Chapter 19

54 19 16
                                    

Si Sandro Cecilio ba talaga ang kasama ko? Paano kung kakambal pala niya ito? Paano kung clone lang tapos nagpa-plastic surgery? This is driving me crazy! Napasabunot na lang ako sa buhok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Si Sandro Cecilio ba talaga ang kasama ko? Paano kung kakambal pala niya ito? Paano kung clone lang tapos nagpa-plastic surgery? This is driving me crazy! Napasabunot na lang ako sa buhok.

Bumukas ang malaking gate sa harapan ko at pa-martsa akong naglakad papasok.

"Ma'am Ona." Lumabas na si Ugi sa sasakyan na nakangiting aso. "Nakita ko 'yon, a!" pang-asar niya. "Kung nabubuhay pa si Sir Christopher, hindi na makakatapak si Sir Sandro sa bahay ninyo," natatawang sabi nito. Agad ding lumaki ang mga mata niya, parang may maling nasabi. Lumabas naman si Ronny matapos mag-park. Nasa east direction kami kung saan naka-park ang halos lahat ng sasakyan namin.

"What do you mean by that?" nakataas-kilay kong tanong. Kanina pa ako inaantok pero alam kong tama ang narinig ko na hindi raw makakapasok si Sandro sa bahay kung buhay pa si Daddy. Why?

Ano'ng kahulugan n'on? Medyo hindi na rin ako makapag-isip nang matino dahil sa antok.

"Ano nga kasi 'yon, Ugi! Bakit hindi na makakabalik si Sandro rito kapag hinalikan ako?"

Sumama ang tingin ni Ronny kay Ugi. Humarap din naman ito kaagad sa akin nang may paggalang sa mukha. "Sa totoo lang, ma'am, sobrang higpit ni Sir Christopher sa 'yo. Only girl ka kasi."

"Yeah, I know about that!"

"Kahit din sa love life ay kontrolado niya," dugtong pa nito.

"What? I don't get it? Lasing ba kayo? O epekto lang ng pagkaantok?"

"Seryoso, ma'am. Hawak ni CEO sa leeg si Sir Sandro kapag magkasama kayo."

"Paanong hawak e lagi namang wala si Daddy!" Gulong-gulo na ako. Gosh, please, gumising ka, Onalisa! Intindihin mo ang mga sinasabi nila. Hindi naman siguro literal na hawak sa leeg ang tinutukoy nila dahil imposibleng maging bayolente si Daddy.

"Lahat ng oras tuwing magkasama kayo ni Sir Sandro noong nabubuhay pa si CEO ay naka-video at audio record. Hindi kayo pwedeng umalis nang walang bantay. Mas lalong hindi pwedeng kayong dalawa lang sa iisang kuwarto kundi malilintikan kami. 'Yong hawak naming portable device lagi? Maraming purpose 'yon. Isa na roon ang HD camera."

Umawang ang bibig ko. I can't believe it!

"Pasensiya na, ma'am. Alam po namin na may privacy kayo bilang magsyota ni Sir Sandro, pero sixteen years old ka pa noon. Naiintindihan din naman namin si CEO kaya naging mahigpit siya."

Namula ang pisngi ko sa kahihiyan at galit. Sino-sino ang nakapanood n'on? Bakit may audio pa? My gosh! Shit! Bakit naman ganoon? Dinaig pa ang mga paparazzi ko! Napasapo ako sa mukha at pilit na itinago ang daloy ng luha. Akala ko, mas lumuwag ang seguridad ko noong naging kami ni Sandro dahil nabawasan ang mga bodyguard ko. Hindi ko akalaing may sukdulan pa pala.

"Ma'am, patawad," sabi ni Ugi. "Simula ngayon, hindi na kami manghihimasok sa love life mo. Ikaw na ang bago naming boss. Susundin namin at irerespeto ang gusto mo." Tumango lamang ako at tinalikuran ko na sila.

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon