This Unrequited Love 5

33 2 0
                                    

A/N:

Ang tagal na bago ko to huling naupdate. Ginanahan na ulit akong ituloy so Ciao!

******

Nakatingin siya sakin.

Ramdam ko ang titig niya. Pero hindi ko siya magawang tingnan. Bakit? Dahil pag tiningnan ko siya alam kong ngingitian niya ako o kikindatan.

Kaya hindi ko siya titingnan. Ayoko.

"Ninako." Narinig kong bulong niya sa may tenga ko.

Shete to. Alam na alam niya ang kiliti ko sa tenga. Shete talaga.

"Pssst." Mas hininaan niya ang bulong niya pero mas hinabaan naman niya ang pag ihip sa tenga ko.

Shet. Nahihirapan na ako wag matawa. Nakikiliti na talaga ako.

Hanggang sa bigla na lang siyang umihip ng malakas sa tenga ko kaya bigla ko nang tinakpan ang tenga ko at lumingon sa kanya.

"Dylan, ano ba!" Inis kong saad.

Sumimangot naman siya. "Kanina pa kasi kitang tinatawag ayaw mo namang humarap. Kaya naisip kong kilitiin na lang kita." Napaisip naman siya. "Bakit nga ba ayaw mo akong pansinin?"

"Ikaw kasi eh!" Pag natingin kasi ako sayo naalala ko yung paghalik mo sakin kahapon!

"Anong kasalanan ko?" Painosente pa niyang tanong.

"Wala!" Sigaw ko sa kanya at tumalikod. Namula na naman ako. Naalala ko kasi yung kahapon. First kiss ko yun eh.

Ayaw kong malaman niya na medyo naa-akwardan na rin ako sa kanya.

Ikaw ba naman, sabihan ka kaya ng bestfriend mo ng 5 years na noon pa man ay mahal ka na niya. Hindi ka ba mabibigla? Hindi ka ba medyo awkward sa kanya?

"Oy, aalis nga pala ako mamaya." Napatingin naman ako bigla sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko. Lalayuan niya ba ako?

"May job interview ako mamaya eh pero babalik rin naman ako bukas. Ikaw ba? Kailan pa ang interview mo?" Bigla niyang tanong sakin.

Napaiwas naman ako ng tingin. Job interview?

Shet! Hindi pa ako nakakapag-job hunting? Omayghad. Paano na lang ang future ko? Kailan ko pa ba balak na maghanap ng trabaho?

"Ah. Oo nga pala. Tamad ka nga pala. Kaya paniguradong hindi ka pa nakakapaghanap ng trabaho." Nang-aasar niyang saad.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Excuse me ha! May nahanap na kaya akong trabaho." Inirapan ko siya.

"Talaga lang ha? Ano naman kaya?" Nakangisi niyang tanong.

"Napagpasiyahan ko na... Magmomodel ako!" Taas noo kong pahayag sa kanya. Tiningnan ko naman siya.

Nakatingin naman siya sakin na parang nandidiri na nagtataka na hindi makapaniwala. "Seryoso ka?" Sabi niya habang ganun pa rin ang itsura niya.

"Oo!" Naiinis kong sabi.

Napangiti naman siya bigla.

Hanggang sa lumawak iyon.

Hanggang sa nakangisi na siya.

Hanggang sa natawa na siya.

"Ahahahahahahaha!! Model?! Haha! Matatangkad lang ang nagmomodel no! Sa height mong yan hindi ka na papasa." Natatawa niyang sabi.

"At least maganda ako!" Sabi ko sa kanya.

Nagulat naman ako ng tiningnan niya ako ng seryoso.

Medyo naconscious naman ako kaya umiwas ako ng tingin at nilaro ang buhok ko.

This Unrequited Love (short story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon