This Unrequited Love 20

22 0 0
                                    

******

"Namumula ka pa rin." He said. Napalingon naman ako sa kanya only to be surprised that he's also looking at my way. Umiwas ako ng tingin. I blushed.

Narinig ko namang napatawa siya ng mahina. "Ano bang nakakahiya dun? We've already kissed twice."

Mas namula ako.

"K-ka-kasi, I'm n-not used to k-kiss-kissing."

Tiningnan ko siya saglit at nakita kong nakangiti siya habang nakatingin sa daan. Nagmamaneho kasi siya.

Nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin kaya mabilis pa sa alas-kuwarto na tumingin ako sa kabilang direksyon. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"If you're like that, I guess I'll take you somewhere first." Sabi niya kaya napalingon ako sa kanya at nakatingin na siya sa daan.

"Saan?" Tanong ko. Lumingon siya saglit sa akin bago binalik ulit ang tingin sa daan.

"Secret. May alam akong magandang lugar. Malalaman mo pag andun na tayo." Nakangiti niyang sabi.

Napakunot naman ang noo ko ng kaunti saka tumingin na lang sa daan.

Medyo matagal tagal rin bago siya huminto sa gilid ng isang lugar. Hindi ko masyadong makita dahil madilim. At natatakot na ako.

"Dylan, kung may masama kang balak, hindi kita mapapatawad." Sabi ko nang narinig kong tinaggal na niya ang seatbelt niya.

Napatawa naman siya ng mahina.

"Wala akong masamang balak, okay? Walang babalak sayo, lalaki ka no. Sexy at babae lang ang pinapatulan." Natatawa niyang sabi kaya hinampas ko siya ng dala dala kong bag.

"Babae akong hinayupak ka!" Sigaw ko sa kanya at mas lalo lang siyang natawa.

Pero nakahinga naman ako ng maluwag doon. Pwedeng pwede niya kasi akong patayin dito, dahil madilim naman at walang nakakakita. Oh diba? Perfect spot for crime.

At alam kong mapahkakatiwalaang tao si Dylan, di niya ako gagawan ng masama.

Lumabas na kami ng kotse at doon ko lang nalaman kung nasaan nga ba kami.

Tumingin tingin ako sa paligid. "Sa park?" Tanong ko sa kanya at saka siya tiningnan. Tumingin rin siya sa akin.

"Saan pa ba kita dadalhin?" Nakangiti niyang sabi bago umakyat sa fence. Nang nasa may pinakataas na siya, tumingin soya sa akin. "Tara na." Sabi niya saka lumiban at bumaba na.

"Hindi ba trespassing to?" Natatakot kong tanong sa kanya.

Aba, ayoko pang makulong no. Marami pa akong pangarap sa buhay. Gusto kong makapasok sa magandang company, gusto kong ikasal, gusto kong magkapamilya at gusto kong gawin ang lahat ng nasa bucket list ko.

"Hindi yan. Kilala naman ako ng tagabantay dito. Ilang beses ko nang ginawa ito these past few days at hinahayaan lang nila ako." Sabi niya. "Kaya lumiban ka na rin. Pero wait, kaya mo ba? Nakadress ka eh."

Napabuntong hininga ako. "Kakayanin? Pero ikaw na ang bahala pag namatay ako sa pagliban dyan ha?"

"O.A. mo." Natatawa niyang sabi. "At oo, ako na ang bahala sayo. Hindi kita papabayaan." Nakangiti niyang dagdag at namula naman ako.

Gago, smooth talker ang gagong to.

Tumaas na ako sa railings. Buti na lang talaga at walang patusok sa parteng to at pantay pantay sila. Kaso nga lang nahirapan akong lumiban ng kaunti. At pagbaba ko medyo sumala ang paa ko kaya nawala ako sa balanse. Mahuhulog ako.

This Unrequited Love (short story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon