Chapter 21

42 16 16
                                    

MAKALIPAS ang ilang oras na biyahe ay nasa tapat na kami ng gate ng bahay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAKALIPAS ang ilang oras na biyahe ay nasa tapat na kami ng gate ng bahay ko. Seryoso siyang nakatanaw roon. Hindi man siya magsalita ay alam kong manghang-mangha siya. Doble ang laki nito kumpara sa bahay nina Vanilyn kaya hindi na nakapagtataka. Siguradong ito ang pinakamalaking bahay na mapapasukan niya kung sakali.

Gusto ko sana siyang papasukin sa loob kaya lang ay gabi na. Tulog na ang mga katulong kaya walang magsisilbi sa amin. At ayoko rin namang mabigla si Tita Susane kapag ipinakilala ko ang ka-red-string ko. Dapat well-prepared ang lahat para romantic.

Hinawakan niya ang kamay ko at nilaro ito. "Magbi-video call kaagad tayo pag-uwi ko," aniya.

"Of course!" Sabay palo ko sa dibdib niya. Medyo napahiya ako, bigla kasing lumabas ang natatagong kalandian ko.

"Hindi pa ako umaalis pero miss na kita," natatawang aniya. Bigla niya akong hinalikan sa labi na ikinabigla ko. Mulat na mulat ang mga mata ko kahit alas-kuwarto na ng madaling araw. Lalo tuloy nagising ang diwa ko! "Ito ang mahabang travel na pinakana-enjoy ko."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung ano ang ka-enjoy-enjoy sa pagsakay namin sa bus. Kung alam lang niya, sobrang nainis ako sa kaibigan ng driver dahil panay tawag ng mga pasahero. Tapos pinalakad pa kami nang malayo dahil hindi sila mismo tumigil sa sakayan ng tricycle. Bad trip ang experience na ito.

"Mag-ingat ka pauwi. Mag-taxi ka na lang, ah?" sabi ko.

"Doon ako sa mas makakatipid," aniya.

"Mas mahalaga ang oras kaysa sa pera. Kaya doon ka sa mas makakauwi ka kaagad," I corrected him.

Pilit ang ngiti niya, parang hindi pa siya kumbinsido. "Sige, mauna na ako."

"Sino 'yan?"

Sabay kaming napatingin sa likuran ko. Si Tita Susane pala. Nakasuot pa siya ng sleeping dress at slippers.

"Seth Ventura po, ma'am." Sabay yuko niya bilang paggalang.

"Tama ba ang ganitong oras ng uwi?" Taas-kilay na tumingin sa akin si Tita. Bumabalik na naman ang kasungitan niya. Hays. Di bale, sino ba naman kasi ang matutuwa e 4 a.m. na. "Sana umaga na lang kayong bumiyahe. Delikado ang ganitong oras."

Umuwang ang bibig ko. Tama ba ang narinig ko?

Hinawakan ako ni Tita Susane sa isang kamay at hinila papasok sa loob. "Matulog ka na, anong oras na."

This is weird but this is freaking sweet! Feeling ko tuloy, parang nananaginip lang ako.

***

PAGKAPASOK ng kuwarto, agad akong sumalampak sa kama. Hinagis ko lang kung saan ang red sandals and shawl ko. Nagmumuni-muni ako sa kisame nang biglang mag-vibrate ang cell phone ko.

From: Sandro

May regalo ako sa 'yo. Pinaakyat ko d'yan sa kuwarto mo. Good night, Ona. I missed you so much.

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon