This Unrequited Love 16

28 0 0
                                    

******

"Shit!" Napamura ako nang narinig ko ang pagkabasag ng baso sa sahig. Ang initial response ko ay pulutin yung nabasag pero agad akong napigilan ni Bryle.

"Wag. Baka masugatan ka pa." Sabi niya saka tinawag ang bartender na nasa maliit na bar counter. Kumuha agad siya ng dustpan at lumapit samin at nilinis na ang nabasag kong baso.

"Sorry." Sabi ko saka yumuko. Ramdam ko ang mga tingin nila samin. Nakita ko rin kaninang napatingin sa akin si Dylan. Ugh, I hate this.

"Hindi mo na kailangan mag-sorry." Sabi niya habang nakangiti. "Actually, I think it's my fault dahil nabigla kita sa sinabi ko."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa akin. "But what I said is the truth. Hanggang ngayon, gusto pa rin kita. Hindi ko alam kung bakit pero ikaw at ikaw pa rin ang hinahanap ko. You're the only one for me."

Punong-puno sinseridad ang mata niya and I can't help to be touched pero hindi bumibilis ang tibok ng puso ko kagaya ng ginagawa ko kay Dylan.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Narinig kong napabuntong hininga siya. "As I thought, you still like him, don't you?"

Napatingin ako sa kanya at napakunot ng noo. "Huh?"

Ngumiti siya ng malungkot. "Dylan Martinez. Ang bestfriend mo."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at bahagyang namula ako.

Bakit ganito? Dati naman pag may nagsasabi sa akin na gusto ko si Dylan ay tatawanan ko lang sila at sasabihing imposible. Kaya bakit ngayon bumibilis na lang ang tibok ng puso ko?

"Gusto mo nga siya." Nagbuntong hininga ulit siya bago tumayo. "Pero hindi pa naman kayo kaya may chance pa ako, diba?" Nakangiti niyang sabi bago yumuko ng konti at hinalikan ako sa may ulo ko.

Nagtilian bigla ang mga kabatch ko.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at agad na nilayo ang sarili ko sa kanya. Nginisian lang naman niya ako bago umalis.

Namula ako at hinawakan ang yung parte na hinalikan niya. Hindi naman dahil sa kinilig ako kaya ako namula, namumula rin kasi ako pagnahihiya ako.

Nang makaalis na siya ay agad akong pinaligiran ng mga babae kong kabatch at nanguna pa si Jenn sa pagsasalita.

"Teka lang, naloka ako sa nangyari!! Hindi naman ganun kalandi ang pinsan kong yun." Tili ni Jenn. "Kaya naman pala hindi sila pwede ni Dylan dahil may Bryle na. So, paano kayo nagkakilala?"

Ngumisi sila sa aking lahat. Namula naman ako. "H-hindi kami ni Bryle." Sabi ko sa kanila. "College friend ko lang siya."

"College friend?!" Sabi ni Marie. "May mga friends bang ganun kalandi sa isa't isa. Ano yun, friends with benefits ang peg niyo?" Natatawa niyang sabi kaya napatawa silang lahat at mas namula ako.

"Hindi 'yun ganun!" Namumula kong sabi. "Magkaibigan lang talaga kami. Pero, I guess niligawan niya rin ako dati?"

Tumili ulit sila. "Sinasabi ko na nga ba!" Sabi ni Grace.

"Ikaw pala ang kinukwento ni Bryle sakin tuwing nagtatawagan kami nung college!" Nakangiting sabi ni Jenn. "Ikaw na nga ang maganda, Ninako! Nabihag mo ang puso ng isang Bryle Suarez."

At dahil hindi ko alam kung anong ire-react ko sa sinabi nila ay ngumiti na lang ako. At sa gilid ng paningin ko ay nakita ko si Dylan na nakatingin sa akin nang may nasasaktan na eskpresyon.

***

"Oh, mag-paalam ka na muna sa babe mo!" Natatawang sabi ni Jenn pagkatapos itulak papunta sa akin si Bryle at nauna nang pumasok sa kotse niya. Napatingin naman kami sa isa't isa at umiwas ako ng tingin. This is akward. 

This Unrequited Love (short story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon