Chapter 27

50 12 6
                                    

MAHIGPIT ang hawak ni Sandro sa kamay ko kaya mabilis na bumakat ito nang bitiwan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAHIGPIT ang hawak ni Sandro sa kamay ko kaya mabilis na bumakat ito nang bitiwan niya. Nandito kami sa tapat ng isang kuwarto at may pinindot siyang password kaya automatic na nagbukas ang pinto.

Bigla akong kinilabutan. Nasa kuwarto na naman kami. May galit siya kay Seth, at posibleng galit din siya sa akin. Mauulit ba iyong sa five-star hotel? Sa ganitong paraan ba niya gustong gumanti?

OMG! Akala ko ba, gagawin lang niya ito kapag kasal na kami? Bumaba ang tingin ko sa damit ko. Isang black tube top na may brand ng H&M. 3,000 ang presyo nito!

Hindi ako makakapayag na manira ulit siya ng damit ko! Hindi na ako nagdalawang-isip tumakbo. Nakakailang hakbang pa lang ako nang mahawakan niya ang isang kamay ko at hinarap sa kanya. Ramdam ko tuloy na para akong nasa Wrong Turn movie na biglang nahuli ng cannibal. Kakainin kasi niya ako mamaya.

"Sandro, ayoko nga sabi! Please! Akala ko ba, maghihintay ka!"

Kumunot ang noo niya. "Ano'ng pinagsasasabi mo?"

"Huwag kang magtangka na gahasain ako sa pamamahay mismo namin! Wala kang hiya! Alam mo ba iyon?" Sakto namang may dumaan na isang katulong at natatawa nang lagpasan kami.

Hinawakan niya ang baba ko para mas makatingin sa kanya. "Nandito tayo sa office ni Chairman. Gusto niya tayong maka-video call. Huwag ka ring mag-alala, hindi ko magagawa iyang iniisip mo dahil tatlo ang CCTV rito. Wala tayong lugar." Napakagat siya sa ibabang labi dahil sa pagpipigil ng tawa. "At wala ring kama, maliban na lang kung gusto mo sa sofa. pwede ba?"

Gago talaga.

Sinuntok ko siya sa dibdib kaya nagpakawala lamang siya ng malakas na tawa. Kung si Seth ay ang sarap titigan kapag tumatawa dahil sa itsura, si Sandro naman . . . bakit ang sarap pakinggan ng boses niya? Siguro maganda ang boses niya kapag umawit.

Titig na titig ako sa kanyang mga mata. Please, tumawa ka pa.

Tumigil na siya sa pagtawa at nagtatakang napatitig sa akin. Agad akong umiwas ng tingin.

"Namumutla ka," aniya.

Tiningnan ko na lang ang sinasabi niyang sign wall sa may pintuan. Nakasulat doon ang 'CCTV in operation.' Bakit hindi ko man lang ito kaagad napansin e nasa gilid lang naman ng pinto? Nakakahiya. Siguro, iniisip nito, puno na ng kaberdehan ang utak ko. Paanong hindi ko maiisip iyon e nagawa na namin iyon nang halfway na? Muntikan nang may mangyari dahil akala niya, nagawa na namin ni Seth iyon. Tsk. I'm still eighteen years old, 'no!

Pumasok na kami sa loob. Saktong pagpasok namin ay saka naman bumukas ang mga ilaw at iyong dalawang air con. Malaki ang office, katumbas nito ang dalawang kuwarto ko sa bahay namin. Mahigit sampung glass cabinet ang nakahilera at nasa loob ang mga nagkakapalang libro. Nakuha ng atensiyon ko ang isang libro na may pamagat na 30 Lessons For Living by Karl Pillemer, Ph.D. Tumingkayad ako para maabot ito at binasa.

Onalisa's Fate [soon to be published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon