Chapter 34

52 10 7
                                    

PAGKABABA NAMIN ng bus ay bumulaga kaagad ang SM sa aming harapan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAGKABABA NAMIN ng bus ay bumulaga kaagad ang SM sa aming harapan. Akala ko, kakain kami rito sa loob or mamimili ng damit ko, iyon pala ay doon kami sasakay sa terminal. Medyo nadismaya lang ako. Huling kain ko pa noong nasa Cowboy Grill kami at tumikim lang ako ng sisig. Pero itong pitong oras na biyahe namin, itinulog lang namin.

"Doon tayo kakain sa bahay. Masarap magluto si Nanay," aniya na parang nabasa ang nasa isip ko. Napanguso lamang ako.

Nililipad ang buhok ko papunta sa mukha ni Seth dahil sa hangin. Itinali niya ito gamit ang kamay. Tumawa lang ako sa isipan ko kung paano siya mag-react sa buhok ko. Kasalanan naman kasi talaga ito ng driver, ang bilis-bilis mag-drive. Akala mo naman, hindi babayaran.

Iyong driver ang may control sa motor at nasa likuran niya ang isang pasahero. Nakasakay kami rito sa isang three-wheeler cart. Ito ang madalas na makita kong sasakyan sa maliliit na daanan. Ugh, I didn't what's it called. Baku-bako ang daanan kaya naman ang ulo ko ay kusang tumatango at ang puwet, mapapa-ouch ka na lang dahil sa matigas na upuan.

Habang nasa loob kami ng three-wheeler cart, napansin kong maraming mga gradeschool student ang naglalakad sa gilid ng kalsada. Nagtatawanan sila, may nagbabatukan, at meron ding naghahabulan. Ginigisa na sila ng init sa labas, plus iyong usok ng mga sasakyan ay nalalanghap nila. Kaya naman pala ang iitim nila dahil sa araw, tapos ang dudungis dahil sa usok.

"Seth, bakit may mga magulang na hinahayaang maglakad ang mga anak nila sa ganito? Tingnan mo, ang babata pa nila." Kaunti na lang, maiiyak na ako. Hindi naman sa pagiging OA pero nakakaawa talaga sila. Paano kung sa ganyan ako pinalaki? Hindi maaari! Mas pipiliin ko na lang na hindi mapunta sa mundong ito kung maghihirap lang din ako nang ganyan. Napakadelikado kaya sa kalsada! Mamaya, may lasing na driver tapos na-hit and run sila or ma-kidnap. Di ba, uso ang ganoon? Wala pa namang CCTV sa lugar na ito at mukhang malayo ang police station. Kaya maraming bad guys ang maglalakas-loob na gumawa ng masama sa ganitong lugar.

"Hindi sila mahal ng magulang nila," dugtong ko pa.

"Ona, hindi sa ganyan ang batayan ng pagmamahal. Sadyang kapos lang sa pera," aniya na papikit-pikit pa. Bakit parang puyat na puyat yata siya?

Nag-cross arms ako. I disagree! Marami akong mga naging kaibigang mayaman na nagsimula sa wala ang kanilang mga magulang. So, ano'ng pinagkaiba n'on sa iba?

"Nasusukat ang pagmamahal sa perang inilalabas mo. Tingnan mo si Daddy. Sobrang mahal ako kaya sa akin pinamana ang lahat ng kayamanan niya sa Pilipinas. Kung kapos sila sa pera, e di sana, hindi na lang muna sila nag-asawa! E simpleng kaligtasan lang, hindi nila maibigay. Araw-araw ba naman na sa threat ang buhay ng mga anak nila? Paano sila nakakatulog nang mahimbing niyan?" I rolled my eyes na parang si Seth ang pinagsasabihan ko. Minsan, hindi ko talaga makontrol ang bibig ko kapag wala ako sa mood.

"Kaya pahirap nang pahirap ang bansang Pilipinas, dahil kinulang sa family planning, hmp!"

Medyo bumagal na rin ang pagda-drive ni Manong driver, nakikinig yata. Aba! Attidude si Kuya? Hindi siya binayaran para mag-eavesdrop, 'no!

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon