Chapter 26

44 13 25
                                    


MAY dalawang katulong na pumasok sa loob ng kuwarto hila-hila ang food cart. Nakayuko at nanginginig pa ang mga kamay nila. Mukhang napagalitan, a? Kasunod naman nila sa paglakad ay si Sandro na nakatago ang dalawang kamay sa bulsa. Nakasuot pa rin siya ng office attire. Halatang hindi siya nagpalit o nag-ayos man lang.

"Kakain lang ako kapag pinalabas mo na ako rito sa mansion," straight-forward kong sinabi.

"Tomorrow, I will let you go outside," aniya. Inilahad niya ang isa niyang kamay at inabot ko naman. Inalalayan niya ako papunta sa glass table at magkaharap kaming umupo.

Kinuha ko na ang kutsara at tinidor. Kunwari ay napilitan lamang akong kumain, pero ang totoo ay sabik na sabik na akong matikman ang sinigang sa sampaloc and shrimp spicy! Nagsimula na akong sumubo at ginawang tubig ang sabaw. Lumabas na rin ang dalawang katulong kaya kaming dalawa na lang ang naiwan sa kuwarto.

"Wala namang lasa," pagsisinungaling ko.

"I will fire your chef then," simple niyang sagot but he was so serious.

Napangisi ako. Ang OA talaga.

Nakaapat na cup ako ng rice. Tumigil na lang ako dahil ubos na ang ulam. Hindi niya ako pinakawalan ng titig simula nang kumain ako. "You're beautiful kahit ano'ng gawin mo." Halos mabilaukan ako. Ang tagal niya akong tinitigan, iyon lang pala ang iniisip. Matutuwa pa ako kung pag-uusapan namin ang paglabas ko rito sa mansion.

Hindi pa ako tumatayo ay sumakit na ang bandang tagiliran ko. Naempatso pa yata ako. Ang sakit-sakit, shit!

"Ona, okay ka lang ba?" Medyo nataranta na siya.

Hindi ko siya pinansin at dahan-dahan akong lumakad pabalik sa kama. Niyakap ko ang binti ko habang namimilipit. Kahit anong posisyon ko sa paghiga ay masakit pa rin. Humiga na ako at itinagilid ang sarili. Dumaing ako at kumuha ng unan para yakapin.

"Kakakain mo lang."

"Ang sakit banda rito." Itinuro ko ang abdomen ko. "Ah!" Halos mangiyak-ngiyak na ako sa sakit.

"Wala ka ba ngayon?"

"Wala!"

"This might be ulcer."

Nagsimula na siyang tumawag ng doktor at dumating ito mga ilang minuto lang. Kung hindi ako nagkakamali ay may sarili kaming doktor dito sa mansion kaya kahit anong oras ay pwedeng tawagin.

"Good evening, sir. Ano pong nangyari kay Ma'am Onalisa?"

Ipinaliwanag ni Sandro ang lahat ng observation niya sa akin at hindi ko pagkain nang ilang araw.

May ibinigay sa akin ang doktor na prescribed medication, pampa-reduce daw ng acid sa katawan ko. At sinabi rin ang dos and don'ts. Isinulat lahat iyon ni Sandro sa isang papel. Kunot-noo siyang nakikinig sa doktor at marami rin siyang tanong. Hindi ko alam kung bakit masyado niyang sineseryoso ang pakikinig, as if namang may plano siyang alagaan ako.

"Kailangan niyang kumain nang tama sa oras. Iwasan ding kumain nang sobra at kaunti, dapat sakto lang. And please, avoid alcohol, caffeine, and stress for faster recovery." Ito ang huling sinabi ng doktor bago ako nakatulog sa usapan nila.

***

ALAS-SAIS ng umaga nang magising ako. Nandito ngayon si Sandro sa gilid ko at may inaayos lang. Nakasuot siya ng plain white T-shirt and maong na shorts. Halatang bagong ligo at nag-perfume pa kaya agad akong nagising dahil sa pamilyar na amoy.

"You're awake," masigla niyang sabi. Pinatong niya ang isang tray sa kama at hinalo ang tinimplang gatas.

Breakfast in bed? Ayon sa mga napapanood ko, gawain ito ng mag-asawa. Mas lalo na kapag galing sa honeymoon, uso ang ganito. Teka, bakit ko nga ba ito naiisip? Epekto na naman ng kapapanood sa Netflix!

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon