This Unrequited Love 14

15 0 0
                                    

******

Maingay. 'Yan ang una kong i-de-describe sa isang bar. Malakas ang mga tugtog, nagsisigawan ang mga tao at minsan ay may mga lasing na nag-i-ingay sa tabi. Noon pa man ay hindi ko na gusto ang pagpunta sa bar. I dislike noisy places.

Pero nahilig mag-bar noon si Kuya Ashton nung naging Junior College student siya kaya parang nawalan ako ng choice kundi pumunta doon at tingnan siya dahil nag-aalala ako. Minor pa lang ako noon, nasa third year pa lang ako ng highschool pero palagi kong nagagawan ng paraang magmukhang matanda. At siguro, dahil na rin sa mga experience ko noon sa bar, nasanay na rin ako dito. Ang problema nga lang ay, tumigil na si Kuya Ashton sa pag-ba-bar simula nung nagkatrabaho siya, kaya hindi na rin ako nagpunta noon. Kaya hindi na ulit ako nasanay dito.

Pagpasok namin sa may bar ay agad akong sinalubong ng ingay at baho ng alak at sigarilyo. Marami ring sumasayaw sa may gitna at sinasabayan ang beat ng loud music. May mga nagsisigawan habang sumasayaw. May mga nasa gilid lang naman at nagkwe-kwentuhan habang umiinom o naninigarilyo. At may mga mag-isa lang sa bar counter na nanunuod lang sa mga nagsasayaw sa gitna habang may tinutunggang alak.

Napatakip ako sa ilong ko. I also dislike the scent of tobacco and liquor. Pero kaya ko namang mag-inom, ayoko lang talaga ng amaoy niya. Hinila ko naman ang sleeves ni Dylan at bumulong. "Nasaan ba sila?"

Tumingin naman siya sa akin at nagsimula nang maghanap. "Hindi ko rin alam. Pero sabi naman sakin nina Mike na pupuntahan nila tayo dito pagdumating na tayo. Nagtext na naman ako eh, baka hindi lang niya nababasa pa. Wait, tatawagan ko na lang siya." Sabi niya saka kinuha ang cellphone niya at nagdial.

Nilagay niya agad ito sa may tenga pagkatapos at hinintay na sagutin to ni Mike. "Hey, bro." Sabi niya. "Nandito na kami, saan ba kayo dito?... No need, kami na nga lang ang pupunta dyan... Okay, hihintayin na muna namin sina Shell?" Napatingin agad ako sa kanya nang mabanggit niya ang pangalang iyon. Nakita kong nakatingin siya sakin at umiling.

"No, dude. Alam mo namang nag-break na kami... Yeah, we did, you prick. Sinabi ko na naman 'yun sayo, diba?" Hinila ko ulit ang sleeves niya at tumingin siya sakin. he mouthed 'ano'.

"Mag-c-cr lang ako." Sabi ko sa kanya at tumango lang naman siya.

Nagsimula na akong maglakad papuntang CR. Tumingin-tingin ako sa paligid. Hindi ko alam kug nasaan ang CR. Naglakad-lakad lang ako nang mapatingin ako sa nadaanan kong couple na naghahalikan sa gilid. Napangiwi ako. Another reason why I dislike bars, maraming nag-ma-make out dito. At marami ring naghahanap ng makakalandian.

Nang tumingin ulit ako sa may unahan ay may bigla akong nakabanggaan. Nalaglag ang hawak niyang can at kaagad naman akong umupo para kunin 'yun. "Gosh, I"m so sorry. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Sor--"

"Ninako?"

Napataas agad ako ng tingin nang may narinig akong pamilyar na boses. Napaawang ang kanyang labi at nanlaki naman ang mata ko. Napatayo naman ako bigla.

"Bryle... Suarez?" Pagtatanong ko sa kanya.

Si Bryle ay isa sa mga nanligaw sakin dati nung college na binasted ko agad. Masisisi niyo ba ako kung si kuya Ashton lang ang mahal ko noon? Sa totoo lang, mabait namang tao si Bryle at mayaman, english-speaking rin ang loko. Pero wala eh, inlababo ako noon sa pinsan ko. Tsaka ayaw rin ni Dylan sa kanya, sa lahat ng manliligaw ko, actually. Dati hindi ko alam kung bakit, 'yun pala selos lang naman pala siya. Pero kahit nabasted ko na siya dati, we stayed friends. Nawalan lang kami nun ng communication dahil naging busy na sa pag-aaral.

