Chapter 24

45 13 12
                                    


LUMINGA-LINGA ako sa paligid. Ang daming tao kaya hindi ako sure kung sino ang tinutukoy niya. Hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming maglakad. Halos lahat ng photographer ay sumunod sa amin at kinuhaan kami ng picture.

"Hey." I rolled my eyes nang mamukhaan ang sumasalubong sa amin.

Ano ba'ng ginagawa niya rito?

Lalagpasan ko sana siya nang tumigil si Eloisa sa paglakad kaya pati ako nadamay.

"You didn't tell me you will come," sabi ni Eloisa.

Umawang ang bibig ko. Palipat-lipat ang tingin ko kina Eloisa at Sandro. Don't tell me siya ang groom? OMG! Tangina, kaya pala hindi nagparamdam nang ilang linggo matapos akong dalhin sa hotel. Nakakagago lang! Bumalik na ulit siya sa pagiging babaero, a!

"Undecided. Pero mabuti na lang, pinaunlakan ko ang imbitasyon."

"G-gano'n ba?"

Hindi na niya dinugtungan ang sinabi ni Eloisa bagkus ay maloko siyang ngumiti sa akin. Tiningnan niya ako from head to toe at parang na-amaze siya sa ayos ko.

Kusang sumara ang kamao ko. Gusto ko siyang sapakin ngayon. Naalala ko tuloy ang ginawa niya sa akin sa hotel. First time na may humawak sa akin at humalik ng ganoon kaya hindi ko siya mapapatawad! Kahit bali-baligtarin pa ang mundo ay hindi ko makakalimutan ang ginawa niya dahil ilang gabi kong inaalala ang mga haplos niya! Argh!

"Ona, this is Sandro Cecilio, my classmate since first year to fourth year college and my partner in crime," natatawang anito. Siya lang ang natuwa. "And Sandro, this is Onalisa, my—"

"I know her," mabilis na sagot ni Sandro.

"Talaga? Oo nga pala, iba talaga kapag famous—"

"She is my girlfriend, Isa."

"What?" Napansin kong lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Eloisa. "But how? I thought you're single." Mukha na siyang naluging pusa dahil sa malungkot na mga mata.

"Don't worry, ex ko na siya. Huwag mong paniwalaan ang assumero na 'yan." I rolled my eyes. "Maiwan ko na kayo." Lalakad pa lang ako nang biglang hawakan ni Sandro ang isa kong kamay.

"Muntik ko nang tanggapin na ex mo ako."

"Bakit hindi nga ba?" taas-kilay kong sagot.

"No'ng hinalikan mo ako pabalik sa hotel, naalala kong wala palang break-up sa 'tin. Bigla akong nakaramdam ng lakas."

Biglang nanlumo ang katawang lupa ko dahil sa kahihiyan.

"N-naghalikan kayo s-sa hotel?" nauutal na tanong ni Eloisa.

"More than a kiss," nakangising sagot ni Sandro.

Umawang ang bibig ko. Sasampalin ko na sana siya kaso papalapit sa gawi namin ang grupo ni Lolo Alfonso kaya natigil ako. Bakit sila lalapit dito? Bakit kumakaway si Lolo sa amin? Bakit ang lapad ng ngiti niya?

Oo nga pala, katabi ko ang heiress and groom. Kailangan ko nang umalis sa spotlight. Baka sabihin na naman nila, nang-aagaw na naman ako!

"Congrats, Eloisa and Sandro." Ibinigay ko ang pinakapeke kong ngiti. "Aalis na ako. The spotlight is yours."

"Magkakaroon pa ng anncoucement, w-wala namang sinabi na si Sandro ang groom," nahihiyang saad ni Eloisa. "Umalis na kayong dalawa. Ipapakilala na sa akin ang groom. Sino kaya 'yon?" Tumingin-tingin pa siya sa gilid.

"Ako ang groom, Eloisa."

"Come on, that's impossible!" giit ni Eloisa. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo, Sandro! May girlfriend ka na!"

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon