Onalisa Gwen is the prettiest and wealthiest in her generation. Her father is a founder of a great company, her uncle owns the hospital, as well as her grandfather is the Chief Executive officer of the top real estate company in the Philippines.
No...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nasa isang buffet tent garden ako ngayon. Kadalasan ay one month prior the event ang reservation para makapasok ka sa enggrandeng restaurant na ito pero isang gabi lang ay nai-book na ito ng secretary ko. Fifty tents lang ang meron sila. Malaki ang sakop na lupa. For romantic dates and family dinner ang tinatanggap nila. Mas malaki ang price rates kapag gabi kumpara sa tanghali. Puno kasi ng ilaw sa gabi. At pwede ring sakupin ang labas ng tent. Unlike sa tanghali, bawal dahil mainit at maraming tao.
Nang makapasok kami sa loob ng restaurant ay sinalubong kaagad kami ng staff doon. Ngiting-ngiti sila, parang nakakita lang ng diamond katulad ng suot ko.
"Ma'am, we reserve your table in a luxury tent and we've sent our best chef here in Baguio! We lined up hundreds of our classic wines in your cabinet. You can drink any of it. But strictly no leftovers and take-outs." Nagsimula na kaming maglakad. Namangha kaagad ako sa dami ng tent. May maliliit, may malalaki. Pero iyong doon sa dulo kung saan kami patungo ay halos kasinlaki ng lobby nila.
"Ikaw po ang second customer namin dito," pag-amin sa akin ng manager nila.
"Sino ang nauna?" taas-kilay kong tanong. Gusto ko sanang ako ang first para maging historical ang pagpunta ko rito.
"Owner po namin ang una."
"So, ako ang first customer?"
"First VIP."
Nagkibit-balikat lamang ako at itinago ang ngiti sa labi ko. Not bad. Malayo-layo rin ang nilakad namin bago nakarating sa Ocean Queen—pangalan ng tent.
"As you requested, ma'am. Wala po kaming in-assign na waiter sa loob. Pero pwede mo pong pindutin ang bell sa side table if kailangan mo ng assistant. And 'yong chef po namin, tutok lang po sa signal mo."
"Thanks."
"Enjoy po sa date ninyo. Kanina pa siya nandoon."
Ngumiti ako. Pumasok na ako sa loob. Natanaw ko kaagad si Seth na hawak ang cell phone.
"Tinatawagan kita," aniya.
"Iniwan ko sa bodyguard ko ang cell phone ko. Nasa sasakyan sila."
Tumayo siya at sinundo ako sa dulong bahagi ng tent. Habang naglalakad siya, napansin ko kaagad ang suot niya. Mukha siyang elite sa suot niya ngayon. Bagay sa kanya ang red tuxedo. Naka-clean cut din at nakatayo ang tuktok ng buhok.
Hinila niya ang isang iron stool para may maupuan ako. Pagkaupo ko ay natataranta siyang bumalik sa puwesto niya at kamuntikan nang matapon ang tubig sa gilid.
"Are you drunk?" tukso ko.
"Malapit nang malasing . . . kakatitig sa 'yo,"biro niya na may kasamang tawa. "You're drop-dead gorgeous, Ona."
Pinalo ko siya sa balikat at nakitawa na rin. Unti-unti kaming natahimik at nagkatinginan sa labi ng isa't isa. Mabilis at mainit ang pagtibok ng puso ko. Hindi pa pala nasusundan ang first kiss namin. Kung sasagutin ko siya ngayon, for sure, may part two na.