Ngumisi naman siya at tumango. "Yep, it's me." Napatawa siya. "Ano nga palang ginagawa mo dito? Sa pagkakaalam ko, you hate bars. Tinanggihan mo nga ako dati nung niyaya kita."

Napabuntong hininga ako. "Ayoko pa rin naman dito kaso... yung kaklase ko dati na si Jenn ay nagpareunion. Nga pala, bakit ka nandito?"

Hindi ko alam kung bakit pero mas lumaki ang ngisi niya sa sinabi ko. "For the same reason, I guess."

"Eh?! Bakit?!" Nabiglang tanong ko. Magkakilala ba sila ni Jenn? Ay teka lang... Suarez nga rin pala si Jenn so ibig sabihin nun ay...

"We're cousins." Pagmamalaki niya. "And I'm here to meet her friends from highschool pero siguro dahil natatakot sina Tita na may lumapit na lalaki sa unica hija nila kaya pinasama ako." Natatawa niyang sabi.

Napatawa na rin ako. "Strict pa rin pala ang parents niya kahit 20 na siya."

"Yeah! That's the reason why she's so annoyed by me at ginawa na lang na tagakuha ng alak nila."

Nanlaki naman agad ang mata ko ng may maalala ako. "Hala, ang alak mo nga pala!" Nataranta kong sabi at yuyuko na sana ako para pulutin pa kaso pinigilan na niya ako.

"No need, Ninako. Kukuha na lang siguro ulit ako. So, see you at the party na lang." Sabi niya sakin at nagsimula nang maglakad paalis.

Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanya na naglalakad na palayo. Hanggang ngayon ang bait pa rin niya. Sa lahat ng nanligaw sa akin noon, siya na ang pinakamatino, talagang shunga ako kay kuya Ashton kaya binasted ko pa rin siya.

Pero hindi naman ako nagsisisi, at least nandyan naman si Dylan para sakin. And he's enough.

Nagpatuloy ako sa paghahanap ng CR at nakita ko to sa medyo dulong parte ng bar. Pumasok na ako doon at inayos ang sarili ko. Tumingin ako sa salamin. Mukhang okay na naman. Napabuntong hininga ako. Nagpunta lang naman talaga ako dito para medyo makahinga dito sa bar. At nang sa tingin ko ay kaya ko na ulit ay nagsimula na akong maglakad palabas nang may nakasalubong ako.

Automatic na tumaas amg kilay ko nang makita ko ang impakta. Tinaasan niya rin ako ng kilay bago nagsalita. "Kanina ka pa hinahanap ni Dylan. Saan ka ba nagsusuot?"

"Wala ka na doon." Mataray kong sagot sa kanya bago ko siya nilampasan at hindi pa man ako nakakalayo sa kanya ay nagsalita na ulit siya.

"Alam kong may balak kayong sabihin na kayo na ni Dylan. Pero kung ako sayo, hindi ko muna sasabihin."

Napalingon agad ako sa kanya at naningkit ang mata ko. "Ano bang pakielam mo?"

Nagkibit-balikat siya at ngumisi. "Hindi pa alam ng iba ang tunay na rason kung bakit kami naghiwalay at tanging ikaw, ako, si Dylan at si Richard lang ang nakakaalam. Hindi nga rin nila alam ang dahilan kung bakit hindi na tayo nagpapansina, diba? Kaya ano na lang sa tingin mo ang iisipin nila sa inyong dalawa kung malalaman nila na kayo na?"

Nangunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"

"Sinasabi ko lang naman na baka isipin nilang ikaw ang tunay na nag-ahas sa ating dalawa. Iisipin nilang kaya tayo nagkagalit at kaya kami naghiwalay ay dahil sayo." Nakangiti niyang sabi.

"Ano?! Ikaw naman talaga ang--"

"Ako nga ang may dahilan. Pero sa tingin mo ba ay alam nila na ako nga? Hindi naman, diba? Kaya sayo mapupunta ang sisi. Kaya nga sinasabihan kita na wag mo munang sabihin." Sabi niya saka ako nilagpasan at iniwanang nag-iisip.

Idedeny ko ang relasyon namin ni Dylan?

***

This Unrequited Love (short story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon