This Unrequited Love 18

16 0 0
                                    

******

Hindi ako yung tipo ng tao na makwento. Pag may nangyayaring kakaiba sa buhay ko ay walang makakaalam kundi ako lang o yung taong kasama ko. Kahit ang pagkakaalam ni Dylan tungkol kay Kuya Ashton ay hindi ko kinuwento sa kanya, aksidenteng nalaman niya lang ito. Siguro dahil mas komportable lang ako na walang ibang makakalam ng buhay ko kundi ako. At dahil na rin, natatakot akong i-judge nila ako.

Hanggang sa nakilala ko nga si Dylan, mapilit siyang tao, sa totoo lang. Gustong-gusto niya malaman ang bawat araw ko kahit napakaboring nito. Tapos mas naging mapilit pa siya lalo nang malaman niya ang sekreto ko. At kahit nalaman niya, hindi siya nagsabi ng kahit anong bagay na masama tungkol sakin at sinuportahan pa niya ako dito. Yun na rin siguro ang naging dahilan kung bakit kay Dylan lang ako nag-o-open.

At ngayon, dahil na rin kay Dylan, sinabi ko sa pamilya ko ang relasyon ko.

"So, kailan ang kasal niyo?" Pagtatanong ni Mama na ngiting-ngiti.

Napakunot ang noo ko. "Ma naman! Kakagraduate ko pa lang po, kasal na agad?"

"Syempre! Paano na lang kung magbago bigla ang isip ni Dylan at nalaman niyang marami pa palang magagandang babae sa paligid?" Napabuntong hininga siya. "Kaya kailangan itali mo na agad siya sayo."

Napasimangot naman ako kay Mama. "Sinasabi niyo po ba na pangit ako?"

Kunwari namang nagulat si Mama at hinawakan pa ang dibdib niya na mukhang hindi siya makapaiwala sa sinabi ko. "I never said that! Syempre naman, maganda ang anak ko." Sabi niya saka lumapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Ang ibig ko lang sabihin ay baka makahanap ng iba si Dylan."

Tinaasan ko na lang ng kilay si Mama at nagpunta na lang sa may kwarto ko.

"Anak! Wag ka munang umalis, mag-uusap pa tayo sa kasal niyo next year! Anak! Ninako!!" Pagsigaw ni Mama pero hindi na ako lumingon. Kung ano-anong kalokahan lang naman ang sasabihin ni Mama.

Bago pa ako makalapit sa kwarto ko ay nakasalubong ko ang mga pinsan ko. Napabuntong hininga ako. Alam na alam ko na ang sasabihin nila.

"Kailan ang kasal niyo?" Nakangising sabi ni Kuya Alfred at humagikhik silang lahat.

Sinamaan ko na lang sila ng tingin saka patakbong pumunta sa kwarto ko. Aaggh. Ayaw talaga nila akong tantanan sa nangyari kahapon. Napahilamos na lang ako ng mukha. Si Mama kasi!

Kahapon nung umamin ako sa kanila na boyfriend ko na si Dylan. Matapos makarecover ni Mama sa pagkagulat ay mas lalo pa niya kaming ginulat sa bigla niyang sinigaw sa lahat.

"Magplano na tayo ng kasal!!"

Napabuntong hininga ako sa naalala ko. Kaya tuwing makikita ako ng mga kamag-anak namin ay agad silang magtatanong ng --- "Kailan ang kasal?"

Yung kinatatakot kong mangyari pag nalaman na nila ay nangyayari na nga. Pero kung nandito si Dylan, sasakyan pa siguro niya ang mga pinagsasabi ng mga ito. Hinayupak yun eh. Napangiti ako sa naisip ko at napatingin sa picture na nakasabit sa pader. Yung picture naming tatlo nina Kuya Ashton at Dylan.

Dylan, malapit na bang matapos ang cool-off natin?

Napapikit ako.

Miss na miss na miss na kasi kita.

***

Napatingin ako nang nagvibrate ang cellphone ko ng dalawang beses. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko. Si Dylan na kaya ito? Naisip ko bago ko binuksan ang cellphone ko.

This Unrequited Love (short story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon