This Unrequited Love 1

164 3 2
                                    


******

Excited na ako! Pupunta na ulit kami sa bahay ni Kuya Ashton! Yehey! Yehey!

Buong araw akong nakangiting parang t*ng*. Paki nyo ba? Masaya lang ako eh.

"Hoy, Ninako. Tumigil ka na nga sa kakangiti dyan. Para ka nang timang." Tumingin agad ako kay Dylan ng masama.

Ako si Ninako Panghulan. Weird ba ang pangalan ko? Mahilig kasi si Mommy sa japanese name, kaya yan! Ninako ang pinangalan sakin. 20 years old na ako, kakatapos ko lang sa pag-aaral at naghahanap ako ng trabaho ngayon. At ito namang asong kasama ko ay si Dylan Martinez, ang bestfriend ko since highschool 3rd year. Naging close kami dati dahil nagpapatulong syang manligaw sakin sa dating bestfriend kong ahas na impakta pala. Naging sila dahil talande talaga ang babaeng yun. Nag-break naman sila dahil nalaman ni Dylan na ahas na impakta ang babeng yun at tinu-two time pala siya. Simula nun kami na ang laging magkasama.

At lokong to! Hindi ba nya alam na sagabal na sya sa aking pangangarap?

Inirapan ko lang sya at inisip si Kuya Ashton. Ayiee! Kinikilig ako. Hahahaha!

"Hoy, Ninako. Kinakausap kita. Hoy! Tumigin ka nga sakin. Hoy! Oy! Oy! Aish!"

Parang wala akong naririnig dahil sa kabog ng puso ko habang iniisip ko si Kuya Ashton. Ayieee! Kinikilig ako. Ano ba!

Ang gwapo nyang mukha. Ang kalmado nyang boses. Ang---

Nabigla ako ng biglang bumaliktad ang paningin ko. Binuhat pala ako ni Dylan na parang sako. Walanghiyang to!

"Hoy! Dylan ibaba mo ako. G@g* ka!" Sabi ko sa kanya habang pinagsusuntok sya. G@g* to!

"Aray! Hoy! Tumigil ka nga! Ayaw mo kasing--aray!" Hindi pa rin ako natigil sa kakahampas sa kanya nag bigla nya akong binaba at binuhat ulit.

Bridal style naman.

"Hoy, Dylan! Ano ba ang gnagawa mo?! Ibaba mo na ako! Now na!" Utos ko sa kanya pero parang wala syang naririnig.

Akmang susuntukin ko sana ulit sya ng may narinig akong nag-uusap. "Mga kabataan talaga ngayon, busying-busy nang maglandian."

What?! Anong landian? Eh bestfriend ko kaya to! Mga bwisit na to! Hindi kami naglalandian! Aba!

"Ang pogi naman nung lalaki. Sayang! Taken na sya. Pero bagay naman sila ng girl. Pag-nagkaanak siguro sila, maganda at pogi rin diba?" Sabi nung mga babaeng nag-uusap.

At ano daw?! Bagay?! Anak?! What the hell?! Nasapian na ba ang mga tao ngayon?!

Napatingin naman ako sa kasama ko. At ang loko! Ang lapad ng ngiti!

Tuwang-tuwa siguro at sinabihan syang gwapo. At saka HELLO?! Hindi po siya gwapo, mukha siyang pugo. Duh!

"Hoy Dylan, ibaba mo na ako pagka-bilang ko ng 5, kundi sisipain ko yang pagmumukha mo!" Pananakot ko sa kanya.

"O sige na. Oh! Baba na!" Napangiti naman ako. Sa wakas makakababa na ako.

Akmang ibaba na sana nya ako ng bigla nya ulit akong binuhat na parang sako. At parang kabayo lang kung tumakbo.

Shet ka, Dylan!

~*~

"Oo na nga. Sorry na. Napasarap lang naman ang pag-buhat sayo. Ang gaan mo kasi, parang baby." Sabi nya sakin habang nakaapak ako sa dibdib nya.

"Heh! Tumigil ka nga dyan! Napag-kamalan kaya tayong mag-syota. Loko ka!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa park, habang sya nasa slide nakahiga at nakaapak ang paa ko sa kanya.

This Unrequited Love (short story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon