Chapter 6

77 22 84
                                    

Pumunta kami sa isang luxury condominium para samahan si Van na mag-check-in para sa pansamantala niyang titirhan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pumunta kami sa isang luxury condominium para samahan si Van na mag-check-in para sa pansamantala niyang titirhan. Uuwi na rin ako kaagad pagtapos nito. Nasa grand lobby siya habang nakapila sa reception area. Saglit ko muna siyang iniwan at nag-ikot-ikot sa entry hall. Mataas ang dingding, nasa fifteen feet siguro, at may malaking chandelier. Sa center view, may fountain at pinaiikutan ng golden statue na dove bird habang tinututukan ng spotlights.

Nagtungo naman ako sa outdoor area dahil ang daming tao roon kahit gabi na. Meron silang tatlong swimming pool at gazeebo. Feeling ko, mas kailangan kong mag-stay rito dahil ang presko ng ambience. Humiga ako sa poolside lounger at nilanghap ang masarap na simoy ng hangin.

Kaso lang, hindi ako makapag-relax nang maigi dahil maraming distraction sa paligid. May mga magkakaibigang nag-aasaran, mga couple na naghahabulan, at mga pamilyang nagtatawanan.

Nag-flash ang alaala ko kay Daddy na kung saan ay kompleto pa kami at masaya.

"Daddy, I want to build a snowman!"

"You play with Maximo, baby. May tatapusin lang ako."

"But he's not good as you! Bumabagsak kaagad 'yong snow na gawa niya!"

"Fine." Tumayo siya at isinarado ang laptop. Lumabas na kami ng cabin. "Pagtapos kong gumawa, hahayaan mo na si Daddy na mag-work, ha?" Tumango-tango lamang ako.

Nakakunot-noo si Daddy habang pinagsasama-sama ang snow sa kamay niya. Mukha siyang pinagpapawisan kahit nagyeyelo naman. Si Maximo ay naglalaro sa dulo habang si Tita Susane ay binabantayan ang anak.

It was my 12th birthday at panglimang araw na namin sa Switzerland. Nandito kaming lahat sa labas. Wala pa kaming thirty minutes pero parang magyeyelo na kami sa lamig.

"Tapos na." Tumayo na si Dad. "Magwo-work na ako." Umubo pa siya nang ilang beses.

Lumapit ako at tinusok ang ilong ni Snowman ng carrot. "Dad, picture-an mo kami!" Tinitigan ako nang matagal ni Daddy. "Please?" Nag-pout ako. Nag-picture-an kaming lahat gamit ang phone ni Tita Susane, pero mga ilang minuto lang ay nag-shut down din ang phone niya dahil empty battery na. Nagtawanan lamang kami.

At dahil nainis si Tita Susane sa tawanan namin ay kumuha siya ng snow at ibinato kay Daddy. Si Daddy ay hindi nagpatalo kaya gumawa siya ng malaking snow at ibinato kay Tita. Hanggang sa magbatuhan kaming lahat habang tumatakbo.

Everything seemed so vivid to me. Fresh pa rin sa utak ko ang ganda ng tanawin, ang bawat eksena, ang sayang dulot nito, at ang tawanan.

Kailan kaya mauulit iyon? Mali—ang tanong ko pala dapat ay kung mauulit pa ba iyon.

Nakakatakot dahil kapag bumalik kami roon sa Switzerland ay wala na ang mismong cabin na tinirhan namin. Baka hindi na kasinlamig katulad ng dati. At hindi na rin magiging ganoon kasaya . . . dahil wala na si Daddy.

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon