******
For the first time in my life, I've been kissed by a guy. I didn't even have my first boyfriend. Dahil sa kahihintay kay kuya Ashton. But still, I have dignity. Hindi ako basta-basta nagpapahalik kahit kanino, kahit sya pa ang pinaka-poging tao sa mundo, kahit si kuya Ashton pa yan. Ang gusto ko kasi pagnag-kiss kami ay yung may relasyon na kami. Ok lang naman kung sa cheecks. But what the hell is happening right now?
He's kissing me. Marahan lang at mabagal ang mga halik niya sakin na para bang bawat segundo ay sinasamantala niya.
Nanginginig ako. Hindi ko siya magawang itulak dahil wala akong lakas para itaas ang kamay ko at itulak siya.
Nabigla ako nang bigla niyang hinawakan ang likod ng ulo ko at hinigit pa palapit sa kanya.
His lips are touching mine gently. Sa sobrang pagkabagal nito ay para na rin akong hinihila palapit upang ibalik ang halik sa kanya nang may bigla akong naalala.
Si kuya Ashton!
Tinulak ko siya palayo habang nakatakip sa kamay ko ang bibig ko.
Nakatingin lang sya sakin while I saw pain in his eyes.
"Sorry..." sabi nya at nilagay niya ang kamay niya sa mukha nya. Iniwasan ko ang titig nya. Hindi ko sya matingnan.
I, for the first time in my life, am really getting akward with him. Bestfriend ko sya. Hindi dapat ako nqiilang sa kanya. Pero heto ako, hindi ko man lang sya matingnan ngayon.
"Sorry... alam kong... shit! Sorry talaga..." hindi parin ako makatingin sa kanya.
Funny. Kanina lang gusto ko nang pansinin nya ako at makipag-bati. Pero ngayong pinapansin na nya ako, hinalikan pa nga eh, ako naman ang hindi pumapansin sa kanya. Really funny.
Naramdaman kong tumayo sya at umupo na naman sa kama ko, "Ninako... sorry na kasi."
I wanted to look at him, but I can't.
Narinig kong nagbuntong hininga sya, "Ito na nga ang kinatatakutan ko eh. Pag nalaman mo na ang nararamdaman ko, unti-unti ka nang lalayo sakin. At ito na nga, nangyayari na," napatawa sya.
Dun ko lang naisipan na mapatingin sa kanya. Layuan sya? No! I can't do that! He's my bestfriend!
"Hindi na naman ako pwedeng umurong, diba? Nasabi ko na eh. Edi panindigan ko na." Tumingin sya sakin.
"Oo, Ninako. Tama ang narinig mo, mahal kita... noon pa," I felt akward again pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, "natatandaan mo ba nung malapit na ang graduation natin nung highschool?"
Inalala ko naman ang sinabi nya.
*Flashback*
"Oy, aso!" Natatawa kong sabi. Nilingon nya naman ako at binalik nya ulit ang tingin sa unahan.
Napasimangot naman ako at tumabi sa kanya. Tiningnan ko siya. Napatingin siya sakin. Iniwas nya ang tingin nya at lumayo sakin.
What the hell? Ano bang problema nito?
Lumapit ulit ako sa kanya at niyakap ang bewang nya. Nag-stiff sya bigla.
Tinanggal nya ang kamay ko sa bewang nya at tumakbo palabas ng room.
Napapaiyak naman ako dahil sa tensyon. May ginawa ba ako?
*End of flashback*
"Naalala mo?" Tanong nya sakin. Tumango na lang ako, "Dun ko naman na-realized na kaya hindi ako masyadong masaya nung naging kami at kung bakit parang hindi man lang ako nasaktan nung naghiwalay kami ni Shell... it's because of you."
BINABASA MO ANG
This Unrequited Love (short story)
RomanceA love that is never meant to happen... *** Mahal mo siya. Mahal ka niya. Congrats. Ako na nga ang talunan. Ako na nga ang hindi mahal. Ako na nga ang nasasaktan. Pero alam niyo ba? Nararamdaman niyo ba ang sakit? Hindi, diba? Kasi hindi niyo nam...