This Unrequited Love 11

24 0 0
                                    

******

Napaupo ako sa isang tabi nang makalayo na ako. Pinunasan ko ang mukha ko nang maramdaman kong basa pala ito. Napabuntong hininga ako at napatingin sa langit.

Bakit ba nakirot ang puso ko? Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi naman siya kasing sakit pag tungkol kay kuya Ashton pero tama lang yung sakit para manikip ang dibdib ko.

Huminga ako ng malalim. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Simula nang ma-broken hearted ako kay kuya Ashton mas naging sensitibo na ako sa mga bagay na wala namang kwenta.

Hindi ako dapat mag-isip masyado tungkol dito at magsaya na lang kasama si Dylan. Yun naman talaga ang plano ko, diba? Ang maging masaya na ulit, hindi yung ganitong nasasaktan dahil sa sarili ko lang din namang katangahan.

Hindi ko rin naman masisisi si Dylan kung hindi ako ang first kiss niya habang siya ang first kiss ko, diba? Hindi ko siya masisisi na hindi ako ang first girlfriend niya. Dahil hindi niya rin naman ako sinisisi na pinili ko lang siya dahil gusto kong makalimot.

Dapat tinatanggap ko si Dylan dahil tinatanggap niya rin ako sa kung ano pa man ako. Oo, tama! Magso-sorry ako kay Dylan!

Tumayo na ako. At habang naglalakad ako pabalik inisip ko ang mga sasabihin ko sa kanya pagbalik ko dun. Na dapat maging masayamg first date to para sa aming dalawa.

Nang makalapit na ako nakita kong nakatayo si Dylan at parang tinitingnan kung bumalik na ba ako. Napangiti ako. Tatakbo na sana ako palapit sa kanya nang may biglang humigit na babae sa braso ni Dylan at pinaupo siya. Napakunot ang noo ko. Nakatalikod amg babae kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Baka naman ang ate ni Dylan yan? Pero imposible, ang alam ko nasa Cebu pa rin hanggang ngayon si ate Katty at next year pa siya makakabalik dito sa manila. Kaya sino yan?

Nakita kong parang nagpumilit pa rin si Dylan na tumayo pero hinihila lang siya pabalik ng babae at pinipilit na magstay sa inuupuan niya. At ang kinainis ko pa ay ang paghawak niya sa kamay ni Dylan.

Naningkit ang mata ko. Ako lang ang pwedeng humawak sa kamay niya! Hindi ko alam kung sino ang babaeng yun pero iniinis na niya ako. Padabog akong naglakad palapit sa kanila.

Napansin siguro ni Dylan ang mga yabag ko kaya nilingon niya ako at automatic na sumilay ang ngiti sa mukha niya nang makita niya ako. Hindi na napigilan ng babae ang biglang pagtayo ni Dylan at pagtakbo papunta sakin.

Nang makalapit na siya sakin ay agad niya akong sinalubong ng mainit na yakap. Nabigla ako sa ginawa niya pero napangiti ako at ginantihan rin siya ng yakap.

"I'm sorry, Ninako. Nasaktan kita because I was stupid and afraid of your reaction if you knew na si Shell nga ang first kiss ko kahit aksidente lang yun." Mas humigpit ang pagkakayakap niya sakin. "Pero maniwala ka man o hindi, you're my first love."

Ngumiti na lang ako at hinigpitan ko rin ang pagkakayakap sa kanya. "Okay lang, Dylan. At sorry rin dahil nagoverreact ako kanina."

"Okay lang rin yun. Sinula ngayon, bibigyan na kita ng mas maraming yakap." Sabi niya at siniksik ang mukha niya sa balikat ko. Napatawa ako. At kinilig sa ginawa niya. Aaminin ko sa inyo, noong highschool sikat si Dylan sa school namin kaya naging crush ko siya nun pero nawala nung nagpatulong siya sakin kay Shell. Kaya bumabalik siguro sakin ngayon ang pagkakacrush ko sa kanya.

Nagtagal siguro kami sa ganung posisyon nang may tumikhim sa likod namin. Napalingon kami parehas nun si Dylan. At nagulat ako sa nakita ko sa may harap ko.

Napansin siguro ni Dylan ang pagkagulat ko kaya nagsalita siya. "Nagkita ulit kami dito sa park nang mag-isa siyang naglalakad. Hindi ko na naman siguro kailangang ipakilala kayo sa isa't isa, diba?" Sabi niya na tumawa ng konti.

This Unrequited Love (short story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon