Chapter 7

68 22 50
                                    

Taas-noo ako habang naglalakad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Taas-noo ako habang naglalakad. Nakasuot ako ng mahabang blue T-shirt na hanggang puwetan ang laylayan at pajama na kulay black. Ngayon lang ako nakapagsuot ng ganito ka-baduy na damit. Mabuti na lang ay may nahiraman ako, at mabuti na lang din ay mahusay ako pagdating sa fashion.

I was wearing a four-inch heels, black necklace, and earrings. I also put light makeup. And tiniklop ko rin ang dulong bahagi ng pajama ko para mas umigsi. Kung hindi ko gagawin ito, magmumukha akong manang.

Pagkababa ko ng elevator ay marami na kaagad nakakilala sa akin. Tinuturo nila ako sa kasama nila at may ibang kumuha sa akin ng larawan. Mabuti na lang ay kakaunti pa ang tao dahil alas-siyete pa lang ng umaga. Sana hindi maulit ngayon ang nangyari sa akin kahapon sa Robinson. Medyo nakakadismaya, ang daming nawalang gamit sa akin. Hindi ko alam kung ninakaw o nahulog lang.

Umupo ako sa pang-isahang stool. Ang dalawang bodyguard ko ay nasa malayo at pasimpleng tinitingnan ako. Twelve years old pa lang ako ay kasa-kasama ko na sila. Dati ay lima ang bodyguard ko at dalawang katulong na laging kasama. Ilang beses kasi akong na-kidnap at naligaw. Paano, kung saan-saan ako pumupunta at minsan ay tinatakasan ko pa sila, kaya dumami nang husto ang bantay ko. Naging maluwag na lang sa akin si Daddy noong nag-homeschooling ako and naging boyfriend ko si Sandro.

Speaking of my ex, he never texted or called since I broke up with him. Masakit iyon, sa totoo lang, dahil sabi niya, hindi niya ako hahayaang mag-decide if galit ako. Pero bakit niya tinanggap na wala na kami? Bakit hindi niya ako hinabol? Bakit hindi niya ako pinigilan sa gusto kong mangyari?

May pagkakataong napapaisip ako kung buhay pa ba siya or nagmo-move on lang. But that was impossible. He never loved me kaya hindi niya kailangang mag-move on. Kung tutuusin, I diverted my attention on other things para makalimutan ko siya. And hindi ko alam na ganoon lang kadali iyon. Simula nang mag-focus ako kay Seth, parang buhangin na lang si Sandro sa puso ko.

Kaya ang inaakala kong masakit, hindi naman pala. Iniisip ko pero hindi siya big deal. Parang tusok lang ng karayom ang breakup namin, mild hurt lang.

Ayos lang kahit mukha akong tanga sa paghahabol kay Seth. Mas okay na ito kaysa isipin ang taong akala mo, minahal ka, pero hindi naman pala talaga. Mas maganda pa rin ang pagiging tanga sa pag-ibig kaysa bobo sa lahat. Dahil kapag tanga ka, you're aware of your own mistake pero choice mong piliin 'yon. Pero kapag bobo, ibang tao lang ang makakapagsabi sa iyo niyan. At alam ko, naging bobo ako sa pagsasama namin ni Sandro. At ngayon naman, nagpapakatanga ako sa ibang tao. Alam ko at choice ko.

"Ma'am, 9 a.m. na po. May request na food ka po ba para sa breakfast?" tanong ni Ugi.

Umayos ako ng pagkakaupo ko. Wala pa rin si Seth, dalawang oras na. O, di ba? Ako na talaga ang nagmumukhang tanga rito kahihintay. But again, it was fine. Choice ko nga kasi.

"Bumili na kayo ng sa inyo. I can handle myself."

"Sige po, ma'am." Yumuko siya at nagtungo kay Ronny.

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon