Chapter 37

82 12 16
                                    

Ginamitan ni Seth ng susi ang isang kuwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ginamitan ni Seth ng susi ang isang kuwarto. Lahat naman ay nakabukas—ito lang ang bukod-tanging hindi. Sabay kaming pumasok at napansin ko kaagad ang mga painting na nakasabit sa itaas.

Tinitigan ko isa-isa ang painting. Futuristic ang theme niya. Isa na roon ang Mars painting na kung saan, may mangilan-ngilang taong nakatira at lahat sila nakasuot ng pang-astronaut. Meron ding sampung flag ng bansa ang nakatusok, siyempre isa na roon ang Philippine flag.

Marami pa akong tinitigan. At talagang nakuha ng interest ko ang lahat ng paintings niya.

"Sa edad na labing-walong taon ay nakapag-participate na siya sa exhibitions sa iba't ibang bansa. Ito ang mga international exhibition na sinalihan niya." Itinuro niya sa akin ang mga certificate na nakasabit.

Binasa ko nang malakas. "The Phillips Collection, Washington. Royal Academy of Art, England. Fundacion Juan March, Spain. David Mirvish Gallery, Canada." Hindi ko na natapos dahil hinila naman niya ako sa kabila.

"Ito naman ang mga napanalunan niyang contest,"

Nakahilera ang mga medal at trophy sa isang babasaging cabinet. Nakakalula naman sa sobrang dami.

"First place at Philippine Art Gallery." Ito ang pinakamalaking trophy at nakalagay sa gitna.

"Isang painting lang niya ay nagkakahalaga na ng milyones kaya nakapagpagawa siya kaagad ng bahay para sa pamilya niya at nakapagbigay ng libreng tuition sa mga kapos-palad. Hindi ko siya nakitang nag-ipon ng pera o naglagay sa bangko dahil lahat iyon ay ibinibigay kaagad sa iba."

"So, itong bahay, hindi niya pinag-ipunan? Isang bagsakan lang niyang binayaran?"

"Exactly."

"Oh God!" Inilagay ko ang palad ko sa aking bibig.

Nakakamangha naman si Raimund. Kung hindi siya pinatay ni Lolo Alfonso, siguradong na-in love nga kami sa isa't isa dahil parehas kami na forte ang pagiging creative. Siya ay isang legendary painter at ako naman ay icon fashion designer. Bagay, di ba? Sayang lang talaga ang dapat na love story namin.

Binalot kami ng katamikan. Parehas na malalim ang iniisip. Nakatulala lamang sa bintana kung saan ay kulay kahel ang langit.

Hindi ko alam kung bakit bigla niya akong naisip dalhin dito, pero laking pasasalamat ko dahil nalaman ko na rin ang totoo at nakilala ko kahit papaano si Raimund Marcos. Picture na lang ang kulang.

"Paano mo pala nasabing si Lolo Alfonso ang may gawa ng lahat? Anong ebidensya ang meron ka para madaig mo ang pulisya?"

"Bago mangyari ang sunog, nakatanggap muna ako ng text kay Raimund para tumulong sa pagtatanim sa palayan nila. Saktong pagkapunta ko, nasaksihan ko ang mga armadong lalaki kung paanong pasukin ang bahay na ito at pinagbabaril ang lahat ng nakatira dito bago sinunog ang bahay."

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon