This Unrequited Love 13

18 0 0
                                    

******

Matapos ang nangyari kanina, parang nabunutan ako ng tinik sa puso ko. Parang nawala bigla yung paninikip at mas gumaan na ang pakiramdam ko. Syempre medyo masakit pa rin para sakin na hindi niya talaga kayang ibigay ang pagmamahal niya.

Pero ngayon nararamdaman ko na nagiging okay na ako. Na unti unti nang nawawala amg sakit. Na konti na lang sasaya na ako. Magiging okay na ang lahat.

Habang nakain, nag-uusap na kami ni kuya Ashton. Sa isang tabi ko na rin siya umupo habang sa isang tabi ko naman si Dylan. Pero ang nakakapagpakaba sakin kanina ay ang hindi pagsasalita ni Dylan. Nakahawak lang siya sa kaliwang kamay ko habang ang kaliwang kamay niya ang pinangsusubo niya. Buti nga hindi napansin ni kuya Ashton na naghoholding hands kami sa ilalim ng lamesa.

Pero bakit nga kaya hindi nagsasalita si Dylan? Kanina naman ang lively niya. Nanunuod kami ngayong dalawa sa tinutuluyan ni Dylan dito. May maliit na flatscreen TV kasi dito. At hanggang ngayon, wala pa ring imik si Dylan. Nakasandal lang siya sa balikat ko habang hawak hawak niya ang isa kong kamay.

Hindi man lang siya ngumingiti. Nakatingin lang siya ng seryoso sa TV. Kung nagkakaroon lang ng laser sa mata ang mga tao pag mukhang galit, paniguradong kanina pa may butas itong TV hanggang pader siguro.

Kailangan ko nang magsalita. Tinatakot na ako ng pagiging tahimik ni Dylan. Ayoko rin ng tahimik na Dylan. Mas sanay ako kung masiyahin at madaldal siya.

"Dylan?" Pagtawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin. "May problema ba? Kanina ka pa tahimik simula nang bumalik ka sa hapag kainan."

Tiningnan lang niya ako ng matagal hanggang sa binalik na niya ang tingin niya sa TV. Hinintay ko siyang magsalita at baka pinag-iisipan pa niya ang sinasabi niya. Pero halos nakakalhating oras na ata at wala pa ring sinasabi si Dylan. I snapped.

"Dylan, kung ayaw mong sagutin ang tanong ko kanina, aalis na lang ako." Madiin kong sabi.

Hinintay ko ulit siyang magsalita pero wala talagang lumalabas na kahit ano sa bibig niya. Nainis na ako. Tumayo na ako at dumiretso sa pintuan niya. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang nagsalita na siya.

"Nakakainis lang kasi na nagagalit ka sakin kung may yayakap saking iba habang may niyayakap ka rin namang ibang lalaki." Rinig na rinig sa tono niya ang pagkainis.

Napalingon ako sa kanya. "Iba naman kasi ang sa inyo! May malisya yun."

"Eh ang sa inyong dalawa wala?" He scoffed.

"Malamang! Pinsan ko si kuya Ashton!"

"Na mahal mo! Pinsan mo man o hindi, hindi mo maitatanggi sa akin na mahal mo naman siya, diba? Sampung taon mong iningatan yang pagmamahal na yan sa kanya kaya may malisya yun! May malisya ang pakikipagyakap mo sa kanya dahil hanggang ngayon nasa kanya pa rin ang puso mo at hindi ko alam kung makukuha ko pa ba ang puso mo! Pucha!" Sigaw niya. Tumigil siya saglit saka huminga ng malalim at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri niya.

Napatingin ako kay Dylan. Kitang kita sa mukha niya ang sakit. Nanikip naman ang dibdib ko. Lumapit ako sa kanya at muling umupo sa tabi niya.

"Dylan." Hindi niya ako tiningnan. "Wala na talagang malisya yun. Ginawa lang naman yun ni kuya Ashton para patahanin ako, wala nang ibang feelings maliban dun. Tsaka tungkol sa puso ko? Feeling ko malapit mo nang makuha yun kay kuya Ashton. Dahil unti unti nang nababawasan ang feelings ko sa kanya. Malapit na." Nakangiti kong sabi sa kanya as I gently touched his face.

Tumingin naman siya sakin. "Pero paano kung bigla ka niyang mahalin? Ipagpapalit mo ba ba ako?" Natatakot niyang sabi saka hinawakan ang kamay ko sa may mukha niya.

Ngumiti lang ako sa kanya at niyakap ko siya. "Hindi. Kahit kailan hindi kita ipagpapalit sa kanya." Naramdaman kong ngumiti rin siya at binalik ang yakap.

***

Mas naging sweet sakin si Dylan simula nung nag-away kami tungkol kay kuya Ashton. At syempre, simula rin nun feeling ko mas napalapit na ako kay Dylan. Konti na lang siguro, mahuhulog na talaga ako sa kanya dahil sa totoo lang, hindi mahirap mahalin si Dylan. Ang bait niya, sweet, gentleman minsan, at masayang kasama.

Hindi na talaga ako magsisisi sa naging desisyon ko na piliin si Dylan.

"Ninako, tapos ka na bang mag-ayos kanina ka pa dyan ah?" Tanong ni Dylan sa labas.

"Teka lang. Isusuot ko na lang ang sapatos ko." Sabi ko habang inaayos amg strap ng heels ko. At nang sa tingin ko ay maayos na, tumayo na ako at sinalubong si Dylan na nasa may tapat lang ng pinto ko.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti lang siya at nauna nang maglakad pababa. Napasimangot ako. Wala man lang ba siyang sasabihin sa suot ko?

Sumunod na lang ako sa kanya pababa at doon ako sinalubong nina Mama. "Ngayon na ang reunion niyo?" Tanong niya.

"Opo. Baka nga po pala gabihin kami kaya pahiram ng susi ng bahay." Sabi ni Dylan kay Mama. Kinuha naman agad ni Mama ang susi sa may bag niya at inabot ito kay Dylan.

"Mag-ingat kayo, ha? At Dylan, pakibantayan nga itong si Ninako at baka biglang may manligaw sa kanya doon. Para sa akin, ikaw lang ang nararapat sa anak ko." Namula naman ako bigla sa pinagsasabi ni Mama at tumawa na lang si Dylan.

"Mama!" Nahihiyang sigaw ko.

"Bakit ba? Eh sa gusto ko si Dylan para sayo." Humarap naman siya kay Dylan. "Kailan mo ba balak magkanobya, Dylan? Pwedeng pwede si Ninako oh, para hindi ka na mahirapang maghanap." Sabi ni Mama with matching pagtulak pa kay Dylan papunta sakin.

"Mama, ano ba!" Pulang pula na ako, panigurado. At tinawanan lang naman ni Dylan ang sinasabi ni Mama. Tingnan ko siya ng masama. Nginitian niya lang ako.

Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit ayokong sabihin na kami na ni Dylan ay dahil nina Mama. Gustong gusto kasi nila si Dylan at pag nalaman nila ito ay maging sobrang excited nila to the point na maghahanda na ahad sila ng plano sa kasal. Nakakahiya yun.

"Mama, aalis na po kami." Sabi ko kay Mama sabay kinuha ang kamay ni Dylan at hinigit siya palabas. Pero bago pa kami makaalis nakarinig na naman kami ng sigaw kay Mama.

"Ganyan nga, anak! Ang sweet niyo!! Kyaaah!" Tili niya at napatawa naman ng konti si Dylan.

Napasapo na lang ako sa noo ko. Ugh, si Mama talaga. Nang makalabas na kami ay agad akong pumasok sa sasakyan ni Dylan at ganun rin naman siya.

Inistart na niya ang sasakyan pero bago pa niya ito paandarin ay tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Botong boto talaga sa akin si Tita, 'no?" Nakangiti niyang sabi sa akin.

Napairap naman ako. "Hindi naman obvious."

"Kailan kaya natin masasabi sa kanila na tayo na?" Nakangiti niya pa ring sabi pero this time may naramdaman na akomg lungkot sa tono niya.

"Dylan..." Banggit ko ng pangalan niya at saka inabot ang kamay niya at binigyan ito ng konting pisil. "Sasabihin naman natin sa kanila pero hindi pa ngayon."

Napabuntong hininga siya. "Alam ko naman na hindi pwede sa ngayon." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko at saka pinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Sorry. Hindi lang kasi ako makapaghintay na ipagsigawan sa lahat na tayo na. Na sa wakas ay may tayo na rin. Na hindi lang kita bestfriend, kundi girlfriend. Dahil noon pa man, ito na ang pinapangarap ko."

Napangiti ako sa sinabi niya. Unti-unti kong nilagay amg mga kamay ko sa lilod niya saka ko siya binigyan ng mahigpit na yakap at agad rin niyamg binalik.

"Malapit na, Dylan. Malapit na nating ipagsigawan ang gusto mo." Nakangiti kong sabi.

***

This Unrequited Love (short story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon