Chapter 28

37 12 12
                                    

ALAS-DIYES ng gabi ay lumabas ako ng kuwarto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALAS-DIYES ng gabi ay lumabas ako ng kuwarto. Nakasuot ako ng pajamas, maluwag na T-shirt, at sandals. Pupunta ako ng tree house, umaasang makikita ko si Seth doon. I wanted to talk to him. Ang mga sinabi niya sa akin kanina, it was all true. Kahit alam niyang ikagagalit ko ang pagbibintang niya, hindi niya pa rin niya ipinagkait na sabihin ang totoo. Sapat na iyon para malaman kung sino ang dapat pagkatiwalaan ko ngayon dito sa mansion. Walang iba kundi ang taong nagsasabi ng totoo, kahit pa ikasira ng relasyon!

Nagmistulang magnanakaw ako sa paglalakad dahil nagtatago ako sa malalaking furniture. Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, tingin sa likod, yuko, stopover. Paulit-ulit lang iyon hanggang sa tuluyan ko nang marating ang mataas na pinto na hindi naman naka-lock.

Tatlong naka-yellow suit na lalaki ang naabutan kong naglalakad kaya agad akong lumuhod at nagtago sa gilid ng basurahan. Kahit pa in-assign si Seth as personal bodyguard ko, magiging suspicious pa rin kapag may nakakita sa amin na magkasama nang ganitong oras kaya I need to be careful. Wala dapat makasunod sa pupuntahan ko ngayon.

Dahil sa pagtatago ko, hindi ko sinasadya na mapakinggan ang pag-uusap ng tatlong naka-suit.

"Balita ko, binigyan ka ni Chairman ng island. Wala ka bang planong mag-asawa? Pwede ka nang gumawa ng army sa sobrang yaman mo!" Narinig ko pa ang tunog ng mga bote at naamoy ang usok ng sigarilyo.

"Kung ikasal man ako, siguradong walang tatagal sa akin sa pagtulog. Dahil lagi akong binabangungot. Sinusundan ako ng mga kaluluwang napatay ko."

"Shit, p're, ganyan din ako no'ng unang beses kong pumatay. Ano ba'ng meron sa panaginip mo?"

"Galit na galit at babalik siya para maghiganti."

"Sino 'yon?"

"Ang ka-red string ni Onalisa."

Tumaas ang mga balahibo ko at nanlamig ang buong katawan. Kung ganoon, katabi ko lang ang lalaking pumatay sa future husband ko? Ano pa ba ang ginagawa ko rito? Bakit ba nakatunganga lang ako! Narinig ko na ang totoo! Kailangan kong tumawag ng pulis! Kailangang makamit ang hustiya!

Pero paano ko nga ba magagawa iyon kung ako nga mismo, hindi makalabas-labas dito? I'm so weak. At isa pa, hindi ko kayang kalabanin si Lolo Alfonso. Hindi ko kayang sirain ang reputasyon ng pamilya namin dahil lang sa isang lalaking hindi ko naman kilala.

Dahil duwag ako.

Humawak ako banda sa puso ko at huminga nang malalim. Langit man sa unang tingin ang mansion na ito, pero huwag magpapalinlang dahil kampon ni Satanas ang mga nandirito. At isa ako sa mga kampon na iyon dahil kahit alam ko na ang totoo ay mas pipiliin ko pa ring manahimik at walang gawin.

***

NAGISING ako dahil sa sobrang init. Tagaktak ang pawis ko sa mukha. Maging ang panloob kong damit ay nababad na sa pawis. May net na nakasabit sa magkabilaang sulok ng hinihigaan ko. Kulambo yata ang tawag? Kung hindi ako nagkakamali, ang purpose ng kulambo ay para hindi ako maliparan ng insekto. May unan na rin sa ulunan ko at kutson. Umakyat pala si Seth dito? Kaya pala pakiramdam ko ay may katabi ako sa pagtulog. Well, mas okay nang tao ang katabi ko kaysa multo.

Tiningnan ko wristwatch ko. 7:30 a.m. pa lang. For sure, nag-jo-jogging na iyon katulad kahapon.

Naghintay pa ako nang limang oras dito sa treehouse bago nakabalik si Seth. Halatang bagong ligo siya.

"Sabi ko na nga, nandito ka," aniya. Sumilip siya sa bintana at tumungtong doon para kumuha ng bunga. Inabot niya sa akin ang isang apple na pinunas lang niya sa kanyang white T-shirt. Sabay kaming kumain. Halatang hindi pa siya kumakain. "Bakit dito ka natulog?" tanong niya habang tinitingnan ang higaan ko.

Wait? Ibig bang sabihin, hindi siya ang katabi kong matulog dito kagabi? Kung ganoon sino? Si Sandro?

Binilisan ko na lang ang pagnguya sa apple para malipat sana ang atensiyon sa iba, pero bigo pa rin ako! Naiinis ako kada iisipin kong si Sandro ang may gawa ng lahat ng ito!

"Onalisa, okay ka lang? Para kang natataranta?"

"How could I be okay!" Tumayo ako at hinila ang kulambo at hinagis sa bintana. Ganoon din ang ginawa ko sa kumot. 'Yong folding mattress naman ay masyadong malaki kaya susunugin ko na lang. "May lighter ka ba?"

Pero kung susunugin ko ito, madadamay rin ang tree house! Gosh! Nahihibang na ako!

"Onalisa, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Hinawakan ako ni Seth sa magkabilang braso kaya hindi ko natuloy ang pinaplano kong pagsunog. Pinagsisipa ko na lang ang mattress sa sobrang inis. "Please, magkuwento ka."

"Si Sandro, tinabihan ako rito kagabi. Siya ang nag-ayos nitong higaan ko."

"Kung gano'n, bakit ka nagagalit?"

"Dahil . . ." Alam na niya ang masamang sekreto ni Lolo kaya dapat kinamumuhian na niya ako ngayon at pinandidirihan.

"Dahil ano?" pangungulit ni Seth.

"Wala."

Umupo na ako sa lapag dahil sa panghihina. Tinabihan naman niya ako. Magkadikit ang mga braso namin at parehas nakatingin sa kawalan. "Totoo ang sinabi mo kahapon. Totoong killer si Lolo. At plano niyang ipasa ang kasamaan niya kay Sandro."

Nagsimulang pumatak ang luha ko. Natatakot ako. Mabuting tao si Sandro, pero unti-unti na siyang nagbabago dahil sa impluwensya ni Lolo. Ayokong dumating ang araw na maging mamamatay-tao na rin siya. Ayoko.

Nalalasahan ko na ang sarili kong luha. "Ialis mo ako rito. Magsama na tayo, Seth."

"Sigurado ka ba? Hindi mo magugustuhan ang buhay na meron ako."

Sincere akong ngumiti. "Gusto ko lang ng simpleng buhay."

Inilagay niya sa gilid ng tainga ko ang ilang hibla ng aking buhok. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kanyang daliri. Hinalikan niya ako sa gilid ng aking mata, sa pisngi, at tungki ng ilong bago ako tinitigan sa mga mata. "Then I will give you my simple but a happy life."

Happy life? Ito ang matagal ko nang hinahanap. Hinalikan ko siya sa labi habang umaagos ang luha ko. "Kung gano'n, pekein natin ang pagkamatay ko."

"Huh?" Humiwalay siya sa akin para matingnan ako.

"Seth, ito lang ang paraan para hindi tayo mahanap ni Lolo at para matigil ang kasal namin ni Sandro. Faking my death is the only way."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon