This Unrequited Love 7

38 0 0
                                    

A/N:

Sorry sa late update! ^•^V Naging busy ako eh. Pero eto na so, enjoy!!

******

Isa sa pinakanakakatakot na pangyayari sa pag-ibig ay ang pag-amin ng nararamdaman mo sa taong iyon. Iba't ibang klaseng emosyon ang maaari mong maramdaman habang sinasabi mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman. Masaya dahil sa wakas nasabi mo na rin. Nakakakaba dahil sa maaaring maging sagot niya sayo. Nakakahiya dahil sinabi mo ang matagal mo nang nililihim na pagtingin. Nakakatakot dahil sa isip mong baka iwasan ka niya. Pero sa huli ay wala ka ring magagawa kundi sabihin sa kanya dahil umaasa ka. Umaasa kang sa pagsasabi nito sa kanya ay maaring magiba ang pagtingin niya sayo.

Kaya heto ako, inaamin sa kanya ang nararamdaman ko dahil umaasa akong magbabago pa ang nararamdaman niya.

"I'm in love with you." Sabi ko sa kanya pero nagtagal na ata ng 5 minuto pero wala akong nakuhang kahit anong response sa kanya.

"Mahal kita, Kuya Ashton." I told him. Tinagalog ko na at baka hindi niya nagets yung pag-i-english ko. Hindi naman kasi ganun kaganda ang accent ko. Sorry na.

Tiningnan lang niya ako. Nakakahiya man at kahit sobrang lakas na ng pintig ng puso ko na parang any minute ay lalabas na ito ay hindi ko rin tinatanggal ang pagtingin ko sa kanya.

Gusto kong makita kung ano ang sinasabi ng mga matang iyon. Kung may naramdaman man lang ba siya nung sinabi ko sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko. Kung may pag-asa bang mabago ang isip niya at pagtingin sa akin.

Pero wala.

Wala akong makitang ekspresyon sa mga mata niya.

Walang kahit ano tanging gulat lang.

Nang medyo nahimasmasan na ata siya sa sinabi ko ay agad niyang tinanggal ang pagkakatingin niya sa akin at binalik na lang ito sa pelikula.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil wala siyang sasabihin sa mga salitang lumabas sa bibig ko o madi-disapoint dahil parang wala man lang siyang paki sa sinabi ko.

Biglang sumikip ang dibdib ko sa sakit kaya naisipan ko na lang na ibalik ang tingin ko sa pelikula at ituloy ang panunuod kahit alam kong hindi ko to mapapanuod ng maayos dahil kakareject lang sakin.

Kahit wala siyang sinabi, senyales na rin yun ng pagsasabi niya ng 'sorry pero wala talaga akong nararamdaman para sayo' at wala akong magagawa kundi tanggapin ang sagot niya.

Unti-unting namuo ang mga luha sa mata ko. Sabi na nga ba eh. Walang mapapala ang pagsasabi sa kanya ng nararamdaman ko. Hindi ko na mababago pa ang puso niya dahil alam kong nakay Christine na yun. At hinding hindi magiging akin yun.

Tumulo na ang mga luha ko at hinayaan ko na lang sila. Pag sinubukan ko kasing punasin mapapansin ni Kuya Ashton na naiyak ako at ayokong malaman niya na iniiyakan ko siya.

Ansakit talaga. Mas masakit pa ito nung nalaman ko na may iba siyang gusto. Masakit. Masakit na hindi niya kayang ibalik ang nararamdaman ko. Masakit na para sa iba ang pagmamahal niya. Masakit dahil wala lang sa kanya ang nararamdaman ko.

Bakit ba hindi ko makuha ang isang tanging bagay na hiniling ko? Bakit hindi ko makuha ang pag ibig niya?

Tinakpan ko agad ng kamay ko ang bibig ko para itago ang mga hikbing gusto kumawala mula sa bibig ko. Pinigilan ko ang sarili kong humikbi dahil natatakot ako na marinig ni Kuya Ashton ang sakit na nararamdaman ko.

Ang sakit na nararamdaman ko dahil sa tahimik niyang hindi pagtanggap sa pag ibig ko.

***

Natapos ang pelikula nang hindi kami nag-usap o nagtinginan man lang maliban na lang nung nagpaalam siya bigla na mag-c-cr siya at dun ko lang sinimulang ayusin ang sarili ko, pinunasan ko na ang luha ko. Tumayo na lang kaming dalawa nung binuksan na ang ilaw at lumabas ng tahimik. Dumiretso kami sa parking lot ng walang naimik.

This Unrequited Love (short story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon