Chapter 29

46 14 19
                                    

"OMG! Onalisa!" Sinakal ako ni Vanilyn ng yakap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"OMG! Onalisa!" Sinakal ako ni Vanilyn ng yakap. Halos mabilaukan na ako dahil kasusubo ko lang ng pancake. "Congrats at may baby ka na! I'm so happy dahil si Sandro ang pinili mo! Alam ko naman kung gaano ka kabaliw sa kanya dati pa!" mangiyak-ngiyak nitong sabi. Ako, baliw? Talaga ba? Tsk.

Sunod naman na dumating ay si Liam Sand. Tiningnan ako nito nang may nalilitong mga mata. "Paano ako naging best man?" Nakasuot siya ng eyeglasses. Inalis na niya ang contact lens niya. Bumabalik na rin siya sa pagiging nerd, pero sana mapanatili niya ang muscles niya sa katawan. Hindi kasi talaga bagay sa kanya ang patpatin. He looked like a loser before.

Ililigpit ko sana ang hawak kong plato nang harangin ako ng dalawa katulong. "Ako na po, ma'am."

"Hindi naman siguro mababali ang kamay ko sa pagbuhat ng isang plato, 'di ba?" Medyo mataas ang boses ko.

Napansin kong nanginignig ang mga maid. "Sorry po, pero kasi baka makita ni ano . . ."

"I'm not qualified to become a wife if I can't wash my plate," simpleng paliwanag ko.

Umawang lamang ang bibig nila. Si Vanilyn naman ay nagtanong kay Liam if totoong best man siya sa kasal.

"Liam, ayokong makasabay ka sa aisle! I'm the maid of honor and you're the best man! And this is crazy!"

"Hindi naman tayo ang ikakasal. Don't be delusional, Van."

"'Sus! Kahit na! Ayoko pa rin! Ang pangit sa eyes!"

"Ayoko rin naman."

"BFF, please do something!"

Nakangiting umiling lamang ako bilang tugon.

Naghuhugas ako rito sa may lababo habang nasa gilid ko naman ang mga katulong at pinanonood ako. Kahit saan ako pumunta, laging may nakabuntot sa akin na katulong o bodyguard man. Naging istrikto sila sa akin simula nang babaan ako ng video call ni Lolo.

Nang matapos akong maghugas ay nagtungo na kami sa mini living room kung saan may fireplace. Dalawang sofa na may pa letter C-shape ang magkaharap sa isa't isa habang may dalawang lamesa na maliit naman ang nasa gitna nito. Umupo na ako at tumabi naman sa akin si Vanilyn. Si Liam naman ay nasa tapat ko.

Humarap ako sa dalawang katulong na nakabantay pa rin sa gilid ko. Gosh! Parang mga linta.

"We want privacy. And please call my . . . ugh, husband."

"As you wish, madame." Yumuko sila at umalis.

"Ona, 'di ba, ang trabaho ng best man ay tulungan ang maid of honor? E lahat ng suhestiyon ko ay hindi niya pinapansin! Please, change your best man kasi hindi naman siya best sa akin!"

Umiling lamang ako. Sumakit yata ang ulo ko.

"Don't worry, Vanilyn. Nandito lang ako para kuwestiyunin ang bride at groom kung bakit ako naging best man." Tumingin sa akin si Liam at naghintay ng paliwanag ko. "You never like to see me here or even in your wedding, unless you want something from me."

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon