Chapter 22

45 15 23
                                    

Si Seth ang driver ko papuntang Okada. At hindi ko na rin pinasunod ang dalawang bodyguard ko. Sinabi na rin kasi ni Madame Cyntai na marami siyang guwardiyang ipinadala kay Sandro para magbantay sa amin. I don't think kailangan ko pa sina Ugi and Ronny.

Nakakunot lang ang noo ni Seth habang seryoso sa pagmamaneho. Nakabibingi ang katahimikan namin kanina pa. Hindi ko tuloy naiwasang magsalita.

"May problema ba? Napag-usapan naman natin 'to. Huling beses na akong makikipag-dinner sa kanya." Tinutukoy ko si Sandro.

Kinuha ko ang kanang kamay niyang nasa steering wheel habang naka-red light pa. "Let's be honest. Naiinis ka ba sa 'kin?"

Huminga siya nang malalim at focused pa rin ang tingin sa traffic light. Gusto kong tingnan din niya ako pabalik pero ayoko namang maging demanding dahil nagda-drive siya at baka maaksidente pa kami dahil sa pagiging clingy ko.

"Hindi ako natutuwa sa suot mo. Para kang mang-aakit sa kanya."

Bumaba ang tingin ko sa aking katawan. "Black halter jumpsuit lang 'to. What's wrong with my outfit? Ito na nga ang isa sa pinaka-plain kong damit. Nakalimutan mo bang fashion icon ako? I'm popular on Instagram because of this."

"Hindi mo naman kailangang maging fashionista. Malakas ang charm mo. Kahit nakapambasahan ka lang ay maganda ka pa rin." Agad ang pagliko niya sa manibela kaya muntikan na akong mauntog sa bintana ng kotse.

"Damn it!" Napahawak ako banda sa puso ko. Mahusay namang mag-drive si Seth pero sinasadya yata niyang bilisan kaya kinakabahan ako.

"Kapag pinipilit mong ipabago ang suot ko, para mo na ring sinasabi na baguhin ko ang pagkatao ko. Is that really your intention?" Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay susuotin ko ang pajama at loose shirt na gusto niya. Hindi rin naman siya ang batas para bigyan ako ng daily uniform.

Tumigil kami sa gilid ng kalsada at tumagilid siya ng upo paharap sa akin. Nakakabagabag ang mabigat niyang mga mata. Mahirap siyang basahin, pero alam kong hindi ito maganda.

"I'm sorry. Natatakot lang ako dahil ex mo siya, e. Bakit ka nag-e-effort mag-ayos para sa kanya? Parang pinapakita mong gusto mo pa siya."

Umuwang ang bibig ko. "Sinabi ko na sa 'yo, ito na ang pinaka-plain kong damit! Wala na 'tong effort!"

"I don't think so." Nag-drive na muli siya.

Hindi ko talaga siya maintindihan.

***

PAGKAPASOK ko pa lang sa entrance ng hotel ay may dalawang lalaki na kaagad ang nag-escort sa akin. Nagpakilala sila bilang utusan ni Sandro. Halatang mamahalin ang suot nilang blazer. Sa totoo lang, mas expensive silang tingnan kumpara sa ayos ni Seth ngayon.

Bago ako sumama sa kanila ay nilingon ko muna ang boyfriend ko sa labas. Nagwo-worry ang mga mata niya. Kanina pa siyang ganyan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya tumakbo at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. "Hindi ako katulad ng mga ex mo na mang-iiwan! Maghintay ka lang dito! Babalik din ako kaagad!"

He held my hands. "I know, you're different from them."

Sumipol naman ang isa sa mga tauhan ni Sandro. Malalim ang ibig sabihin ng mga mata nila. Parang war ang nais nilang ipahiwatig. Aware naman siguro sila na ex ko ang amo nila, 'no? Kung hindi ay gulo nga ito.

Dinala nila ako sa isang enggrandeng restaurant hanggang sa iwan ako sa may pintuan. Tuwid ang pagkakatayo nila. Parang isa na rin sa bodyguard ng restaurant na ito. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. So, iiwan nila ako rito?

Bago pa ako umangal ay lumapit sa akin ang isang usher para i-escort ako sa loob.

Maraming foreigner na customer at ang mga babae ay pa-sexy-han ng suot. Agad kong naagaw ang atensiyon nila. Surprised lang naman ang naging expression nila. Widened eyes and jaw-dropped, hindi katulad sa iba na pagkakaguluhan ako at nanakawan ng pictures.

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon