Chapter 13

51 17 30
                                    

Nasa isang private resort ako at binayaran itong lahat ni Sandro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa isang private resort ako at binayaran itong lahat ni Sandro. Maging ang room ng dalawa kong bodyguard at pagkain namin ay sinagot niya. Hindi na rin ako tumanggi dahil kakaunti na lang ang pera ko sa bangko. Kailangan ko nang makuha ang mga ibinigay sa akin ni Daddy.

Ang hirap aminin na ang isang tulad ko ay kakaunti na lang ang pera sa debit card. Wala naman akong pinagkakagastusan noong mga nakaraang araw kaya hindi ko talaga alam kung paanong nangyaring wala na akong pera.

Mas mainam na mag-hire ako ng personal accountant para maging aware ako kung saan napupunta ang mga pera ko.

For the first time in my life, ngayon lang ako sinipag magbasa ng newspaper. Nakapaloob doon ang patungkol sa isolated island na nakita ng team ni Sandro. Puro papuri ang comment sa ginawa niya.

Ngayon ko lang na-realize na masyado akong focus sa kalandian ko kay Seth at sa ibang bagay. Nakalimutan ko na si Daddy.

Si Sandro ang kumilos para sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya tumutulong nang ganito, hindi naman siya anak. Hindi na rin naman niya ako girlfriend. Then, why was he doing this? Siguradong may kapalit ang lahat ng ito. Well, ganoon naman talaga ang mindset ng mga businessman, ibubuhos nila ang effort nila sa isang bagay kung may makukuha sila.

Kung ganoon, magkano ang kailangan ni Sandro? Siguro, alam niyang ito na ang huling negotiation ng pamilya namin sa kanya kaya ginawa niya ang best niya. I knew him really well.

Pumunta ako sa verandah, humawak sa railings, at tumingala sa liwanag ng buwan. Naalala ko ang sabi sa akin ni Seth noon na tumingin lang ako sa buwan kapag malungkot ako.

I closed my eyes. Tahimik ang dagat. Tahimik sa buong resort na ito, but I heard a very familiar voice.

"I may leave this world, baby, but I would still be your father in heaven or earth.

"Alam mo kung ano ang pinakamadali sa mundong ito? Ang tumingin sa pagkakamali ng isang tao at husgahan ito. Pero ang tunay na umiibig sa iyo ay masusukat mo lamang kapag inintindi at kinilala ka niya nang husto katulad ko. I know you're a great person, baby. And soon, mahahanap mo rin ang taong iintindi sa 'yo.

"Aanhin mo ang malaking pera? Parang anino lang iyan, susulpot tapos mawawala rin kaagad. Mas mabuti pang magtanim na lang ng palay para mabuhay kaysa magpakalunod sa pera at dalhin ka sa kapahamakan."

Dumilat na ako. Naririnig ko na naman ang boses ni Daddy, pero ang nakakatakot, hindi na siya matanaw ng mga mata ko. Kung titingin naman ako sa mga picture, wala namang boses na nagsasalita. Kung pwede lang sana, may boses na, nakikita pa ng mga mata.

I missed you so much, Dad.

Bumalik na ako sa kama at tumingin sa kisame. He was the best dad in the world. Tila ba ay nawala ang kalahati ng pagkatao ko noong iwan niya kami. Kaya ayokong bumalik sa island na ito dahil alam kong babalik na naman ang sakit.

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon