Chapter XVI

80 18 50
                                        

SABI ni Kuya Erick, tuwing Linggo umuuwi ng probinsya si Seth. Kaya ngayon, pupunta rin ako roon para malaman kung paano ko matitigil itong red string na ito. May bahagi pa rin sa akin na in denial—hindi ko matanggap na siya ang ka-red string ko. Gwapo naman siya, mabait pa. Pero kung talagang soulmate ko siya, bakit ganoon? Bakit siya pa?

First time kong pumila sa bus station sa Cubao papuntang Pangasinan. Nauna lang sa akin si Seth sa pila, at may mahigit sampung tao ang pagitan namin. Kanina ko pa siya pinagmamasdan habang naka-disguise. Iniwan ko na ang sasakyan ko sa parking lot, at hindi ko na rin pinasama sina Ugi at Kuya Ronny—ayokong magkaroon sila ng ideya tungkol sa bahay ng ka-red string ko. Ang plano kong ito, it's between me and Kuya Erick.

Suot ko ang red curly hair extension, nakabalot sa katawan ko ang denim jacket at isang floral long dress. Naka-Prada leather gloves din ako, at syempre, hindi puwedeng mawala ang aking aviator glasses.

Pagkatapos ng mahabang paghihintay, nakasakay na kami sa bus. Sinadya kong umupo sa likuran ni Seth para malaman ko kung saan siya bababa.

"SM Rosales, sir."

Narinig kong sinabi niya ito sa konduktor, kaya ginaya ko lang.

Sa sobrang tagal ng biyahe, nakatulog ako nang mahigit apat na oras. Pagmulat ko ng mata, agad kong hinanap si Seth. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong nandito pa rin siya—nasa upuan, tahimik na nagbabasa ng libro. Kakaiba talaga siya. Samantalang 90% ng pasahero rito, it's either natutulog o nakatutok sa cellphone.

Pinilit kong huwag matulog ulit—baka maiwan pa ako. Hindi ko nga alam kung nasaan na ako, dahil first time kong pumunta sa malayo na walang bodyguard na kasama.

Pagbaba namin sa SM Rosales, sinundan ko siya nang hindi niya napapansin. Sumakay siya ng tricycle, kaya sinubukan kong pakinggan kung saan siya bababa, pero sobrang hina ng boses niya. Dahil hindi ko ito narinig, inutusan ko na lang ang tricycle driver ko na sundan siya.

Nag-abot ako ng limang daang piso matapos.

"Barya lang sa umaga, madam!" sabay kamot sa panot niyang ulo.

"Keep the change."

"Ano ulit 'yun, madam?"

"Sabi ko, sa'yo na ang sukli!"

Gulat na gulat ang mga mata niya. Iniwan ko na siya at sinimulang sundan si Seth.

Pumasok siya sa isang malaking bakuran na may maraming bahay. Tatlong bata at limang askal ang sumalubong sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang screen para matiyak kung sila nga ang nasa pictures.

Krizza, 11 years old. Christina, 14. Vanessa, 15.

Sunod-sunod na babae ang mga bunso nila.

Tuwang-tuwa silang lahat nang makita ang kuya nila, parang hindi nagkita ng ilang taon. But what would I expect? They're kids.

Pumasok sila sa loob, kaya hindi na ako lumapit. Tumahol kasi sa akin ang mga aso nilang halatang protective. Kapag ako nascratch-an, magpapa-anti-rabies talaga ako!

Nang tingnan ko ang phone ko, 20% na lang pala ang battery. Pinatay ko na ito para makatipid. Naghanap ako ng matataguan, kaya pumuwesto ako sa ilalim ng puno para protektado sa araw. Kaso, ang init pa rin! Mabuti na lang talaga, long-lasting ang perfume ko. I still smelled expensive.

Dalawang oras akong nagtitiis sa ilalim ng araw, hanggang sa may lumapit sa aking babae.

She looks familiar...

Inabot niya ako ng baso ng tubig at nagsalita sa isang lengguwaheng hindi ko maintindihan.

"Tagalog?" tanong niya.

Onalisa's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon