Chapter 9

71 21 46
                                    

Nasa loob na kami ng sasakyan ni Liam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa loob na kami ng sasakyan ni Liam. Nasa passenger seat ako at siya naman sa driver's seat.

"Ona, hindi mo dapat iniiyakan 'yong ka-date ni Vanilyn. Itsura pa lang, halatang hindi ka na seseryosohin."

Matalino si Liam. Kahit hindi ako magkuwento ay may idea na siya kung bakit ako nagkakaganito.

Totoong iniiyakan ko si Seth ngayon, pero hindi totoong magka-date sila ni Vanilyn. Hindi gusto ni Seth ang best friend ko. Ginagawa lamang niya iyon dahil sa trabaho. I must understand him. This shouldn't be a big deal.

"Liam, gusto ko nang umuwi sa bahay namin. Lilipat na ako ng sasakyan." Nasa kabilang lane lang ang sasakyan ko. Naroon sina Ugi and Ronny.

"Paano 'yong mga gamit mo sa hotel?" tanong niya.

"Kunin mo na lang sa penthouse, dalhin mo sa office." Iniabot ko sa kanya ang keycard ng room ko.

Nagkatitigan kami nang matagal at parang nagdadalawang-isip pa siya. Oo nga pala, hindi ko naman pala siya katulong para utusan. "Never mind. Ipakukuha ko na lang sa tauhan namin."

Hinawakan niya nang maigi ang kamay kong hawak ang keycard. "Ako na ang bahala. Gusto kong magkaroon ng silbi sa iyo kahit sa ganitong paraan lang." Malungkot ang mga mata niya. "Si Seth ba ang dahilan kaya ka nandito nang isang buong linggo? Kinalimutan mo ang trabaho mo dahil sa kanya? Ang unfair nito sa 'kin."

Tumango lamang ako pero hindi pa rin niya pinakakawalan ang kamay ko. "Aalis na ako." Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Ang mga mata niya ay may namumuong luha.

"Wala na ngang Sandro, may Seth naman. Huli na ba talaga ang lahat sa 'kin?" His words were full of pain, I could feel it. Hindi ko pa rin lubos maintindihan. Ilang beses ko na nga siyang nasasaktan pero hindi pa rin siya tumitigil na magmahal sa akin.

Naalala ko kung paano ako nakipag-break sa kanya noong college kami. Lumuhod siya at nagmakaawa. Kesyo hindi raw niya makakaya na wala ako. It was unbelievable to see him like that, at ayoko nang maulit iyon. Matalino siyang tao pero bobo naman sa pag-ibig.

Ayoko siyang makitang ganoon kahina. Kaya hindi talaga kami bagay dahil ako ang kahinaan niya. At patuloy lang siyang magiging mahina kung hindi niya ako titigilan.

"I like Seth."

"But I don't like him for you. Dine-date kayong mag-best friend, palibhasa parehas kayong mayaman—"

"You're not my daddy, so stop saying kung sino ang para sa 'kin."

Umigting ang bagang niya. Halos bumakat na ang kamay niya sa akin. "Kung hindi si Sandro, ako na lang sana," pagdidiin niya. "Kailangan mong piliin ang lalaking tutulungan ka sa paglago ng company mo. Halatang magaling lang mambabae si Seth! Ano'ng maiaambag niya?"

I closed my eyes. Bigla kong naalala sa kanya si Lolo Alfonso at ang buong miyembro ng pamilya ko. Lagi nilang sinasabi na dapat isang successful businessman ang mapangasawa ko. Para sa business at para sa magandang record. Akala ko, malayo siya sa kanila, may pagkakatulad din pala.

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon