This Unrequited Love 2

66 4 0
                                    


******

I-it can't  be...

Buong byahe akong nakatulala. Parang hindi kaya ng utak at puso ko na i-absorb ang sinabi ni Mama. Parang nawala ang kalahati ng puso ko...

Masakit... akala ko pa naman may pag-asa ako kahit konti lang.

Wala na ba talaga?

Kinagat ko na lang ang labi ko para mapigilan ang pag-iyak ko.

"Nandito na tayo!" Sigaw ni Mama. Napatingin naman ako sa bintana. Nandito na nga kami... Bumaba na si Mama at Papa. Siguro bababa na lang din ako.

Bababa na sana ako ng hilahin ako ni Dylan pabalik. Napatingin naman ako sa kanya.

Tiningnan nya ako ng seryoso, "pumunta ka sakin pag-iiyak ka na, maliwanag?"

Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti ng tipid, "ano ka ba? Itong bagay na to iiyakan ko lang? Hindi ganyan si Ninako Panghulan. Palaban ata ang babaeng to!"

Ngumiti naman sya sakin at ginulo ang buhok ko, "ganyan nga si Ninako Panghulan." Ngumiti na lang din ako.

Sabay kaming bumaba. Agad namang hinanap ng mata ko si kuya Ashton.

"Ninako!" Ang boses na yun... Lumingon ako sa tumawag. At hindi nga ako nagkakamali.

Ngumiti ako ng malapad at tumakbo papunta sa kanya, "KUYA ASHTON!!"  Niyakap ko agad sya.

Ang bango-bango talaga ng papable ko. Siniksik ko pa ang sarili ko sa dibdib nya. Grabe, miss na miss na miss na miss ko na sya!

"Hindi naman halatang namiss mo ako, no?" Tumawa ako ng mahina at mas hinigpitan ang pagkakayakap ko.

Baka naman nag-h-hallucinate ako kanina sa narinig ko. Oo nga... Baka nga.

"Kuya Ashton, namiss kita ng sobra. Namiss mo din ba ako?" Inangat ko ang tingin ko ng makita ko ang maamo nyang mukha.

Ngumiti sya sakin, nakakahiya naman baka malaglag na ang panty ko sa kapogian nya, I said to myself.

"Syempre naman namiss ko ang baby Ninako ko!" Napangiti naman ako sa sinabi nya. Ayiieee! Kinikilig ako! Ene be!

Umalis sya sa pagkakayakap at ginulo ang buhok ko, "tama na nga ang yakap baka magselos ang mahal ko," nawala ang ngiti ko sa sinabi nya. Mahal ko?

"Dyan ka lang ha. Papakilala ko lang sayo ang magiging ate mo." Natahimik ako sa sinabi nya. So, hindi ako nag-h-hallucinate...? Ikakasal na talaga sya?

Lumayo sya sakin at pumasok na sa loob. Sinenyasan naman ako ni Dylan na pumasok na rin sa loob. Kahit nanginginig ang tuhod ko pinilit ko pa ring pumasok.

Marami rin palang tao sa loob. Kaya pala maraming sasakyan ang nakaparada sa labas.

At sa loob ko nasaksihan ang nagdurog ng husto sa puso ko.

Si kuya Ashton may inakbayang babae habang ang babae naman ay nakayakap sa bewang nya.

Muntikan na akong mapa-upo kung hindi lang ako sinambot ni Dylan, "Ninako..." bulong nya sakin na may kasamang awa.

Ngumiti samin si kuya Ashton, ang ngiting dahilan kung bakit nahulog ako sa kanya.

"Lolo, Lola, Titas, Titos, mga pinsan ko, mga kaibigan ko, gusto kong ipakilala sa inyo ang babaeng mamahalin ko habangbuhay si Christine Ann De Castro."

Lahat nagpalakpakan at naghiyawan. Habang ako... ito nasa isang sulok... durog na durog ang puso...

~*~

This Unrequited Love (short story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon