This Unrequited Love 22

12 0 0
                                    

******

This. Is. Akward.

Napatingin ako sa mga kasama ko at pansin kong tahimik silang lahat.

Nilipat ko naman ang tingin ko kay Dylan, nakita kong seryoso siyang nakatingin sa labas. At hinawakan ang kamay ko na sobrang higpit na parang natatakot siya na anytime mawawala ako sa tabi niya.

Tiningnan ko naman si kuya Ashton na tahimik lang na nagdra-drive, pansin ko na nasa bad mood siya ngayon. Pero bakit?

Tumingin naman ako kay Christine at nakita kong nakatingin lang din siya sa akin. 'Anong meron?' I mouthed at her. Nagkibit balikat lang siya at umiling-iling. Hindi niya rin alam.

Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa labas. Paano nga ba kami napunta sa ganitong sitwasyon?

*Flashback*

"Sasama pala kayo." Nakangiting sabi ni Christine sa akin nung nasa may tapat siya ng pintuan ko. Lumapit naman siya sa akin at tinulungan akong mag ayos ng gamit ko.

Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti. "Ano ka ba, malamang kasama kami. Family outing to, diba?" Natatawang sabi ko sa kanya.

Nagtataka naman siyang tumingin sa akin. "Family outing?" Kumunot ang noo niya at umupo sa may kama. "Sinong may sabi sayong family outing to?"

"Huh?" Napatingin ako sa kanya. "Hindi ba?"

Tumawa siya ng mahina. "Hindi!"

Napaupo na rin ako sa kama ko katabi niya. "Eh ano?"

Ngumiti naman siya sa akin. "Wedding photoshoot namin ni Ashton." Nahihiya niyang sabi.

Medyo nabigla naman ako doon. At nagtaka naman ako sa sarili ko kung bakit wala na akong nararamdamang sakit sa narinig ko.

Hindi ko na ba mahal si kuya Ashton?

Napailing na lang ako sa naisip ko. Tumingin na lang ulit ako kay Christine. "Hindi ba kami makakaabala sa inyo?" Nahihiya kong tanong.

Ang baliw talaga ng nanay ko. Wala man lang sinabi sa aking wedding photoshoot ang pupuntahan namin at eepal lang kami ni Dylan dito.

"Hindi ah!" Sabi niya. "Mas maganda nga na marami tayo. At gusto rin ng matatanda na magbonding daw ang dalawang couples. Ang ikakasal at ang bagong magkasintahan."

Namula naman ako.

Malakas ang pakiramdam ko na si Mama ang may pakana nito.

"Buti naman nagbati na agad kayo." Napabuntong hininga siya. "Sobra kang naging misirable nung umalis siya eh."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Mahal mo talaga siya, ano?" Nakangiti niyang sabi sa akin.

Napatahimik na lang ako sa sinabi niya. Pero dahan-dahan ko pa ring tinango ang ulo ko para hindi sila magduda.

"Ayiiee." Kinikilig na sabi ni Christine saka tumawa ng mahina. "Sige, aalis na muna ako, Ninako." Sabi niya bago siya umalis sa kwarto ko.

Napabuntong hininga ako.

'Mahal mo talaga siya, ano?'

Palagi akong hindi makapagsalita pag may nagtatanong sa akin na ganyan.

Sinarado ko na naman ang zipper ng bag ko dahil tapos na akong mag-ayos ng gamit ko. Kukunin ko na sana ang bag ko at bubuhatin nang may mga kamay galing sa likod ko na umagaw nito mula sa akin.

Napangiti na naman ako agad. Lumingon ako at nakita ko si Dylan na ngiting-ngiti sa akin habang nasa likod niya ang malaki niyang backpack at hawak-hawak naman ng kabila niyang kamay ang bag ko.

This Unrequited Love (short story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon