua. Marahang nakabukas at napalunok ako nung makarinig ng tugtog ng piano.

Teardrops on a Sketch PadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon